Page 2

69 3 2
                                    

Elisaria's pov

"put*ng ina teh napakatagal mo!" sigaw sakin ni Emma.

"Hala eto na nga eh oh, huwag kang magalit dyan at di rin ako natutuwa." sambit ko at ako na ang nagmaneho.

Nang makarating kami sa aming apartment ay dali daling lumabas si Emma sa sasakyan para dumeretso sa cr.

Sinarado ko na ang sasakyan at nagtungo na sa loob.

Hayyyy, nakakawalang gana naman na ibenta tong mga cupcakes na 'to, kainin ko nalang kaya? eh kaso busog pa ko at ang dami naming kinain kanina. Pero hayaan mo na nawalan na ko ng gana magtinda.

"hayyyy, success" sambit ni Emma ng makalabas siya ng banyo na hawak hawak ang kanyang tiyan.

"oh ikaw? hindi ka ba magc-cr?" lapit niya sa akin at umupo sa tabi ko.

"eh onti lang naman kinain ko, hindi katulad mo, patay gutom ka kasi" sagot ko sa kanya na may halong inis.

"oh eh bakit parang naiinis ka? ako nga dapat mainis sayo at napakatagal mo kanina, akala ko sa kotse na ko matatae yuck!!!!" sambit neto.

"mhie, sino ba namang hindi maiinis eh bago tayo makalabas sa mall, nakabunggo ko na naman yung kapre na sumira sa cupcakes ko" sagot ko.

"hala sh*t!!!! totoo ba?!!! ay oo, naalala ko nga may nabunggo ka kanina, pero di ko na namukhaan mukha sa sobrang pagmamadali ko eh, pero yieeeee baka magkatotoo na araw araw mo na siya makakabangga hahahah" pang-aasar nito sa akin na kinikiliti kiliti pa ako.

"alam mo ka hindi ka nakakatulong, ewan ko ba at naging kaibigan kita eh wala ka naman magandang ginagawa" sagot ko na may halong irap.

"nako kunwari ka pa, gusto mo rin naman yung nangyari kanina hmmm" dagdag nito.

"at paano mo naman nasabi ha?" tanong ko.

"nako teh, aminin mo na kasi na gwapo yung kapre na yon, ako nga nagagwapuhan ko ikaw pa kaya na napaka-rupok hahaha" sagot niya na may halong ngisi.

"hmmm sige aminin na natin gwapo nga, pero yun lang tingin ko don wala ng iba ok?" sagot ko.

"okay, sabi mo eh" kibit balikat nito at nagtungo sa kwarto.

Anong oras palang pala, tawagan ko kaya si ate, ok sige tawagan natin.

*ring ring ring ring~~~

*the number you have diale~~~

Ano bang problema non at ilang taon na hindi pa rin ako kinikibo?

Dahil ba mas pinili ko ang Manila kaysa manirahan kasama sila? Napakalabo talaga ng babae na yon.

Btw guys, dito kasi ako sa Manila nag-aral simula college kasi kinuha ako ng tatay ko at gusto niya akong pag-aralin dahil nga sayang naman daw ang aking talino kung di ko magagamit.

Yung tatay ko kasi na yon iniwan kami nila mama at ate nung 6 years old palang ako, hindi ko alam dahilan pero basta umalis nalang daw siya, yun yung sabi sakin nila ate.

Ayoko namang itanong sa tatay ko kung bakit niya kami iniwan, para't ano pa diba? eh nakabawi naman siya sa akin, napag-aral niya ko sa Adamson at para sa akin sapat na yon.

Umalis na ako sa puder niya pagkatapos kong maka-graduate, pero sabi niya kapag nagkaroon ako ng problema at kailangan ko ng tulong, tawagan ko lang raw siya at handa naman siya tumulong.

Gusto ko man magpatulong ngayon para magkaroon ng stable na trabaho kaso hiyang hiya na ako sa kanya, pakiramdam ko pabigat ako simula ng dumating ako sa buhay niya, kaya siguro iniwan niya kami.

Kahit na ganoon, mahal na mahal ko pa rin si papa, kasi syempre papa ko yon eh, wala rin naman siyang sumunod na pamilya kasi puro kompanya lang ginagawa niya, sobrang talino kasi daw ng tatay ko na yon eh at sobrang sipag, kaya siguro naimana ko yon sa kanya hahahah totoo yan no, kaya maganda rin ako kasi gwapo tatay ko, kaya pala di ko kamukha sila ate, kaya pala ako pinakamaganda sa amin hahahaha.

Ang hindi ko lang maintindihan ngayon ay simula ng sumama ako kay papa ay hindi na ako kinontak nila ate at mama.

Sobrang hirap lang kasi na mangyayari yon at gagawin sayo yon ng mga taong napakalapit sayo at nakasama mo simula ng bata ka, parang hindi lang pamilya yung pinapakita nila sa akin hanggang ngayon.

Kaya laking pasasalamat ko at dumating si Emma sa buhay ko, siya ang tumayong kapatid ko simula college, at tingnan niyo naman, hanggang ngayon matatag pa rin pagkakaibigan namin, kahit na nakaka-irita na siya at ang sarap itapon hahahahah.

Tumayo na ako sa pinagkaka-upuan ko at nilagay ang mga natirang cupcakes sa ref, kainin nalang siguro namin to ni Emma para naman may meryenda kami mamaya kahit papaano.

Pumasok na ako sa kwarto at nagpalit ng damit.

Pagkatapos kong magpalit ay umupo ako sa higaan at sumandal sa dingding, kinuha ko ang aking laptop at binuksan ito.

Kailangan kong maghanap ng trabaho, hindi pwedeng pagtitinda lang ng cupcakes, cakes and cookies ang gagawin ko habang buhay.

"looking for personal assistant, click more to see what are the requirements you need to bring"

Hmmmm pwede to ah, tingnan nga natin.

"A & M Real Estate Inc., wow ang shala naman neto, pwede ako rito ah, pwede rin ako magpatulong kay papa kung paano magiging galawa ko dito, tutal madami siyang alam sa mga ganitong klaseng kompanya" sambit ko sa aking sarili.

Dali-dali kong pinindot ang link na aking pagfifill up-an, hihintayin ko nalang ang email nila kung na-approved ba ako for an interview, well sana ma-approved ako hayyyy go go go Eli, kaya mo 'to!!!!!

Nagsearch pa ako ng iba oang background ng kumpanya, para naman kapag natanggap ako ay alam ko backgrounds nila.

A & M Real Estate Inc.

At A & M Real Estate Inc., you are number one. Whether you are a property owner, tenant, or buyer, we value your business and will provide you with the individual attention and service you deserve. We believe in a strict Code of Ethics. We believe in integrity, commitment to excellence, a professional attitude, and personalized care.

President of the company: Louise Araneta Marcos (56 years old)

Owww, kaya siguro A&M, kasi Araneta-Marcos, grabe apilyido palang alam mo ng malaking kompanya ah, Eli sana talaga makapasok ka dito, eto na ang sagot sa lahat.

C.E.O / Chief Executive Officer: Joseph Simon Araneta Marcos (23 years old)

OMG!!! Kasing edad ko lang CEO nitong company na 'to? Eh halata naman na mama niya yung Louise pero deserve naman siguro niya yon, kasi ang ganda ng takbo ng kompanya nila eh.

Kung tinanggap ko siguro offer ni papa sa kompanya niya baka CEO rin ako katulad nitong Joseph Simon na ito, pero hayaan mo na ang mahalaga nakafeeling ko si papa.

*beep

Tiningnan ko ang aking gmail at laking gulat ko ng makita ko ang email ng A & M Real Estate, hala hala hala!!!! totoo ba 'to????

Good day, Elisaria! Your application have been approved by the hiring manager of the company, we were expecting a scheduled ineterview with you. Come to our company and look for Mr. Luis Araneta, our hiring manager. Congratulations, we are looking forward to work with you. See you ka-A.M!

Sh*t sh*t sh*t!!!! Totoo nga!!! Napakabilis naman ng blessing na 'to Lord, thank you so much omg! Sobrang bait mo sa akin Lord God!!!

-

Eclipse [Simon Marcos]Where stories live. Discover now