Pumara naman ako ng taxi at nakahinga naman ako ng maluwag ng may isang kotseng naligaw dito.

"Manong, alam niyo ba kung saan ang Red Bar?" tanong ko sa driver.

Sumulyap naman siya sa rear view mirror at tumango.

"Sigurado ba kayong dito kayo pupunta, ma'am?" tanong ng driver ng huminto na ang kotse sa Red Bar daw.

Ngumiti naman ako kay Manong, "Opo, salamat po." at inabot ko sa'kanya ang bayad sabay labas.

Napahinga naman ako ng malalim at ibinaba ng kunti ang dress ko. Hapit na hapit ang katawan mo sa dress na ito at maiksi din, kitang kita ang legs ko. Hindi ko inakalang may ganito akong dress 'e hindi naman ako mahilig sumuot ng mga ganitong dress. At isa pa itong stiletto ko, ang taas. Natatakot tuloy akong humakbang, baka matapilok ako bigla. Hinawakan ko naman ang red shoulder bag ko. Oha, lahat red color ang suot ko ngayong gabi.

Lumapit naman ako sa isang makisig na lalake at sinuri niya ako ng mabuti.

"Sino ka?" tanong niya.

Napakagat naman ako ng labi, "I'm Miracle Camino - Del Vecho."

Yeah, karugtong na ng apelyido ko ang apelyido ni Ay-Ay. Asawa ko na nga siya diba?

Biglang napayuko ang lalake na ikinataka ko.

"Pumasok na po kayo." wala naman akong nagawa kundi ang pumasok nalang.

Napalunok ako ng pagkapasok na pagkapasok ko palang ay bumungad sa'kin ay maingay, madilim pero may iba't ibang kulay ang umiilaw. Napakalakas ng hiyawan ng mga taong nagsasayawan kahit sobrang lakas na ng tugtog.

Ganito pala ang bar.

Dahan dahan naman akong naglakad at pumunta sa may bar counter. May mga taong umiinom at nag sisigarilyo.

Ugh, bawal akong makalanghap ng usok ng sigarilyo!

Naupo ako sa stool at ngumiti sa lalakeng naghahalo ng inumin ata. Tinanong niya ako kung gusto ko daw uminom pero umiling lang ako. Napatingin ako sa gilid at sa mga taong nagsasayawan sa gitna pero hindi ko mahanap si Ay-Ay.

Nasaan ba ang baklang iyun?

"Fuck, ang sarap ng lasa!" nangibabaw ang pamilyar na boses ang narinig ko kahit ang lakas ng tugtog at ng hiyawan ng mga tao.

Nanlaki ang mga mata ko ng napatingin ako sa lalakeng papalapit dito sa may bar counter habang may hawak na wine glass sa dalawang kamay at may nakahawak din na babae sa braso niya.

Shock, anong ginagawa niya dito?

"Hoy, bakit ka nandito?" napatayo ako ng makalapit siya sa pwesto ko.

Ngumiti siya sa'kin at pansin ko ang pamumungay ng kyut niyang mga mata.

"Hi. You're hot, baby " sabay inom niya ng hawak niya pero bigla niyang naibuga at napatingin ulit sa'kin ng nanlalaki ang mga mata.

"Shit! Miracle?!" gulat niyang sigaw.

Nameywang naman ako, "Opo, ako ito si Miracle. Hindi ka lang bumalik sa school kanina ay nakalimutan mo na ako, Danreb?" napanguso ako.

"What are you doing here?!" napaigta ako sa sigaw niya, kahit naman malakas ang hiyawan at tugtog ay nagulat pa rin ako sa pag sigaw niya sa'kin.

"Babe, sino siya?" napatingin ako sa babaeng nakahawak sa braso ni Ay-Ay.

Napangiwi ako sa suot niya. Sobrang napaka revealing ng suot niya, luwang luwa na ang dibdib niya noe.

"Bitawan mo nga ako!" nagulat nalang ako ng biglang itulak ni Danreb ang babae kaya bigla itong nawala sa paningin ko.

My Husband is GayWhere stories live. Discover now