"Win, I think we need to Call a doctor.." bulong na sabi ni Primo.










"Yea I think so, mukhang nababaliw na silang dalawa, kung hindi sila, baka tayo na ang tuluyang mabaliw dito." Bulong naman ni Win.










Agad lumabas ang dalawang Ama, para magpatawag ng doctor, nagbilin rin ito kayla Coleen na wag lalabas ng kwarto hanga't hindi pa dumadating ang doctor.











Naiwan sila sa loob ng kwarto nang hindi nag iimikan at tanging buntong hininga lang ang lumalabas sa kanilang mga bibig.











Maya maya naisipan nang magsalita ni Gabb para pagaanin ang ihip ng hangin sa loob ng kwarto.











"Sa nangyari nga pala kanina, sorry kung ginalaw ko yung pagkain mo." Paghingi nito ng tawad at napakamot na lang sa ulo.












Hinintay niyang magsalita si Coleen pero hindi siya pinansin nito.

"Ah? Wala ka rin bang balak mag sorry?" Ngiting tanong ni Gabb.









"Why would I? Wala naman akong ginawang masama?" Mataray na sabi ni Coleen.










"Wala lang magsorry ka lang, para ceasefire na, tsaka nalimutan mo bang tinawag mo kong tresspasser tsaka thief?" Tanong ni Gabb habang nakangiti pa rin.









"Hindi ba totoo?" Tanong ni Coleen.










Napasandal na lang si Gabb sa kinauupuan niya at napanganga.

"Wahh! ibang klase." Bulong nito.








"Pano mo nagagawang kumalma at intindihin pa yung mga ganong bagay, ngayong  pinagkakasundo ka na sa taong hindi mo kakilala?" Biglang tanong ni Coleen.










"Sinong may sabing kalmado ako.." sabi nito, napatingin na lang si Coleen sa tuhod ni Gabb na nanginginig.










"May girlfriend ka na diba?" Biglang tanong ni Coleen nang hindi binabaling ang tingin kay Gabb.








Nagulat na lang si Gabb na napatingin sa kaniya.

"Uhh, wala pa.." Agad na sagot nito at napahawak na lang sa batok.








Bigla naman humagikgik si Coleen.

"As I expected, mukhang wala naman nagkakagusto sayo." Sambit ni Coleen.








"Hinde ko gusto tabas ng dila mo ah? Alam mo bang mabait ako sa pangit kaya sinusubukan kong maging mabait sayo?" Banat ni Gabb.








"Really? Sa mukhang yan? Diyan nanggaling yang mga words na yan? Sa mukhang yan?" Mapang asar na tanong ni Coleen.












"Fine! Sasagutin ko tanong mo, actually  may tatlo akong girlfriend, Ikaw sana yung pang apat pero hindi ka counted."












"Nung sabihin mo palang na girlfriend mo ako, napakalaking insulto na nun? Eh kahit hindi ka pa nanliligaw, binabusted na kita sa isip ko." Sagot naman ni Coleen.











"Mukhang nagsisinungaling nga sila Dad sa mga sinabi nilang may relasyon tayo, kase imposibleng makatagal ako sa kwartong 'to ng isang oras na kasama ka." sagot ni Gabb.










"Re-write."  (sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon