Oo kinakausap ko sarili ko bakit bawal? Sabihin niyong bawal at isaksak ko sainyo sa baga niyo yung kutsilyo.

I dialed Alyssa's number..

"What the Theya kanina pa kami dito na naghihintay nandito narin si Chelsea at Abrielle ikaw nalang ang wala.  Ano pupunta kapa ba o hindi na kasi hindi yung naghihintay kami dito na parang timang" agad kong nilayo sa tenga ko yung cellphone dahil yun agad ang bungad. Lagot galit na siya

"Chill,ano nasaan ba kayo kanina ko pa kayo hinahanap." Palusot ko pero totoo naman ah kanina ko pa sila hinahanap.

"Nakakagigil ka talagang babae ka. Nandito kami sa coffee shop sa second floor" sagot niya. Galit galitan sasabihin din naman pala.

Nagmadali na akong pumunta sa sinabi niyang venue. And nandun nga sila

Si Alyssa na minamasahe ang noo niya na halatang naiinis na,si Abrielle na tahimik lang at pangiti ngiti sa sinasabi ni Julia. Si Julia naman na parang naiinis sa kwento niya kasi sa mga reaction palang ng mukha niya alam mong kinukwento niya ang about sa pag memed niya si Chelsea naman na parang bored na bored na.

Walang kung ano anong pumasok na Ako sa loob ng coffee shop at bigla naman silang napatingin sa akin

"Sa wakas after how manyy hours nakarating kadin." Ani Alyssa.

Pinaglihi ata to sa sama ng loob talaga init ng ulo.

"Omg Theya I miss you na" sambit ni Julia with paawa epek pa. Ganto ba talaga ang med nababaliw na.

"Gago Julia umayos kanga" natatawang sambit ko.

"Nakailang order na kami ng coffee ikaw wala pa jusko ubos na ata laman ng credit ko" sagot naman ni Alyssa.

"Alam mo ang OA mo ah ang yaman niyo kaya. Anw guys may chika ako" nagliwanag naman ang mga nakakunot na noo ni Alyssa at kuminang ang mga ngiti ni Julia at napaaayos ng upo si Abrielle at Chelsea.

Kita mo basta Chika ang usapan gora ang mga ito.

"Spill the tea tEh" sabat ni Chelsea.

Magsasalita na sana ako nang umagaw eksena si Abrielle

"Ha? Po? Naka ilang order na po tayo ng tea ah" sagot ni Abrielle napasapo nalang ako sa noo at napanguwa ang mga bibig ng mga Kaibigan namin.

"Ang mahalaga mahal ka namin aby" sambit naman ni Julia. Tawa naman ng tawa si Chelsea

"Oo nga po mahal ko rin kayo" sagot Niya

She's really innocent person.

"So ito nga ang Chika ko. Myghad may katalking stage na ako like I didn't expect that ah bigla siyang nagchat last night." Pangdadaldal ko

"Wow sige ikwento mo at baka bukas jinx na yan" sagot naman ni Alyssa

Panira talaga ng moment tong babaeng to bitter.

"Omg for real Theya.. but I guess don't fall to him ah baka mamaya lahat ng yaman mo ibigay mo sa kanya" ani naman ni Julia. Seryoso naman to yaman agad ang ibibigay diba pwedeng label muna?

"Yes and guess what? Nakita ko siya kanina omg I'm so kilig" daldal ko. Nakatingin lang silang apat sa akin

"If iiyak ka dyan one day bahala ka sa buhay mo." Pagtataray ni Chelsea.

Nag usap usap lang kami ng mga random things at naglibot libot narin. Sinamahan namin si Abrielle na pumunta H&M may bibilhin daw siya para sa Kapatid niya. Bumili narin ako ng watch para kay Kuya Dior.

My HomeWhere stories live. Discover now