"Si Gabb! Ba't nandyan si Gabb! Anong nangyari sa kaniya Primo! Ano nanaman ginawa mo sakaniya!" Sigaw nito habang pinagsasampal ang asawa.










Niyakap lang siya ni Primo hangang sa kumalma siya. "Ligtas siya George, ligtas ang anak natin." Sambit nito.











Bigla naman humagulgol si George dahil sa sinabi nito.

"Hindi ko alam kung ba't ako umiiyak ngayon, pero sobrang saya ko ng marinig kong ligtas siya." Sambit nito.









"I'm really sorry for what I did to you and Gabb. Simula ngayon gagawin ko ang lahat para makabawi sa inyong dalawa." Sambit ni Primo at mahigpit na niyakap si George.






Bigla naman bumukas ang pinto at niluwal nito ang mga naguunahan makapasok na  si Lara, Brei, Alice, Sheki, Cole, Laney, Amy, Rans, Josh, Justin, Gia, Ella. Dana, Jem.

Umiiyak silang lahat.
"Teka? Ba't tayo nandito? May namatay ba?" Naiiyak na tanong ni Sheki.









"Ano ba 'to?  reunion?  Bakit dito pa sa  hospital?" Tanong ni Gia habang nagpupunas ng luha.







"Tangna! may flight pa ko sa singapore ngayon . Ba't ako nandito? Teka ba't nakahiga yung dalawang yan diyan?" Tanong ni Cole.







"Hoy? Ranz anong ginagawa mo diyan kay Gabb." Tanong ni Amy na sinisipon na kakaiyak.







"Niyayakap ko lang, feeling ko kase nagpaalam na siya e." Naiiyak na sambit nito, walang ni isang tumawa sa kanila dahil ganoon rin ang pakiramdam nila.










Agad silang lumapit kay Coleen at Gabb, para yakapin sila ng mahigpit.

Maya maya lang napuno ng katatawanan ang buong kwarto.
Tinry lang naman ni Cole at Lara na takpan ang butas ng ilong ni Gabb, habang natutulog ito.

"Woooahh, buhay nga.." manghang sigawan nila  nang biglang kumunot ang noo ni Gabb at naubo.








Habang sila Brei at Amy naisipang itaas ang kaliwang kamay ni Coleen habang natutulog.

"Tangina mo aubrey.." bulong ni Coleen habang mahimbing na natutulog.






Muli silang nagtawanan, at naisipan nang magsi uwian. Parang nabunutan ng isang malaking tinik ang lalamunan ng bawat isa at maluwag nang nakahinga nang makitang nasa mabuting kalagayan ang dalawang kaibigan.








Nilabas na ang dalawa sa hospital. Sa pinakamalapit na Hotel muna dinala si Coleen at Gabb para manatili itong magkasama, kasama si Sela at Abby pati ang mama ni Gabb para magbantay.






Naiwan sa labas ng hotel si Primo at Win para magpahangin, humugot ng dalawang sigarilyo si Primo sa kaniyang bulsa sabay abot ng isa kay Win.

"Wala akong masabe, hindi pa rin ako makapaniwala.." sambit ni Primo.








"Parang isang panaginip lang yung nangyari. Pero parang masisiraan ako ng ulo pag naalala ko." Kwento naman ni Win.





"I just realized how worst I am as a Father.." sambit ni Primo

"Gagawin ko ang lahat para makabawi sa kaniya, gagawin ko ang lahat para mabigay ang gusto niya.." dagdag pa nito.







"Yun rin ang unang bagay na nasa isip ko ngayon." Sabi ni Win.









"Re-write."  (sequel)Where stories live. Discover now