CHAPTER ONE

7 5 0
                                    

Third-person POV

*Sky Square Village*

Isang napakagandang umaga ang bumungad sa mga taga Sky Square village. Ito ang araw na pinakahihintay nila, dahil ngayon dadating ang isang sulat na naglalaman ng paanyaya para sa mga piling student na mag aaral sa Tinker Academy na pinakasikat na Academy na may special na kakayahan lang pwedeng makapasok.

"Excited na ako"

"Siguradong may matataggap yung anak ko"

"Naku mare napakaswerte mo kung ganun, ako di ko na aasahan yung anak ko wala naman especial sa kaniya"

Ganiyan ang mga usap usapan sa kanilang lugar. Lahat ng mga parents sa Sky Square Village nag aantay na may matanggap sila galing sa academy.

"Aria!"

"Po?"

"Bumaba ka na diyan kakain na"

Bumaba na si Aria at naupo na sa kanilang hapag kainan. Naupo na rin yung kuya niya.

"Ma, kapag nabigyan ako ng sulat huwag kayong iiyak ah" ani ng kuya ni Aria

"Bakit naman siya iiyak? At isa pa ikaw bibigyan nilang sulat? Malabong mangyari" pang aasar niya sa kuya niya.

"Masyado mo naman akong minamaliit kapatid, malakas kaya kuya mo at gwapo pa" pag mamalaki niya sa sarili.

"No comment."

"Tigilan niyo na ngang dalawa yan, kung mabigyan man kayong dalawang invitation, masaya ako dahil matutupad niyo yung gusto ng ama niyo"

Kumain na sila.

"Kaiingay ng mga kapitbahay natin, akala mo naman lahat yung mga anak nila mabibigyan"

"Ganun talaga anak, kung ako nga din gusto ko na mabigyan kayo kahit isa sa inyo"

"Ano ba kasing special sa academy na yun at gustong gusto nila dun mag aaral?. Kung ako yun, masgusto ko pa makasama kayo kahit sawang sawa na ako sa pagmumukha mo kuya"

"Shunga maganda mag aral dun mahahasa yung kakayahan at kapangyarihan natin"

Napahinto sila ng may kumatok sa kanilang bahay. Pinigilan ni Aria yung nanay niya na tumayo.

"Ina ako na"

Tumayo si Aria at inopen yung pinto at may isang lalaki sa labas.

"Sino po sila?" -Aria

May inabot na envelope yung lalaki sa kaniya.

"Ikaw ba si Ms. Aria?"

"Ako nga po" -Aria

"Masaya kami kung iyong tanggapin na mag aral sa Tinker Academy Ms. Aria"

"Oh my ghod!"

"Bakit siya pa?"

"Wala namang special sa kaniya, mainam pa anak ko sa kaniya"

"Kaya nga mare"

Usap usapan sa labas ng kanilang bahay.

"Maraming salamat po" -Aria

Umalis na yung lalaki. Sinara na ni Aria yung pinto at nakatingin lang siya sa hawak niya.

"Sino yun?"

Pinakita niya sa kuya niya yung sulat at yung seal ng Academy.

"Sino sa atin dalawa?"

"Ako" -Aria

Niyakap siya ng ina niya. Nakararamdam ng lungkot yung kuya niya dahil hindi siya yung napili pero masaya din siya para sa kaniyang kapatid

Tinkerville: The Magical LandWhere stories live. Discover now