#BEChapter27

24.9K 603 33
                                    

"Are you okay?"

Naputol ako sa mga iniisip ko sa nagsalita mula sa likuran ko. Napalingon ako at kita ko si Ate Elisa na nakatayo sa sliding door papunta rito sa swimming pool at garden area nila sa likod ng mansion kung saan ako nakatambay para magpalipas ng oras.

Nginitian ko naman siya. "Walang magawa."

Nasa trabaho na kasi ngayon si Eliot. Matagal din kasi siyang nawala sa work dahil sa paglagi niya sa Isla de Asis. Kaya naiwan muna ako rito sa bahay. Halos lahat sila ay busy pa rin sa kani-kanilang trabaho. Wala naman akong choice kasi buntis ako.

Ngumiti rin siya at lumapit sa akin. Naupo pa siya sa harap ko, sa mini coffee table set nila sa may garden area. "Miss mo na ba agad ang kuya ko? Nasa work lang naman siya. Gan'on ba talaga kapag in-love? Maya't maya ay nami-miss ang isa't isa?"

Natawa naman ako at napa-iling. "Hindi naman. Naninibago lang. Hindi pa rin kasi ako sanay sa ganitong pamumuhay. Nahihiya pa akong kumilos."

"Naku, masanay ka na, Mimi." Sagot naman niya sa akin. "This is your home na, you are part of the family na. I'm really happy kasi finally may babaeng nagpatino na sa kuya ko. Ang akala talaga namin ay puro landi na lang siya. Ngayon ay seryoso at matino na siya sa buhay."

Hindi naman ako nakasagot agad. Hindi ko lang masabi sa kanya na may dinaramdam talaga si Eliot. Ayokong pangunahan si Eliot sa pag-amin sa pamilya niya tungkol sa sakit niya. Ngayon ay gets ko na si Eliot. Ang hirap na mababalot ng kalungkutan ang pamilya niya nang dahil lang sa may sakit siya.

"Hindi ko rin siya inaasahan sa totoo lang." Sagot ko naman. "Hanggang ngayon ay iniisip ko kung pa'no kami nakarating sa punto ng buhay naming ito. Alam mo 'yon, bigla na lang nag-krus ang mga daan namin tas voila, magkasama na kami at may paparating na baby."

Nakangiti lang siya habang tinititigan ako. "Serendipity of life. Isu-surprise ka na lang niya, at wala ka ng magagawa kung ano ang ibibigay niya sa'yo."

Ako naman ang napatitig sa kanya. Lahat talaga silang magkakapatid ay may itsura. Walang tapon talaga sa kanila. "E, ikaw? Kumusta naman ang love life mo?"

Nagkibit-balikat naman siya sabay iwas ng tingin sa akin. Napatingin na lang siya sa harapan namin. "I'm happily engaged in saving lives and protecting the country."

Wala siyang jowa? Sa ganda niyang 'yan? Wala namang masama kung wala siyang jowa pero wala bang lalakeng nagtatangkang manligaw sa kanya? Hindi ko na lang inusisa.

.

.

.

.

.

Muli kaming bumalik ni Eliot sa rest house ng lolo niya. Ang memorable kasi ng place na ito sa amin dahil dito nabuo si Tala. Dito ko rin nabuo ang nararamdaman ko sa kanya. Dito rin ako unang umasa at nasaktan sa kanya. Saglit pa lang kaming nagkakakilala pero ang dami na naming nagawa para sa isa't isa.

Ngayon ay muli kaming bumalik dito na wala ng agreement, talagang may nararamdaman na kami sa isa't isa. Dagdag pa na may baby ako sa tiyan ko. Ang daming nagbago sa amin ni Eliot kung babalikan ang unang gabing nagkakilala kami.

Pero kung kailan okay na kami, may matinding laban naman kaming kinakaharap, ang sakit niya. Kaya heto, sinusulit na namin ang makasama ang bawat isa.

Kanina ko pa pinagmamasdan ang pigura ni Eliot na nagluluto. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti. Hindi man naging maganda ang simula ng relasyon namin pero naging maayos kami simula nang piliin namin na panindigan ang bawat isa. Masaya ako kung nasaan man kami ngayon. 

Bachelor Escort (Rewritten)Where stories live. Discover now