Pangako

4 1 0
                                    

Walong taon na tayong magkasama
   Maraming pagsubok na ang kinaya
      At ang araw na ating pinakahihintay ay dumating na nga
         Tayong dalawa ay ikakasal na...

Ilang araw pa bago ang araw na itinakda,
  Ngunit naririnig ko na ang tunog ng kampana
     Ang lahat ay nakahanda na
        Tanging ang araw nalang talaga...

"Mahal,sa oras na ikasal tayo ako na ang magiging pinakamasayang tao sa mundo. Alam mo kung bakit."tanong niya sa'kin habang yakap-yakap ako mula sa likod,pareho naming tinatanaw ang papalubog ng araw mula sa hardin ng beach reaort nila.

"Hmmm,bakit nga ba?"tanong ko,kunyari'y hindi alam ang kanyang ibig sabihin.

"Sino ba namang lalaki ang hindi magiging masaya oras na ikasal sa isang maganda,sexy,mabait at maunawaing babae."mababatid ang
Cb. .maging asawa ang isa't isa.

"Alam mo Mahal,napakaswerte ko at nakilala kita. Siguro kung hindi ay 'di ko rin mararanasan ang pagmamahal na ibinigay mo sa'kin. Salamat dahil dumating ka sa buhay ko."malambing kong saad,puno ng  pagmamahal na nakatitig sa kaniya.

"Mas maswerte ako dahil dumating ka sa buhay ko Marie. Kung hindi dahil sayo baka maling landas na ang napili ko,na baka nga hindi na ako humihinga ngayon. Kaya napakaswerte ko dahil ikaw ang naging gabay at liwanag ko sa madilim na parteng yun ng buhay ko."puno ng pag-iingat nahinaplos niya ang aking pisngi pagkatapos ay pinatakan ng magaan na halik ang aking labi.

Nakatitig lang kami sa isa't isa,tila may mahika ang bawat tingin at sa pamamagitan niyon ay nag-uusap ang aming mga puso.

"Ginayuma mo ba'ko?"wala sa hulog niyang tanong pagkatapos ng ilang minutong paninitig namin sa isa't isa. Agad ko naman siyang hinampas sa dibdib at itinulak palayo. Habang siya naman ay tawang-tawa sa reaksyon ko.

Tumalikod na ako sa kaniya at pinagpatuloy ang panunuod sa ngayong lumubog ng araw kaya madilim na ang paligid at ang mga poste ng ilaw nalang ang nagsisilbing liwanag sa dilim.

Nagulat ako ng biglang may yumakap sa'kin mula sa aking tabi at ipinatong ang kanyang baba sa balikat ko. "Sorry na mahal. Nagbibiro lang naman ako tungkol dun. Kaya sorry na."

"Pwes,hindi ako natawa sa biro mong yun Eric. Sa tingin mo ba gumamit talaga ako ng gayuma para lang maging tayo?"

"Siyempre hindi noh. Ako kaya gumayuma sa'yo. Aray!"reklamo niya nang kurutin ko ang pisngi niya.

"Umayos ka Eric baka hindi talaga kita siputin sa susunod na linggo."pagbabanta ko sa kaniya kahit na alam ko sa sarili na hindi ko siya kayang hindi siputin sa isa sa pinakamahalagang araw ng buhay naming dalawa.

Naramdaman ko naman ang pagtuwid niya a
ng tayo at ng nilingon ko ay seryosong mukha na niya ang bumungad sa akin. Wala na iyong mapagbirong Eric na kanina ay kaharap ko lang. Ang kanyang seryosong mukha ay nababahiran ng pangamba. Sineryoso talaga niya yung banta ko?

"Huwag kang magbiro ng ganyan mahal. Tinatakot mo'ko eh."seryoso ang boses at mukha niya pero hindi parin nun matatabunan ang lihim na takot at pangamba na alam kong kasalukuyang naghahari sa loob niya. Masyaso na nga talaga naming kilala ang bawat isa.

"Nung ikaw yung nagbiro tawang-tawa ka tapos ngayong ako naman yung nagbiro seryoso ka. Ba't hindi ka ngayon tumawa?"nakataas-kilay kong tanong sa kaniya.

"Yung akin biro. Eh yung sayo? Hindi yun magandang biro mahal. More on pagbabanta mo yun eh."kumpara kanina ay hindi na masyadong seryoso ang mukha niya. Kumalma na ang awra pero meron parin akong pangamba na nakikita sa mga mata niya. "Mahal na mahal kita. Yan lang ang tatandaan mo. Kaya kung may balak kang hindi ako siputin ako sa kasal natin,pipigilan kita. Pipigilan kita kahit ikamatay ko yun."

"Huwag ka ngan magsalita ng ganyan. Kung pipigilan mo'ko kung sakali lang ha,huwag mo na namang seseryosuhin 'to. Kung sakali lang na hindi kita siputin at kung pipigilan mo'ko,siguraduhin mong buhay ka. Pa'no pa tayo magpapakasal nun kung wala kana?"hinaplos ko ang kanyang pisngi at kitang kita ko kung pa'nong nawala ang pangamba na nakakubli sa kailaliman ng kanyang mata. Tila ba may mahika ang haplos ko na nagpapakalma sa kanya. "Mahal na mahal rin kita Eric at hindi ko alam kung makakaya ko pa kung sakaling mawala ka."

Yun ang isa sa mga masaya nating alaala
   Ngunit biglang ang lahat ay nagbago bigla
      Dahil sa pag-alis mong walang paalam nino man
         Nakita ka nalang naming walang malay at nakahandusay...

Ba't hindi mo sa'kin sinabi
   Ba't nagpaalam nalang ng walang pasabi
      May sakit kana palang iniinda
          Ngunit ako'y walang alam...hindi ko nalaman...

       

[One Shots] [Poems]Where stories live. Discover now