[50] #100STHHSunset

Start from the beginning
                                    

"Ang mahal, Venice. Wala bang mas mura?" Tapos nakita kong medyo napasimangot siya. Alam ko namang walang problema sa kanya yung pera pero ang mahal kaya!

"Hope, this is our boutique. Hindi mo ba alam yun? I'm sad. Kaya lagi akong may gown for everything. So, anything you wear here, I can give it to you for free." Nanlaki na naman mata ko. Infairness, puro paglaki lang ng mata ko ang nangyayari dito ha.

"Venice, okay ka lang? Ang mahal kaya! Wag na lang."

"I know you're gonna say that. Fine, ibalik mo na lang sa boutique pagkatapos ng Valentine's Ball. Let's just say na 'pinahiram' kita. Better?" Sabagay wala na din naman akong magagawa kasi ipipilit ni Venice 'to. Atsaka, saan pa naman ako kukuha ng dress?

"Sige na nga. Thank you, Venice ah."

"Ano ka ba, no biggie! Besides, you don't know how gwapo Mico is when he wears a suit, nako hindi pwedeng simple ka lang dahil magkakahaters ka. Yung mga babaeng gusto siyang makapartner ijujudge ka kapag panget ang suot mo. No no no no way. My HiCo couple cannot be ruined." Tapos tumawa na lang si Chelsea. Ang daldal ni Venice pero may class pa din.

Pagkatapos noon, pumasok ako para isukat ang gown. Makalipas ang 5 minuto (oo ang tagal, ang haba kasi. Buti na lang flexible ako.) Maya maya pa may narinig ako.

"LET ME IN V!" Sigaw ni... Siguro si Mico.

"You can't go inside Mico! Shoo! Go with the boys. You know it's not good to see the girl in her dress before the event!" Balik naman ni Venice.

"What?! That doesn't apply to the Valentine's Ball! That's for weddings."

"So, ayaw mong dalhin 'to hanggang wedding? If wala kang plano to take Hope sa simbahan. Give up now." Sagot ni Venice.

Teka lang ano daw?! Napahinto naman ako bigla. Tumahimik din sa kabilang side. Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko? Napatingin ako sa salamin... Ang ganda ng dress. Ang ganda ng lahat. Perfect na ba? May mga kaibigan ako, may Mico ako. Masaya ba ako? Masaya naman ako hindi ba?

"Fine. I'm going." Tapos narinig ko ang footsteps niya papalayo. Noong sinabi ni Venice na lumabas ako, narinig ko na lang na sinasabi ng dalawa na ang ganda daw ng dress, kesyo bagay daw sa akin blah blah blah. Pero ewan ko ba, lutang na naman ako. Tinamaan na naman ako ng depression ko.

Nakakainis na minsan minsan akala mo okay ka na, tapos bigla na lang babalik yung sakit at lungkot. Tapos mapapatanong ka na lang kung okay ka na ba talaga? Masaya ka ba?

Bumalik kami sa Tres Gwapitos. Mukhang masaya sila na tapos na yung pamimili ng damit. Ngumit lang ako. Akala ko walang makakahalata pero siyempre...

"What's up?" tanong ni Mico. Tiningnan ko na lang siya. Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa kanya na malungkot na naman ako sa hindi mawaring dahilan, kasi baka sabihin niya na ginagamit ko lang siya pero hindi naman. Baka sabihin niya na hindi ako masaya kasama siya, pero hindi naman.

So, ano nga bang meron sa aming dalawa?

"Hey guys, una na kami ni Hope ah?" Biglang sinabi ni Mico.

"WHAT?-I mean, why?" Sabi ni Enzo na biglang umubo ng mahina sabay tingin sa ibang direksyon.

"Hindi ba pwedeng masolo ko yung date ko? Sige na. Bye." Hindi naman tumanggi si Venice na mukhang nagenjoy pa kasi masosolo ako ni Mico. Grabe. HiCo much?

Naglakad lang kami ng naglakad ng naglakad ng naglakad.

Hindi ako makaramdam ng pagod kasi parang ang lutang ko, parang... Hindi ko alam. Parang sobrang manhid. Parang wala akong maramdaman pero may mali?

100 Steps To His Heart [Published Book]Where stories live. Discover now