SIH 23 END

395 38 12
                                    

Gabb's Pov

5 years later

Madaming nangyari sa paglipas ng taon , ikinasal kami ni Ella at nabiyayaan ng isang napaka kulit na anak na pinangalanan naming Gabriella.

Combination ng pangalan namin ang napili naming ipangalan sa kanya kasi siya ang magiging tanda ng aming pagmamahalan ng kanyang ina.

Maraming hindi kanais nais at hindi maintindihan ang nangyari sa past pero wala eh? Kusa kaming pinagtagpo muli ni ella.

Natatawa nalang ako habang iniisip ko na naghahanap pa ako ng iba eh yung nasa tabi tabi lang pala yung taong makakatuluyan at makakasama ko habang buhay.

"Hon?! Tulala ka na naman dyan? Napakalalim na naman ng iniisip mo ano? Dinaig mo pa ako sa sobrang kalutangan ngayong araw?!" Sabi sa akin ni ella habang hinahawakan ang aking pisnge , nakahiga siya at nakalagay ang ulo niya sa may hita ko.

Pinagmamasdan ko lang ngayon ang mukha niyang napakaganda , yung mabilog niyang mga mata at yung napakatangos niyang ilong.

Wala akong masabi sapagkat napaka perpekto niya kung aking ihahambing , wala siyang katulad.

Sa pag aalaga at pag aasikaso sa amin ni Yela ay sobra sobra na at wala na akong mahihiling pa.

"Ang ganda mo akin?!! Alam mo hindi pa din ako makapaniwala na eto? Limang taon na ang nakalipas at meron na din tayong matatawag na anak natin? Sobrang saya kong balikan ang dati! Yung mga naganap na mas nagpatibay sa relasyon natin ngayon" medyo emotional kong sabi sa kanya akmang uupo naman siya ng pigilan ko siya.

Mas maganda kasi siyang tignan habang nakayuko ako sa kanya at tsaka nakakapagpahinga din siya sa lagay na ito.

"Pwes maniwala kana akin? Tignan mo oh? Sobrang cute tignan nung anak natin na mahimbing na natutulog ngayon habang sabay tayong binabantayan siya?" Turo niya pa doon sa may baby crib , tahimik lang na natutulog si yela , 2 years old pa lang naman siya at sobrang napaka taba ng pisnge niya na maihahalintulad ko sa mukha ni ella nung baby pa lamang ito.

Kuhang kuha nito ang mukha ni ella na ipinagpasalamat ko sapagkat dalawang ella ang nakikita ko araw araw na mas lalong nagdadagdag ng pagmamahal ko sa asawa at anak ko.

"It feels like a dream ella. , But im really happy na hindi ito isang panaginip sapagkat magiging malungkot ako kung hindi ko kayo makakasama ni yela sa realidad?!" Aniya kong muli at hinawakan ko naman ang kanyang mukha,.

Sobrang amo ng mukha niya na hihilingin kong makita nalang siya minu minuto , magsisisi talaga ako in the past kung hindi kami nagkatuluyan kasi sobrang precious ng babaeng ito.

"Wag ka na malungkot Akin? Hmp gusto mo magbakasyon tayo? Tayong magtotropa ganun? Yayain natin sila Jaydee At Gia pati yung mga bebe nila?!" Suhestyon naman ni ella at napaupo na saka niyakap ako ng nakatagilid ako sa kanya.

"Sige sure? Kelan ba at para makapag book na ako ng hotel? At nung mismong resort?!" Tanong ko sa kanya saka hinarap siya at niyakap din ng mahigpit , nakakaadik yung amoy ni ella.

"Kung kelan sila available hon! Itanong mo muna sila nang sa ganun ay malaman natin" sabi niyang muli sa akin , tumango lang naman ako saka hinalikan ang kanyang noo.

SHE'S INTO HER (UNIPHANT)Where stories live. Discover now