SIH4

254 29 0
                                    

Ella's Pov

"Hi Ella it was nice to meet you , di ko akalain na may jowa na pala si Gabb , ikaw gabb ah pasikretong landi ka din ah hahah" sabi nung isa na maganda din i think lyza was her name tapos yung katabi niya si Gia na kaibigan ni Gabb na matulungin kaso lang hindi ko tinanggap yung tulong niya nakaraan baka kasi pakitang tao lang eh.

"Grabe ka naman lyza atleast si Ella lang yung nilandi ko diba babe?" Sabay akbay niya pa sa akin at mas inilapit ako sa kanya , pasimple naman akong napatingin dito sa naka short hair parang nakita kong inirapan niya ako eh.

"Sana nga kasi malilintikan ka sakin pag may nilandi ka pang iba , nagkakaintindihan naman tayo Gabrielle diba?" Diin kong sabi sa kanya tapos nilakihan ko ang mata ko para mas effective yung pag arte ko.

Hays kung hindi lang ako naawa sa kanya nung tinignan ko yung mga kasama niya na may kasamang mga jowa ata nila ay hindi ako papayag eh at tsaka tungkol sa ipapagawa ko sa kanya lagot ka sakin unggoy ka.

"Okay ka lang ba jaydee? Dahan dahan kasi sa pagkain nabulunan ka tuloy!" Saway ni frances kay jaydee bahagyang natawa naman si Gia at Gabb dahil nabulunan yung kaibigan nila.

Ganun ba talaga silang magtropa? Tatawanan pa nila eh nabulunan na nga yung isa.

"Hahahah first time ko atang masaksihan na maa under si Gabrielle the great ah hahah" tawa pa niya , sinipa naman siya sa ilalim ng lamesa nitong unggoy na to.

"In your dreams dong---" kinurot ko naman yung gilid niya at napatingin naman siya sa akin ng may pagtataka

"Bakit hindi ka ba under sakin?" Walang emosyong sabi ko sa kanya , napatingin naman sa amin yung lahat ng kaibigan niya.

"Ay sabi ko nga under ako babe" sabay pisil ng pisnge ko , fudge! Wala pang nakakahawak ng pisnge ko kahit mga kaibigan ko.

"Hahahah ang sarap niyong videohan dalawa gabb at ella! Ano na tara na mag mall na tayo" sabi ni Gia at nagsitayuan na lahat , nauna na silang maglakad na anim at naiwan naman kaming dalawa dito ni Gabb.

"May sasakyan ka ba ella?" Napatingin naman ako kay gabb na ngayon ay parang santo sa pagiging mabait ng boses niya parang nung nakaraang araw lang para siyang sinaniban ng masamang espiritu tapos ngayon ganyan na ka ano ng boses niya.

"Malamang makakapunta ba ako dito kung wala? Anyway i need to go na dahil baka hinahanap na ako ng mommy ko at hinihintay na rin ako ng mga bodyguard ko sa labas" pabalang na sagot ko common sense nalang eh no , alangan naman mag taxi kami kasama nitong limang body guards ko.

"Ah ganun ba? Thank you nga pala sa tulong mo kanina kahit pinatid kita nung nakaraan dahil sa pagiging pakialamera mo" ang galing nag ti thank you ba siya o nagrereklamo ngayon? Pasalamat ka nga at tinulungan pa kita.

"Is that how you say thank you? May kasama pa talagang panlalait? K fine basta yung kapalit sa next meeting ko nalang sasabihin sayo" iritang sabi ko sa kanya , parang kanina lang ang bait bait ng tono ng boses niya ngayon mukhang bumabalik na sa pagiging evil spirit.

"Okay hatid na kita my fake girlfriend" sabay akbay pa niya sa akin nung tinignan kami nila jaydee na ngayon ay nandoon na sa may labas ng entrance.

"Guys mauna na pala kami ng girlfriend ko may lakad pa kami with tita mommy eh , enjoy your date nalang ah" anong kami pinagsasabi niya? Wag mong sabihin na sasabay ka sa akin Gabrielle?

"Sige mag ingat kayong dalawa ah! Gabrielle wag mong bigyan ng panganay yang si ella ah" pangangantyaw pa ni gia , what the heck ano bang iniisip nila? Na gagawa kami ng milagro ng kaibigan niya eh mortal enemy ko nga yan kung hindi lang ako naawa edi sana wala ako sa sitwasyong to.

"Gunggong ka gia! Sige na ingat din kayong lahat! Kita kits nalang bukas sa school" sabi niya sabay inalalayan na ako papasok ng kotse ko at pumasok na din siya na ikinataas ng kilay ko.

"Anong ginagawa mo dito?" Singhal ko sa kanya , pinaandar naman na ng driver ko yung sasakyan.

"Pahatid nalang ako kahit sa terminal nalang ng mga taxi wala kasi akong sasakyan and thanks to you dahil kinonfiscate yun nung nalaman ng ate ko na may nakaaway na naman ako" sabi niya pa sa akin at ako pa talaga ang pinagbintangan niya ah , ang lakad mo din unggoy.

"Aba aba at ako pa talaga yung may kasalanan ah , eh tatanga tanga ka din naman sa paglalakad tapos isisisi mo lahat doon sa nakabangga sayo" malakas na sabi ko sa kanya at inirapan nalang siya , napatingin naman ako sa kanya ng magsalita siyang muli , napakadaldal ng babaeng to argh nakakairita andaming sinasabi.

"Tapos nakialam ka pa? Uso naman yung mind your own business diba?" Sagot niya pa sa akin abay hina highblood ata ako ng babaeng to.

"So kung inintindi ko lang yung business ko edi sana walang nagpanggap na girlfriend mo kanina at pinagmasdan lang kitang kantyawan ng mga kaibigan mo dahil Ikaw lang yung walang ka date ganun ba dapat?" Tanong ko sa kanya edi sana hindi ko na siya tinulungan eh no may atraso pa nga siya sakin eh kaso nga lang mukha siyang ewan kanina nung lumapit siya sakin tapos may payakap pa siya dapat nga tatadyakan ko na siya kanina eh.

"Edi thank you po sa pagtulong mo sobra ko pong na appreciate" nag bow pa siya sa akin at hindi ko parin napi feel na sincere siyang mag thank you.

Nakarating na kami ng terminal at agad ko na siyang pinalabas ng kotse ko.

"Chupi alis na ayan na yung terminal oh!" Singhal ko sa kanya , gusto ko na kasin umuwi at for sure hinahanap na ako ni mom kanina pa.

"K fine thanks! My fake girlfriend!" Sabay baba niya at tingin sa paligid niya.

"Yung kapalit sasabihin ko na pala ngayon! I want you to sincerely apologize sa nabangga at nilait lait mo nakaraan!" Napatingin naman siya sa akin ng masama at napakunot ang noo.

"What ako mag aapologize? In you dreams Ms. Amat! Hinding hindi mangyayari yun!" Rebat niya sa akin , hindi talaga siya marunong magpakumbaba or ewan eh no such a spoiled brat!

"Okay sasabihin ko nalang sa University yung pinagawa mo sa akin para pagselosin yung coleen ba yun? Ge bye!" Sabay sirado ko ng pintuan ng kotse hindi ko na siya hinintay na magsalita pa , tignan natin kung hindi ka mag sorry don Gabrielle Skribikin.








Don't forget to vote and feel free to comment down below your thoughts or anything 💕

SHE'S INTO HER (UNIPHANT)Where stories live. Discover now