Episode 1

12 0 0
                                        

#Angunangpagtatagpo

Hindi maipaliwanag ang nadarama
Nung unang magtagpo ang landas sa tuwina
Sa iyong mga matatapang na mata napako ang aking mga tingin
Nangangarap ng mga sandaling iyon na ito ay maangkin...

Nagpasya si Hera na mamasyal sa hardin ng mga Amadeus.
kilala kasi ang pamilya na may malawak na taniman ng mga rosas sa bayan nila at nag iisang supplier sa lungsod habang ang pamilya nila ay kilalang negosyante na nagsusupply ng pangangailangan ng Amadeus.

Ang totoo niyan, na bored kasi siya habang pinag-uusapan ang nalalapit niyang pagpapakasal sa Prinsipe kaya lumabas muna siya para magpahangin.

Malapit na magkaibigan ang pamilya nila.
Wala man silang dugong maharlika pero ang kaniyang ama ay isa sa mga pinagkakatiwalaan ng mga Amadeus at hanggang ngayon ay magkaibigan ang pamilya nila.

Bilang bunsong anak na babae ng mga Nicholson, siya ang napipisil ng mga Amadeus na mapang-asawa ng magiging tagapagmana ng mga ito.

Naniniwala ang mga ito na lalong titibay ang pundasyon ng kanilang samahan at ito ang magiging daan upang magtagumpay ang mga negosyo ng bawat pamilya.

Napabuntong-hininga si Hera.

Mabait naman ang mahal na Prinsipe Hans. palaging nakangiti.
Pero bakit parang hindi siya masaya?
parang may kulang.

Siguro ganun talaga ang pakiramdam kapag pareho kayo ng personalidad.
Hindi ka na-aattract.
Makulit kasi siya.
Madalas nakakalimutan niya ang mga itinuturo sa kanya na kagandahang-asal ng isang binibini.

Ang totoo, wala rin naman siyang maipipintas sa mahal na Prinsipe dahil mabuti itong tao.
Siguro dahil unang pagkikita palang naman nila.

Malayo na pala ang napasyalan niya. Hindi na niya matanaw ang malaking palasyo ng mga Amadeus.
kakaatras niya habang tinatanaw ang pinanggalingan, hindi niya napansin na may bato sa likod niya dahilan upang ma out of balance siya at matutumba sana...

"Oh! Oh..."

Sambit niya na babagsak na ang katawan sa mga taniman ngunit may humila sa kamay niya at umikot siya sa mga bisig nito.
Ilang saglit lang, nakahapit ang mga braso nito sa baywang niya habang hawak nito ang isang kamay niyang nahablot nito.

Napakalapit ng mga bisig nila sa isa't isa.

Ang lakas ng kabog ng dibdib niya habang nakakunot ang noo na nakatitig siya rito.

Anong ginagawa ng mahal na Prinsipe Hans dito?

"Nasaktan ka ba?" tanong nito.

Iba sa boses ng Prinsipe na nakaharap niya kanina.
Seryoso ang tinig nitong nasa harap niya ngayon at walang kangiti ngiti ang mga labi.
Ang mga mata nito ay nakatitig sa kaniya ngunit ramdam niya ang lamig ng pakikitungo.
Iba sa nakausap niyang prinsipe kanina na nakatakda niyang pakasalan.

Enchanted by KamahalanWhere stories live. Discover now