Mr. Faceless

Depuis le début
                                    

"Ma, nakauwi na ko" sigaw ko pag pasok ng bahay namin.

"sige mag bihis kana at tulungan moko mag luto matutulog ka na naman ng maaga tapos late ka naman magigising" sabi ni mama

"Opo Ma" sabi ko nalang kasi kapag sumagot pa ko isusumbat na naman yung lalaki sa panaginip ko.

Nagbihis na ako at pinuntahan ko na si mama sa kusina.

"Ma, may bisita ba tayo bakit ang dami ng lulutuin natin" tanong ko kay mama

"Naalala mo yung classmate na kinukwento ko sayo dati na nasa manila bumalik ulit sila dito sa probinsya para mag bakasyon"sabi ni mama

"Sila tita Rizza po?" tanong ko

"oo kasama mga anak niya, kaya dalian mo jan at baka parating na sila" sabi ni mama

"Okay po" sabi ko at sinumulan na namin mag luto. Maraming potahe ang niluto namin may adobo, menudo, lumpia at salad para sa dessert.

" Ma bihis lang ako puro pawis ako eh nakakahiya naman sa bisita niyo" paalam ko kaya mama

"Sige mabuti pa nga at mag ayos ka na din kasama niya anak niyang lalaki mahiya ka naman sa itsura mo. Tanda mo na wala ka pang boyfriend." pang aasar ni mama

"Mama naman!" sigaw ko kaya tinawanan lang ako ni mama kaya umakyat na ko sa kwarto ko para mag bihis mag ayos na din kainis kasi tong si mama. Sa wala pa akong magustuhan sa mga manliligaw ko eh at saka ang hirap kaya pag sabayin ang pag aaral at lovelife.

Narinig kong may nag doorbell kaya bumaba na ako dahil baka yun na ang bisita ni mama.

"Ma ako na po magbubukas ng pinto" sigaw ko

Binuksan ko ang pinto at pinapasok ko sila Tita Rizza

"Asan ang mama mo?" tanong ni Tita Rizza

"Nasa kusina po pasok po kayo" sabi ko

"Ma nandito na po sila Tita Rizza" sabi ko

"Rizza! Kamusta long time no see namiss kita" sabi ni mama at niyakap si Tita Rizza

"Namiss din kita Lea" sabi ni Rizza

"Sino kasama mo?" tanong ni mama

"Ah eto nga pala ang bunso ko si Kyle. Hinatid lang ako ng panganay ko dahil may aasikasuhin pa siya sa school niya bago mag bakasyon" sabi ni Tita Rizza

"Hello po mano po" sabi ni Kyle

"Ang gwapong bata, lalaki din panganay mo diba?" tanong ni mama

"Oo si Clyde sayang di siya makakapunta ngayon pero mamemeet mo din siya soon. siya na ba si Claire"tanong ni tita Rizza

"Oo"

"Ang gandang bata bagay kayo ng anak ko haha" sabi ni tita Rizza

"hay naku rizza may dream guy yan haha" sagot ni mama

"Mama!" sigaw ko kahit kailan talaga ang daldal ni mama nakakahiya kay tita Rizza

"Haha nga pala nasan ang asawa mo" tanong ni mama

"Sumakabilang bahay haha" sagot ni Tita Rizza

"Same pala tayo, magkaibigan talaga tayo tara na kain na tayo dahil baka lumamig pa ang niluto namin" sabi ni mama .

Totoo ang sinabi ni mama hiwalay na sila ni papa dahil nambabae ito. Isa din yun sa dahilan kung bakit ako natatakot pumasok sa isang relasyon. Ayaw kong maranasan yung sakit na naramdaman ni mama. Nakita ko kasi ang pag iyak niya tuwing gabi sinisisi niya sarili niya dahil nagkulang daw siya bilang asawa kaya iniwan kami ni papa. Isang anak lang ako ni mama kaya di ganung nahirapan si mama na palakihin ako ng mag isa.

Mr. FacelessOù les histoires vivent. Découvrez maintenant