Chapter 3: Hi Beshi!

175 14 20
                                    

Dinilat ko ang mga mata ko at agad na bumangon.Gagawin ko ba talaga yung dare na yun?
Napabusangot  naman ako, Humiga ulit ako sa kama at pumikit.

Sabi nila bukas daw namin sisimulan yung dare at hindi ko alam kung kaya ko bang magpanggap na bakla.

Kinabukasan ay nagising ako dahil sa ingay ni manang sa labas.

"Napkin, iho! gising na! alas syete na, aba'y hindi ka pa nag aalmusal! Napkin!" Ayan na naman sya.

"Andyan na manang," inaantok na sabi ko habang nakapikit.

"Ano?!" Napakamot naman ako sa buhok ko.

"Andyan na po!" this time ay nilakasan ko ang boses ko.

"Anong nandyan na? Eh bakit nakahiga ka pa jan?!"

Napatingin ako sa pinto ng pumasok si manang na napakamewang.

"Hoy gising na iho! sabi ng mommy mo kumain ka sa tamang oras! Ang payat payat mo na! Nagmukha ka ng kalansay!"
Napabusangot naman ako sa sinabi nito.

"Manang Naman eh."

May sinasabi pa ito na hindi ko maintindihan dahil sa inaantok pa talaga ako.

"Hay nakung bata ka, maya-maya ay bumaba ka ha?" huling sabi niya.

Narinig ko pa ang pag bukas at pagsira ng pinto. Kalaunan ay nawala na ang antok ko kaya bumangon na ako. Naligo, nag toothbrush, nagbihis, nagsuklay. Nagpapogi sign sa harap ng salamin. Lumabas na ako ng kwarto at dumiretso sa kusina.

Naabutan ko si manang na may nilalagay na pagkain sa lamesa.

"Oh mabuti at naisipan mo pang bumaba dito," napabusangot ako sa sinabi nya.

"Oh nagluto ako ng gulay, huwag kang puro karne ang kinakain," sabi niya at nilagay sa lamesa yung sinasabi nya.

Nangunot ang noo ko sa nakita.

"Manang ano yan?"

"Gulay yan. Sinabaw na gulay, law-oy ang tinatawag jan sa lugar namin," ang sabi niya.

"Oh sige, kumain ka na. Masarap naman yan," dagdag na sabi nito.

Tumango naman ako sa kanya at nagsimula na akong kumain.
Mmmm masarap naman pala.
Kinapa ko ang bulsa ko para kunin ang cellphone dahil nag ring ito.

"Oh?" Sabi ko kay Eleanor ng tumawag ito.

"Ready ka na ba?"
na asar naman ako sa sinabi nya.

"Yun lang ang sasabihin mo kaya ka tumawag?" Inis na Sabi ko,
narinig ko naman ang pagtawa niya.

"Hahaha relax lang, Pinapaalala lang kita at mamaya pa naman mo sisimulan yung dare mo Hahaha kita kita lang tayo sa tambayan natin. Kailangan may matarget kang Fafa----"
Pinatay ko agad yung tawag,
lokong yun.

Tinapos ko na ang pagkain ko at uminom ng tubig. Tumayo na ako sa pagkakaupo ko.

"Manang pupunta ako ng mall ngayon baka meron kayong gusto ipapabili?"
Humarap naman ito sa akin, naghuhugas kasi ito ng mga pinggan.

"Ay Oo, nagpapabili kasi yung anak ko ng mga laruan. Ikaw na bahala mamili kung anong klaseng laruan ba yan, basta pang lalaki ah?"
Kinuha nya yung mga pinagkainan ko.

"Pwede barbie nalang?"
Tumaas naman ang kilay nya.

"Ikaw talagang bata ka, sige na umalis kana."

"At hindi bakla ang anak ko,"
dagdag nitong sabi na tinawanan ko lang.

"Sige Manang, aakyat muna ako sa kwarto dahil maykukunin lang."

Hindi ko na hinintay ang pagsagot nito dahil agad na akong umakyat sa taas. Pagdating ko ng kwarto ay nagsipilyo muna ako. Hindi na ako nag bihis. Kinuha ko lang yung wallet ko at yung susi ng kotse bago bumaba. Hindi ko na naabutan si manang pagbaba ko kaya dumiretso na ako kung saan yung kotse.

My Beshi is My Lover Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang