"Frost dragon" salitang lumabas sa bibig niya.

Nakatingin ang nilalang na ito sa kanya na tila ba ay isa siyang pagkain sa harapan niya. Bawat hakbang na ginagawa niya ay siya namang pagyanig ng lupang kinakatayuan ni Khione.

Nang tuluyan na itong makalapit sa kanya ay agad na napapikit si Khione dahil alam niyang wala siyang laban rito.

Imbis na matulis na bagay ang dadapo sa kanya ay, isang magaspang at basang bagay ang dumikit sa kanyang mukha. Unti unti niyang minulat ang mata niya at nakita niya na ang dila pala nito ang naramdaman niya kanina.

KHIONE'S POV

The dragon looked at me with its blue and dilated eyes na para bang napaamo ko ito ng hindi ko alam. Tumalon talon ito sa harapan ko na tila ba ay masaya ito at gustong makipag laro. The dragon moves its head towards me like it wants me to pet it, napangiti na lamang ako sa ginawa niya and I stroke its head slowly. The dragon moves closer and nudge its head to me.

Masaya akong hinahaplos ang ulo niya nang biglang sumakit ang ulo ko at may parang biglang alaala akong nakita.

I saw myself in a memory inside a room with a baby white dragon that looks similarly with the one I'm with right now.

'Is this the frost dragon from the Anathom, the land of magical herbs?" tanong ng isang lalaki sakin habang tinitignan ang dragon na hawak ko.

"Yes father." sagot ko sakanya.

"Then what is the name of this cute little fella?" tanong ng isang babae na sa pagkakaalam ko ay ang asawa ng lalaking tinawag ko na father.

"Since this dragon is a girl, I will name her Dephlyn." nakita ko ang sarili kong nakangiti habang tinitignan ang magiging reaksyon ng baby dragon at mukhang nagustuhan niya ang binigay kong pangalan dahil lumipad ito paikot sa palad ko.

Bigla akong bumalik sa realidad at napaupo na lamang dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko sa ulo ko.

"What's happening? Who are those people in my memories? And why did I call him father? But Ragnar is my father." sunod-sunod na tanong ko sa sarili ko na alam kong hindi ko rin masasagot.

Litong lito na ako na lalong nagpasakit sa ulo ko, pilit kong inaalala kung ano ang sunod na nangyari ngunit mas lalo lang lumala ang sitwasyon ko, tila ba may pumipigil sakin na alalahanin ang mga bagay na iyon.

Tumingin sa akin ang dragon na nagngangalang Dephlyn, kitang kita ko ang pag aalala sa kanyang mukha. Idinikit nito ang ulo niya sakin na para bang kinocomfort niya ako. Gumaan ang pakiramdam ko ng konti dahil sa ginawa niya.

Maya-maya lang ay narinig ko ang boses ni Zach na tinatawag ang pangalan ko kaya agad kong sinenyasan ang dragon na magtago at dali daling pumunta sa kinaroroonan ni Zach.

"Khione, what took you so long. I thought something bad happened to you." He said worrying about me.

"I'm okay, it's just that I lost my way in the forest." Pagsisinungaling ko.

Alam kong hindi siya maniniwala sa sinabi ko pero ngumiti na lang siya at niyaya na akong bumalik sa palasyo.

Pagkabalik namin ay nakita namin ang mga knights na nagkukumpulan sa isang gilid. Tinignan namin kung ano ang pinagkakaguluhan nila doon.

Dalawa sa mga knights ay pinapakita ang kanilang bagong gawang tattoo sa braso, pareho silang may sword tattoo na maganda ang pagkakagawa.

Namangha ako rito kaya lumapit ako sa kanila upang tanungin kung saan sila nagpatattoo na sinagot din naman nila agad.

The Hidden GoddessWhere stories live. Discover now