Halos tumagal pa iyon ng ilang oras bago tuluyang natapos. Napagdesiyonan naman ng mga kasama ko sa upuan na kumuha na ng pagkain dahil nagugutom na sila. Sumama naman ako dahil nagugutom na rin naman ako.

Nagpatuloy lang ang party nang masaya. Nagkwento si Dad nang mga nangyari sa buhay niya. Kung paano umasinso. Kung paano nagkapamilya. Naaaliw naman ako sa pakikinig sa mga kwento nito.

Matapos nun ay nagsimula naman itong magbukas ng mga regalo na ibinigay kanina ng mga bisita pagpasok pa lang. Nagpapasalamat sa bawat taong nagbigay at kahit sa iba na dumalo lang. Hindi naman raw kasi regalo ang nagpapasaya sa kaniya kundi iyong presensiya ng mga taong malalapit sa kaniya.

Nagulat naman kami sa isang ingay. Biglang may pumasok na pulang motor at dumaan sa red carpet na nasa gitna at tyempong tumigil sa harapan ng stage. Isang babae ang bumaba sa isang astig at mamahaling motor. Hinubad nito ang helmet at nilagay sa motor. "Nahuli ata ako." Narinig ko pang sabi nito. Natahimik ang buong lugar sa biglang pagdating nito. Para kasing iyong astig na scene sa palabas yung nangyari.

"It's fine. At least naisipan mong bumisita, Sunset." Nakangiting saad ni Dad at tumayo sa kinatatayuan at lumapit at bahagya pang yumuko sa babae dahilan para mapakunot naman ang noo ko. Bakit ginawa ni Dad iyon? Para bang isang taong merong mataas na estado ang kaharap. Para bang dapat talaga itong e-respeto at yukuan.

"Ofcourse. Dad will scold me if I don't." Sagot naman ng babae.

"Nasaan pala ang Daddy mo?" Tanong naman ni Dad sa kaniya.

"Kazakhstan. He will meet Prince Zaccheus." Sagot lang ng babae. Biglang may ingay ulit kaming narinig at pumasok ang dalawa pang babae na nakasakay rin sa motor na maaangas.

"Yo, Phindrex." Bati ng isang babaeng siyang sakay ng asul na motor.

"You're still a brat, Donnix." Natatawang saad ni Dad at yumuko ulit sa babaeng iyon. Iyong isang babae naman ay nanatili lang na tahimik na niyukuan din ni Dad. "Salamat sa pagpunta, Seven."

Nabuhay naman ang interes ko dahil sa mga nangyayari.

"Here's my gift." Hagis nung Sunset ng isang velvet na box. "Sayo na ang tatlong resort ko sa Batanes."

Tatlo?!

"Here's mine. Five keys of different Ferraris." Hagis naman nung Seven.

Limang Ferrari?!

"Maghanda ka ng piloto mo, Phin. May binili na akong pribadong eroplano para sayo." Saad naman nung isa na Donnix ang pangalan.

Eroplano?!

Gaano kayaman ang mga ito para magregalo ng ganoong mga bagay?

"Palagi talagang big-time ang mga regalo niyo." Humalakhak na lang si Dad na tila ba sanay na ito.

"Nanggaling talaga sayo? Your gifts are always expensive too, Tió Grief. Oh paano, hindi na kami magtatagal pa. Alis na kami. Enjoy your birthday."

Nagulat naman ako nang biglang mapunta ang paningin sa akin ng babae na siyang unang dumating. Sandali pang nagtagal ang titigan namin bago tumaas ang labi nito at tuluyang inalis ang paningin sa akin.

Hindi ko alam pero nanindig bigla ang balahibo ko dahil sa ginawa nito.

Nakita pa namin kung paano sumakay ang tatlong babae sa kaniya-kaniya nilang mga motor at swabeng umalis matapos bumusina. Iniwan nila kaming gulat at humahanga.

"Don't mind those three, everyone. They are some high people from Spain but living here for a long time. If you're interested about them. All you've heard is not joke. They really give me expensive things." Pinakita pa ni Dad ang mga susi. "They are a princess. This things is just a dust to them." Saad pa ulit ni Dad at humalakhak.

[NOTE: Hero and her friends are in the QUEEN OF LOVE SERIES. While Sunset, Donnix and Seven are in UNTIL SUNSET. I'm just clarifying things para hindi kayo maguluhan kung sino sila.]

Nagpatuloy ang naudlot na pagbubukas ng mga regalo kanina pero nanatili pa rin akong humahanga sa mga babaeng iyon.

Pero maya-maya ay naaliw naman ulit ako kaya nawala naman sila sa isip ko at natuon ang atensiyon kay Dad at Pheona na sumasayaw na sa stage.

Nang tuluyang matapos ang celebration ay masaya ang lahat. Enjoy na enjoy sa party ang mga ito. Nagpaalam naman ang iba at kami naman ni Phoenix ay naisipan ng dalhin sa taas ang mga bata dahil inaantok na ang mga ito.

"That's was alot of fun." Sabi ko habang hinuhubad ang suot ng mga bata para palitan na ang mga ito ng pantulog.

"Yeah. Nakasama ulit natin iyong mga kaibigan natin. Nakita natin kung paanong sumaya si Daddy sa birthday niya. Maski si Mom ay sobrang saya rin." Napangiti naman ako at napatango-tango.

Nagbihis na rin kami ng pantulog na dalawa para magpahinga na rin. Late na rin kasi. Pero bigla ko namang naramdaman ang pagyakap ni Phoenix mula sa likuran at hinalikan ang batok ko. "I love you."

"Why sweet, hm?" Tanong ko sa kaniya at hinayaan lang ito sa ginagawa.

"Nothing. Mahal lang talaga kita." Sagot naman niya at kinuha ang kamay ko at iyon naman ang hinalikan.

"I love you too. Matulog na nga tayo. Puyat lang 'yan, Phoenix." Pagtukoy ko sa kasweetan nito.

Pumunta na kami sa kabilang kwarto at nahiga sa kama. Malaki na ang mga bata kaya natutulog na silang tatlo na iba ang kwarto sa amin. Nakasanayan na rin nila dahil ginagawa na nila iyon simula nung makauwi ako galing ospital. Ayaw daw nila akong maabala sa pagtulog kaya sa kabilang room na lang sila. At nagpatuloy na lang iyon.

"Why is it you're still pretty just like the first time I saw you?" Tanong nito kaya napaharap naman ako sa kaniya.

"Why you're always calling me pretty?" Natatawang tanong ko sa kaniya.

"Even if you're a man I will still call you pretty. Hindi porket hindi ka babae ay hindi ka na pwedeng tawaging maganda. I called you pretty because you are really pretty, honey. I called you pretty because your heart is indeed pretty and kind. I will call you pretty because I want to."

"Why you're extra sweet today, hm? Mula ka pa kaninang umaga." Natatawang tanong ko ulit sa kaniya.

"Nauumay ka na ba sa akin?" Nakangusong tanong nito kaya hinalikan ko naman ang labi nito saka umiling. "Damn! Can I get a kiss one more time, honey?"

"That's why you're extra sweet today, huh? Gusto mo lang pala ng halik." Natatawang saad ko dahilan para yakapin naman ako nito.

"Hindi mo na ako hinahalikan simula pa nang nakaraan eh. Akala ko ay galit ka sa akin kaya naman I do my best today." Iyon pala ang dahilan niya...

"Porket hindi ka lang nahalikan ay naisip mo kaagad na galit na ako? Okay, I'll give you alot of kiss." Saad ko at pinupog siya ng halik. "Hoy! Ano ba?" Nagulat ako nang bigla ako nitong yakapin at ihiga sa kama at kinubabawan.

"I love you." Saad nito at hinalikan ako sa noo. Napakurap-kurap naman ako at nanatili lang na nakatingin sa kaniya. "I love you." Saad pa ulit nito at hinalikan ang tungki ng ilong ko.

"Hoy, napapano ka na naman ngayon?" Natatawang tanong ko sa kaniya pero ngumiti lang naman ito.

"I really love you, honey. I really want to be with you for the rest of my life." Sabi nito at dinampian ng halik ang labi ko. Halik na galing talaga sa puso yung nararamdaman habang ginagawa niya iyon.

"I love you too." Sagot ko naman at hinalikan siya at niyakap. Naramdaman ko pa kung paano kumuwala ang isang butil ng luha sa mata ko.

I am really happy to have him in my life...

"Back then you're my baby and my ten million bid. Here we are now, you're my husband and still my ten million bid." Narinig ko pang saad nito dahilan para mas lalong umusbong ang samu't-saring emosiyon sa puso ko.

I am really happy to be his ten million bid.

"I will always be your ten million bid, my love..."

THE TEN MILLION BID (Volume 04)Where stories live. Discover now