26

376 21 1
                                    

"Enjoy, kids." Saad ko at kumaway pa sa kanila. Kumaway rin ang mga ito bago tumakbo papasok sa loob ng school nila. Pumasok naman si Crimson at sinarado ang pinto ng Van.

Dumeritso na kami sa café dahil balak nga naming bumisita. Pagkarating ay agad kung nakita ang mga costumer na pumapasok. Nakita ko naman ang lalaking binugbog ng nakaraan ni Hikari. Maayos na ang mukha nito at nakasuot na ito ng suit. Ganoon rin ang mga kasama niya.

Pagpasok at makarating sa counter ay agad naman kaming binati nila Ena, Ema, Rose, Gli at Sid.

"Kamusta naman ang trabaho dito?" Tanong ko sa kanila.

"Maayos na maayos po, Sir. Walang kaproble-problema." Sagot ni Ena. Nakahinga naman ako ng maluwag nang marinig iyon.

Hindi ko na sila inabala pa dahil may mga costumer na naghihintay. Naupo na lang muna kami ni Phoenix sa isang table na bakante habang ang apat ay naupo rin sa katabi mesa na katabi lang din. Maya-maya naman ay may inilapag si Hotaru na kape bago bumalik sa kinauupuan nito. Kinuha ni Hikari si Arabelle dahil sila na raw muna ang magbabanta rito.

"What if we open until night, honey." Suhestiyon ni Phoenix.

"But the workers will be tired." Agad naman itong ngumiti saka ipinahinga ang baba sa kamay.

"You really worries about them. But don't worry, I'll just hire more workers here. Many people is suggesting it, honey. Meron kasing iba na gabi na nakakauwi sa mga bahay nila. Minsan gusto nilang bumili ng masarap na tinapay or cakes pero nagsasara na ang mga bilihan. So... I'm suggesting it too. Pero kung ayaw mo ay ayos lang naman. Hindi naman kita pipilitin." Humigop ito sa kape niya saka nginitian pa ulit ako.

"Sige, pag-iisipan ko." Sagot ko kaya lumapad naman ang ngiti niya.

"Good."

Inilibot ko pa ang paningin ko sa lugar ng ilang sandali. Madami pa rin ang costumer. Mukha namang masaya sila Ena sa trabaho nila dito. Bigla ko namang nakita si Khael na pumasok at napunta agad sa akin ang pantingin nito. Agad naman akong kumaway sa kaniya.

"Who's that---oh, the bitter guy." Siniko ko naman si Phoenix.

"Phoenix."

"I don't know his name." Pagdedepensa nito.

Hindi naman na ako nakipagtalo nang makitang nakalapit na si Khael. "Here to buy a box of dark forest chocolate and a cup of espresso?" Tanong ko sa kaniya at senenyasan na maupo.

Bahagya namang tumagilid ang ulo nito bago maupo. "How did you know?"  Tanong nito at nagkibit-balikat naman ako.

"You always buy that two bitter stuff here. Naisip ko lang na iyon ang bibilhin mo ngayon." Sagot ko naman. "By the way, this is Phoenix, my husband." Pagpapakilala ko sa katabi ko. Siniko ko naman si Phoenix kaya napatingin naman ito sa akin na parang nagtataka.

"What?"

"Be nice, Phoenix." Bulong ko dahilan para bumuntong-
hininga naman ito at inilahad ang kamay.

"Phoenix." Pagpapakilala nito.

"Khael." Tinanggap naman ni Khael ang kamay ni Phoenix kaya ngumiti naman ako.

"Nagmamadali ka ba?" Tanong ko sa kaniya.

Napatingin naman ito sandali sa relo niya bago sumagot sa akin. "Hindi naman. Marami pa akong bakanteng oras."

"Good. Dito ka na lang muna. Sandali, kukuha ako ng makakain." Paalam ko at tumayo at pumunta sa counter para kumuha ng pagkain.

NANG makitang makaalis na si Shun ay agad naman akong sumeryuso at tumingin sa lalaking kaharap. "May gusto ka ba sa asawa ko?" Tanong ko sa kaniya. Napatitig naman ito sandali sa akin at maya-maya lang ay tumaas naman ang sulok ng labi nito.

THE TEN MILLION BID (Volume 04)Where stories live. Discover now