Si Don Abelardo Tabujara

22 2 1
                                    


Jaime Corpuz's POV 

Ako'y pinadala ng aking ama sa isang pagpupulong patungkol sa paghahanap ng makabagong ideya sa pagsasaka sa Hacienda ng isang Don Abelardo Tabujara, isang negosyanteng may malawak na lupain na sinasakahan sa Bulacan. Kasabay sa mga naimbitahan ay ang mga mayayamang tao sa karatig rehiyon at ang mga may mataas na pamumuno sa lipunan, kabilang na ang isang Tenyente Jose Asuncion na isang Pransiskano sa sumasabong ang kilay pagdating ko sa bulwagan.

Ang hindi ko lang malaman ay kung bakit ako ang pinadala ng aking ama sapagkat mas marami ang nalalaman ng mga nakakatandang kapatid ko kesa sa akin.

Sa pagpasok ko pa lang ay dama ko na ang init ng tensiyon ng mga tao. Kaliwa't kanan ang mga naririnig kong mga argumento na tila hindi paawat ang mga panig.

Ako'y walang laban sa mga mamahaling kasuotan at makikintab na mga palamuti ng mga maharlika. At ako'y naaawa sa aking sarili dahil ako'y nagmumukhang katulong ng isang palasyo sa laki ng bahay na pinasukan ko.

"Magandang gabi mga ginoo't ginang," magalang na bigkas ko.

Sumulyap lamang ang mga taong nasa harapan ko at bumalik sa pinag-uusapan habang hinahawakan ang baso ng nakakalasing na inumin.

Sa kaliwang parte ko naman ay makikita ang mga nag-gagandahang dilag na ani mo'y mga diwata kumikinang sa sinag ng buwan, at ako'y nakakasiguro na anak ng mga mayayaman iyon.

Ako'y napatitig sa ganda nila habang sila naman ay tumatawa habang tinatakpan ng abaniko ang mga bibig. Nais ko mang lapitan ay baka ako'y masabihan na bastos at mapahiya. Ako'y bunga ng isang magsasaka lamang at ramdam ko sa mga ugat ko iyon. Ako'y umurong na lamang.

Sa aking pagpalit ng direksiyon ay nahagilap ng aking pananaw ang mga donyang nakaupo sa terasa na parang mga sinasabitan ng dekorasyon tuwing pasko. Kunwari'y isang dayuhan ang pagkilos at pananalita subalit kung titingnan mo ng masinsinan ay isa lang ang masasabi mo, 'kahit ihalo pa ng mabuti ang langis sa tubig ay maghihiwalay ang parin ang mga anyo nito'.

"Ito'y isang kabaliwan!"

Naagaw ang aking atensiyon sa tinig na umalingawgaw sa bulwagan at alam ko na hindi lang ako ang nakarining.

"Magugutom ang mga nasasakupan ko!"

Natahimik ang mga tao at tumingin sa direksiyon sa pinaroroonan ng mga lalakeng nagdedebate sa di malamang dahilan.

Ako'y lumapit upang marinig ang pinag-uusapan ng mga ito habang ang iba naman ay panay na ang bulungan sa bawat sulok.

"Aba! Wag kang magalit! Iyon ay isang mabuting alok kung tutuusin Don Abelardo! Ang iyong mga nasasakupan ay hindi na kailan man maghihirap." Sambit ni Tenyente Asuncion na aking lubos na inuunawa.

"Tandaan mo tenyente, buhay ko't kaluluha ay iaalay bago mo makuha ang titulo ng aking lupain sa ibabaw ng aking hukay," galit na tugon ni Don Abelardo.

"Kung iyan man ay kahuli-hulihan mo ng pasya, ako'y hindi na tatapon ng kahit anumang pangungusap at lilisan na lamang hanggat ang sahig mo'y makintab pa't hindi malansang pula."

"Animal irrespetuoso! Ako ba'y tinatakot mo't ginagalit?" 

Mamula-pula na ang pisngi ni Don Abelardo sa galit at pinapayuhan na ng mga guwardiya at kamag-anak na kumalma,  habang ang tenyente naman ay hindi na lumingon at lumabas na lamang sa pintuan ng may bahay.

"Ama," mahinhin na tugon ng isang nakakabighaning dilag, at ako'y nakakasiguro na siya'y isang anak sa paglalarawan ko ng kanilang pagkakahawig: may mapupungay na mata; matangos na ilong; may makintab at mahabang buhok na sumasayaw ang bawat hibla sa hangin; at may balat na morena na nakakaibig-ibig kung titigan.

"Sila'y hayaan mo't wag pakinggan...Sila'y nabubuang at sariling kapakanan lamang ang iniisip. Ipagpaliban mo nalang iyon," dagdag pa ng dalaga habang pinapawi ang galit ng ama.

"Ika'y tumahimik! Sapagkat ikaw ay walang karapatan upang ako'y pangunahan,"sagot ng ama na tila walang pakiramdam.

"Ngunit..."

Hindi na tinapos ng dalaga ang pangungusap at ito'y tumakbo papalabas na humihikbi.

"Ang pagpupulong na ito ay tapos na at maari na kayong umuwi ng maaga at magpahinga." Sabi ng Don.

Nagsilabasan na ang mga tao at iniwan ang silid ng tahimik, sapagkat ako'y abala sa pag muni-muni at pag-aaliw sa sarili sa loob.

"Naku! Napakarami pang pagkain ang natira. Ito ba'y babalikan pa nila?" Tanong ko sa sarili.

"Dalhin mo ang makakaya mong dalhin sapagkat iyan ay itatapon na lamang."

Ako'y nagulat sa aking narinig, hindi lamang sa malaking boses na lumitaw sa likod ko, pati na rin sa kanyang sinabi na itatapon na lamang ang mga natirang pagkain.

Ako'y lumingon, at sa hindi inaasahan ay ang Don na umiinom ng kanyang alak ang natanaw ng dalawa kong mata.

"Ikaw po pala Don Abelardo," tugon ko.

"Maari ko bang malaman ang iyong pangalan binata?"

" Jaime po. Jaime Corpuz, anak ng inyong magsasakang si Martin. Ako po ang pinapunta ng ama."

"Kung hindi ako nagkamali sa aking narinig, ikaw pala'y inaanak ko," sabi ng Don na medyo lasing.

"Ganun po ba?" Gulat na gulat kong sagot.

"Heto, dalhin mo nalang tong konting regalo sa iyong ama at sabihin mo pinabibigay ko sa kanya. Ika'y umuwi na sapagkat malayo pa ang lalakbayin mo." Inabot nya sa akin ang pera at ako'y pinaalis na.

"Makakarating po sa inyong kagustuhan." Sabi ko na nagpatawa sa kanya.

Habang ako'y naglalakad sa malawak at magandang hardin papalabas sa hacienda, ako'y nabighani sa samot saring uri ng mga bulaklak na namumukadkad sa paligid.

Naisipan kong pumitas ng kahit konti neto ng may maibigay man lang ako sa aking ina.

"Ang babango neto, tiyak na sasaya ang nanay," sabi ko sa sarili.

Sa di inaasahan, habang ako'y patuloy na pumipitas ng bulaklak, may narinig akong isang pag-iyak sa likod ng mga bulaklak. Ako'y natakot at natisod. Ito'y aking nilapitan.

"Tao po. May tao po ba diyan"? Tanong ko ng  may pag-usisa.

Patuloy parin ang pag-iyak at lalong tumindig ang aking balahibo sa takot.

"Tinatakot mo ba ako?" Kabado kong tanong habang iniikot ang mga halaman.

Sa pag tuon na ng aking paningin sa pinangagalingan ng iyak, ay hindi ko mapaniwalaan ang mga mata ko. Ang anak pala ng Don na lumuloklok sa isang tabi at lumuluha.

"Senyora! Ano po ang ginagawa ninyo dito sa madilim at delikadong hardin ninyo? Kayo ba'y hindi pa hinahanap?" Alalang-alala kong tanong habang binibigay ang panyo ko upang mapunasan ang kanyang luha.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 01, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Historia De Mi Amor: The Time Before You ResurrectedWhere stories live. Discover now