Sulat Para Kay Camille Amora y Venegas

47 3 0
                                    

Apat na oras na akong naglalakbay galing sa lungsod ng Barcelona papuntang Toulouse dala-dala ang mga medisina ng isang Senyor Felip DcSheirms at ang tanging kasama ko lang ay ang sundalo nyang espanyol na sumundo sakin na hindi man lang kumikibo at nagmamadali; at ang matandang kutsero sa kalesang sinasakyan namin, may mukhang nakakaawa na parang masakitin.

Mataas na ang araw ng ako'y nasundo, at nasa kalagitnaan palang kami ng aming byahe papunta sa Toulouse. Lumilihab na ang sinag ng araw na umuurong pabalik galing sa kulay pula na lupa at pumapaso sa balat ng kahit anong nilalang sa daan, kalakip na dito ang matandang kutsero at ang kanyang kabayo na wala man lang sinisilungan. Ito'y naging sanhi ng pagkahina ng kabayo na pinapahirapan pa't hinahampas na tila ba'y walang awa. Nanunuot ang awa sa aking dibdib makita ang paghihirap ng inosenteng hayop na walang magawa. "Apresurate!," sabi ng kutserong matanda sabay hampas sa likod ng nakakaawang hayop.

Narinig ng sundalo ang pag-aalala ng matanda sa bagal ng kabayo kaya'y napasilip.
"Work with your horse or else you'll help him up pulling this chariot too. Inutil!" Sabi ng sundalong salbahe habang lumilingon sa ikanauupuan nito at ako'y natameme lamang sa narinig.

Matarik ang daan na tinatahak namin, at sa bawat pagkatog ng kalesa ay may kasabay na tunog na parang mga dambol at latang inaalog-alog. Malapit sa dagat na kilala sa tinatawag na Balearic, kaya mainit ang simoy ng hangin na humahampas. Kahit na nasa loob ako ng kalesa ay ramdam ko parin ang init sa aking mukha na syang nagpapatuyo ng mga labi ko, kaya nagpasya akong makiusap sa sundalo na huminto, nang makainom man lang ng maayos, ngunit sa mukha ng sundalo ay impossibleng pawiin ang tigang kong mga lalamunan.

"Mawalang galang na ginoong sundalo, ngunit ako'y nauuhaw," mahinhin na sabi ko. "Pwede ba tayong humin..."

"Cállate estúpido! Wala akong pake sa pagkauhaw mo! Kaya't tumahimik ka!" Pasigaw na pagsapaw ng sundalo sa sinabi ko.

"Ikaw ba'y hindi nakakaramdam ng uhaw? O sadyang tuyong-tuyo na ang iyong puso?" Sabi ko sa sundalo na nagpatayo sa kanya sa galit at namumula ang maputing balat. "Hindi mo ba nakikita ang matanda na nasusunog ang balat?"

"And when do you realize a stupid Indio like you has the right to speak?" Sabi ng sundalo sabay hila sa aking chaleko. "Nais mo ba na ang pag ka awa mo'y mapalitan ng sakit, gaya ng kabayo?"
Ako'y natulala ng ilang segundo sa ibig nyang sabihin, at alam kong mapapahamak ako. Ako'y tumahimik na lamang at pinanood ang matanda at ang kanyang kabayo na labis na nanghihina sa uhaw. Bigla kong naalala ang bayan kong Pilipinas.

"Tayo'y makakaahon rin."

Wala akong laban kung nagpupumilit ako dahil nasa lupa ako ng mga banyaga, ngunit kalian ma'y hindi nagpatinag ang dugo kung tunay na maharlika na ang tanging hangad ay kapayapaan.

After a while, we atlast reached Toulouse and I handed all the maintenance medicines to Senyor Felip DcSheirms who has been sick on his bed for years. I am his personal doctor.Though it is hard for me to watch aiding a man whose brothers have been conquering my land, but it is only the ticket for my letters to reach Manila, I should swallow my griefs and pride for little time.
Habang ako'y naglalakad sa bulwagan ay may narinig akong boses na hindi kapana-panayam pakinggan.

"They're not getting tired of it, ha." sabi ni Senyor Felip habang nagbabasa ng diyaryo. 

"Senyor?" tugon ko.

"La Solidaridad will soon fall, like your country keep on fighting for and Filipinas will become one of the Spain's great provinces"

La Solidaridad pala ang binabasa nya. Hindi na ako nagsalita at isinalin ko nalang ang pinag-uusapan.

"Senyor, may I know when the day of the voyage will be returning to Filipinas?"

"Don't worry, your family will receive it at the right time." Sagot nya.

"Pinapangako ko, makakauwi rin ako pagkatapos ng aking pag-aaral," sabi ko sa sarili.

Agad kong iniabot ang sulat ko kay Senyor Felip at nagpaalam na umalis na.

Tandang-tanda ko parin ang bawat letrang nasulat ko sa aking liham at nawa'y mababasa ng aking minamahal.


Europa
Linggo, Hunyo 26, 1892

Mahal kong Camille,

            Mahal, bago ko simulan ang aking mga salitang nag bubukod tangi sa alindog ng isang diwata, nais kong malaman mong pilit kong sinisikap ang sarili mabuhay kahit na puso'y mabuti pang isuko kakarinig ng mga saksak ng aking konsensya.

Mahal, patuloy ko parin nakikita ang hampas ng mga mananakop. Puso ba nila'y puno na ng poot at wala ng lugar para sa pag-ibig?

Tandaan mo, hanggat ako'y buhay at hindi pa ma lagot ng maaga, ipinapangako kong anak nati'y sasayang mag lalaro sa nayon na walang tanikalang iisipin. Wag kang mawalan ng pag-asa, dahil kailan may di ako nagpatinag, dahil ang pag-ibig mo'y siyang nag nagbibigay ng lakas sa pang araw-araw at kahit anumang hadlang ay hindi alintana.

Ako'y magtatapos na sa aking pag-aaral sa susunod na taon at ako'y uuwi na, antayin mo ako.Natuto na akong mag Ingles at palagi kitang susulatan ng tula at aawitan sa pag-uwi ko asahan mong ako'y darating. Para sa iyo lamang tong tulang sinulat ko:

"You're the every piece I long forYour warm kiss I seek to lureAnd as my pillow tears at nightThe moon sure's how I mightTo cast away the shallow in meAnd born the wishes to be freeCoz your my true Pearl on The OrientShining bright in every moment

Ikaw ang magiging piyesa ng bawat kanta
Na dumuduyan sa pag sikat ng araw
Gaya ng pag-asang aking pinupukaw
Dahil pagmamahal koy walang katumbas
Batas ng dayo ma'y bumaklas
Sa iyo't sa iyo parin
Ang yakap ko't lambing
Antayin mo lang ako
Mahal kong Camille"



Nagmamahal, Emmanuel Belleza

Akoy nagising sa tunog ng aking alarm clock, nanaginip nanaman ako

¡Ay! Esta imagen no sigue nuestras pautas de contenido. Para continuar la publicación, intente quitarla o subir otra.

Akoy nagising sa tunog ng aking alarm clock, nanaginip nanaman ako. Hindi ko malaman kung bakit parang bumabalik ako sa nakaraan at parang totoo ang mga nangyayari. Sino ba talaga si Camille? Bakit sya ang laging nasa panaginip ko? Ako ba'y matutulog pang muli? Sa palagay ko dapat na akong magpakonsulta sa doktor.



Historia De Mi Amor: The Time Before You ResurrectedDonde viven las historias. Descúbrelo ahora