Pang siyam na pahina

Zacznij od początku
                                    

"Baby, I'm drunk. I didn't mean what happened, that means nothing." nagmamakaawang sabi nito at lumapit sa akin pero tumayo ako at umatras.

"Distance, Lucas. I might hurt you," sabi ko.

"Baby-"

"Kailan niyo pa ako niloloko?"

"Hindi- baby, hindi. Lasing ako kagabi-"

Tinignan ko siya.

"No more excuses, Lucas. Happy 5th monthsary and let's break up!" Mariing sabi ko.

Lumuhod siya sa harap ko pero tiinulak ko lang siya.

"Baby, please. Let me explain," pagmamakaawa nito.

Hindi ko siya pinansin at hinarap si Serenity.

"Naagaw mo siya? You can have him, at wag kang mag-alala hindi ko siya kukunin sayo. Hindi ako namumulot ng nilawayan na ng iba." Sabi ko at agad umalis.

Sinubukan pa akong pigilan ni Lucas pero agad ko itong sinipa sa pagkalalaki niya.

"Serves you right,"

Sinigaw niya pa ang pangalan ko pero hindi ko na siya pinansin.

Pagpasok ko sa elevator ay nagbagsakan na ang mata ko.

"Damn them!"

Agad akong dumeretcho sa condo ni Tanya. Nakita ko siya na nag aalmusal na.

"Good morning si- wait, umiyak ka ba?" Tanong nito at agad tumayo. Niyakap ko agad siya. " ok ka lang?"

"They betrayed me," mahinang sabi ko.

"Anong nangyari? Sino ang nanloko sayo? Serene," sabi nito at pinaupo ako.

"I saw Serenity and lucas naked in his condo," sabi ko rito.

"Ay gago ampt. Yung kambal mo! Bwesit, tara sasampali-"

"Enough, we broke up-"

"Aba dapat lang. Malanding Lucas yun, nakuha pang makijugjugan sa kambal mo pa. At ang kambal mo hindi lang pala artista sa galing umarte, bold star pa." inis na sabi nito.

"Am i not enough?" I asked.

"Syempre enough ka. Sobra pa nga, ikaw kaya si Serene. Sadyang tanga lang si Lucas na lulokohin ka. Idagdag mo pa na may kambal kang ahas," sagot nito. " okay lang umiyak."

"No, tama na ang pag-iyak ko kanina. Hindi dahil kay Lucas. Kundi dahil sa kambal ko, hindi ko na alam kung bakit niya gustong agawin lahat sa akin." Bulong ko.

"Inggitera kasi siya, sana sinabi mo kay Tito at Tita Shannie ang ginawa ng kambal mo."

"I did, sinend ko ang picture ni Serenity at lucas na magkatabi sa kama. Mom is calling me multiple times." Sabi ko bago tumayo. " I need to go."

Nagpumilit pa siyang ipagdrive ako peri tinanggihan ko na.

Pag-uwi ko ay nakita ko si Mommy na umiiyak habang nakayakap kay Daddy.

Pagkakita sa akin ni Mommy ay agad akong niyakap.

"Baby, are you okay?" tanong nito sa akin.

"Should I be okay, mom? Serenity betrayed me, she slept with my ex-boyfriend." Mahinang sabi ko.

Naramdaman ko rin ang pagyakap ni Daddy.

Parehas silang tahimik ng dumating si Serene.

Agad humiwalay si Mommy sa akin at nilapitan si Serenity.

Nagulat ako ng Sinampal niya ng malakas si Serenity.

Kita ko ang gulat sa mata ni Serenity, dahil ngayon lang nagalit ng ganito si mommy sa kanya.

"Mom-"

"Really, Serenity? Lahat binigay ko sayo, everything!!kahit ang oras na para sana sa kambal mo ay binigay ko sayo, bakit?" Galit na umiiyak si Mommy.

"Mommy-"

"Kulang pa ba? Saan ako nagkamali ng pagpapalaki sayo? Bakit nagawa mong ahasin ang boyfriend ng kambal mo?"

"M-mommy, mahal ko siya. A-ako ang unang nakakita sa kanya, mahal ko siya- inagaw lang siya sa akin ni Serene." umiiyak na paliwanag nito.

Umiiling si mommy na tumingin kay Serenity.

"You gave yourself to Serene's boyfriend because you love him? Serenity, you are pathetic. I am very disappointed, from now on you are grounded. Sa lahat ng oras may guard na magbabantay sayo."

Nakita ko pa ang pagpatak ng luha ni Mommy bago ito umalis.

"Hindi na kita kilala Serenity. Gusto kong magalit at sumbatan ka. Pero hindi ko gagawin yun, iintindihin kita kasi anak kita. Alam mo ang nararamdaman ko ngayon?-"

"Daddy, I'm sorry." umiiyak na sabi nito.

"Kwenekwestiyon ko ang sarili ko bilang ama. Hindi kita nagabayan," sabi ni Daddy.

Hinarap ako ni Daddy.

"I'm sorry, Anak. Alam ko masakit pero sana patawarin mo ang kambal mo." Malungkot na sabi nito. Inakay ako nito at nilapasan si Serenity na umiiyak.

Dinala ako ni Daddy sa room ko.

"Okay lang umiyak, Anak." Sabi nito sa akin.

"Don't woworry to much, Daddy. I'm not Serene Evans kung dahil lang duon panghihinaan na ako ng loob." Mapait na sabi ko bago niyakap si Daddy.

It hurts me more dahil kambal ko na pinipilit kong intindihin sa ilang taon ang manggagagi sa akin.

Your BOYFRIEND is my HUSBAND!Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz