Chapter 15. Can I court you? (part 1)

10 0 0
                                        

KARLO's POV

May outing ang klase nila Yannah sa isang beach resort. Bago daw magtapos ang klase. Gusto nilang makapag bond man lang.

Malamang kasama si Janndi at Tyronn.

Isasama daw ako ni Yannah.

Eto at kinukulit ako.

Ang kulit nang babaeng to e.

"Karlo, please. Halika naaaaaa!"

Panghihila ni Yannah sa braso ko.

"Yannah. Nakakahiya sa mga kaklase mo."

"Sila pa nga ang nangungulit at pumipilit sakin na isama ka ee! Atsaka "hiya"? Meron kapaba nun?"

Nakasimangot niyang sabi.

"Oo na. Oo na." Saad ko naman.

"Wag na. Alam ko napipilitan ka lang. Ge!"

At pinaandar niya yung sasakyan paalis.

Sinundan ko yung car.

Actually naka pack na yung damit ko pangswimming.

Pupunta naman talaga ako. Tinawag na dati ako nung dalawa. Dahil may gagawin kaming surpresa. Para kay Yannah.

At Carry Crain Beach Resort.

Pagkarating ko nang beach resort na to. Nakita ko Yannah sa isang side nang pool.

Nagsuot ako nang shades para di niya ako mapansin.

Pumasok ako sa hotel nang resort kung saan naghihintay ang dalawa.

"Pare!" Salubong nung dalawa sakin.

Kasama sila Jess, Meyri, Tyrann at Twinkle.

Kinunchaba na rin naming lahat ang mga kaklase ni Yannah.

6pm na.

Nagstart na yung live band sa Resort. May disco rin kasi sa resort na to.

Papunta kami ngayon sa isang private pool kasama si Tyrann at Tyronn.

Para ihanda yung gagawin sana namin nang bigla kong makita si Yannah sa Private Pool na yun.

May kasama siyang lalaki. Nagtatawanan sila. Nagtago kami sa isang gilid para di kami makita.

May isang tauhan nang pool ang dumating at kinausap sila.

Papaalis na sila nang pool nang napansin ni Yannah yung Kambal.

"Oh. San punta niyo?" Pagtatanong nya sa dalawa.

"Aa. Ee. Naglilibot lang kami. Ang ganda kasi nang resort." Pagpapalusot ni Tyronn.

"Ayy. Tara na. Let's drink?" Pagyayaya ni Yannah sakanilang dalawa.

Habang tahimik naman yung boy na kasama niya.

"Sige Yannah. Sunod nalang kami." Sagot naman ni Tyrann.

"Aa. Sige."
Paalam ni Yannah. Buti nalang at nagtago ako at lumayo sa dalawa.

Pagkaalis nila. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Gustong gusto kong magpakita sakanya. At tanungin kung sino yung kasama niya.

Nagdadalawang isip narin ako kung itutuloy ko pa ba yung plano ko.

"Pare. Halika na." Sabi ni Tyrann sakin.

Inayos na namin yung venue. Para sa surprise.

Pinuno namin nang red petals yung pool saka nag pa float kami nang maliliit na candles.
Nag ayos narin kami nang tables.

May inilagay din kaming candles na nakaform ng Heart.

Tumulong din yung ibang tauhan sa Resort para sa designs nag pool. Nag add sila nang balloons. Inihanda ang foods, music, mga wines. At may tutulong samin mamayang waiters.

READY NA ANG LAHAT.

YANNAH's POV.

Nandito ako ngayon sa may Disco part nang resort Kasama si Kelly.

Drinking wine.

Gusto kong magpaka lasing. Naiinis ako kay JK.

Kung nandito lang sana siya di ang saya saya ko sana.

Ee napaka Kj ba naman kasi.

Nakaupo ako sa isang table kasama si Kelly.

Hinahanap ko si Jess at Meyri pero wala talaga akong makita sa kanilang dalawa.

Bigla naman dumating si Tyrann.

"Yannah."

"Oh? Asan yung dalawang bruha?" Pagtatanong ko.

"Ayan na sila."

Napalingon ako kung saan nakatingin si Tyrann.

Nakita ko yung dalawa.

"Babyyy."

Sabay yakap sakin nang mahigpit.

Naiiyak naman si Meyri.

"Oh? Anong nangyari?" Taka kong tanong.

"Wala naman. We're just happy." Sagot naman ni Jess.

"Ano ngang nangyari?!" Paulit kong tanong.

"Wala nga. Nukaba!"

Ilang sandali. Dumating na rin silaJanndi, Twinkle at Tyroon.

"Saan naman kayo galing?" Pagtatanong ko pa.

Biruin mo ba naman kasi. Magkakasama sila. Tapos ako hindi nila sinasama.

"Nagpahangin lang my." Sagot naman ni Twinkle at yumakap sakin.

"Anything wrong?" Pagtatanong ko naman sakanya habang yakap yakap siya.

Ngumiti lang siya sakin at medyo naluluha.

"Ano ba naman kayo. Magsaya muna tayo. Kalimutan muna yang mga problema na yan. Please?"
Sabi ko.

Walang sumasagot sakanila.

Nakakainis na.

Hayss.

"Hmp. Ano bang mga problema niyo?!"
Pagalit kong sabi.

"Tara na nga Kelly. Mas nai-stress ako dito." At hinila ko si Kelly na nasa likod paalis sa lugar na yun.

"Nako sis. Kaloka naman ang mga friends mo. Pero ang yummy nung mga boys." Hay. Lumalandi nanaman tong baklang to.

"Kelly. Ang landi mo. Umayos ka nga diyan. Baka masapak kita."
Pagalit kong sabi.

"Hay. Kaloka itit. Oo na. Makaimbyerna ka. Asan na ba kasi yang jowa mo te?" Pangungulit pa niya.

"Please. Kelly! Shut up, okay!"

At tumahimik nalang siya.

Leche. Nakakainis talaga.

"Tara na." Sabi ko kay Kelly. Pumunta na ako sa Hotel nang resort. Sa may kwarto ko.

At humilata nalang sa kama ko.

"Anobanamanyan! Ayoko na." Sabi ko naman sa sariliko. At pumikit.

MUTUAL UNDERSTANDING (ongoing)Where stories live. Discover now