Nag stop na siya sa paglalakad at binuksan yung secret passage , hindi ko alam kung saan patungo yun pero wala sumama lang ako.

Pagkapasok namin ay sinarado niya kaagad yun tapos nag enter ng pin , bigla namang bumaba yung kinatatayuan namin ngayon, so elevator to? Ang high tech naman.

Nakababa na kami sa dapat babaan , sinundan ko siyang muli at tinignan kung saan siya pupunta , magaganda ang mga nakikita ko sa paligid ko , at kumikinang kinang ang nga jewelry na naka display sa mga gilid.

"Gabb?! Maupo kana muna dyan saglit lang ikukuha lang kita ng maiinom" Tawag niya sa akin napatingin naman ako sa kanya na may kinukuhanh tubig sa may ref.

"Bakit mo ako dito dinala ella? Parang secret passage niyo to ah? Pwede naman tayong mag usap dun sa may labasan lang" sabi ko sa kanya sabay libot ng aking tingin sa paligid , grabe sobrang yaman naman nila talaga ano?

Based sa nakikita kong mga kagamitan dito at alahas ay puro pure gold siya , mamahalin din yung mga upuan at kung ano ano pa , nakakamangha lang ganun.

"It's because i trust you gabb?! At tsaka about dun kanina? Kalmahan mo lang at nagbibiro lang naman si daddy" sabi niya sa akin saka inabutan ako ng baso na may lamang tubig , ininom ko naman na kaagad yun.

"Tama naman yung dad mo eh? Haha kabado naman talaga ako dahil sa nangyari sa past , ahm anyway ano nga palang sasabihin mo? Ikaw na ba mauna o ako na?" Tanong ko sa kanya  , naupo siya sa may sofa at ako naman ay sa may upuan lang na medyo malayo sa kanya.

"Ikaw na muna gabb?" Sabi niya sa akin saka nginitian ako , napabuntong hininga na muna ako bago nagsalita.

"First and foremost masaya akong makita ka ella? Sobrang laki ng pinagbago mo in the past 2 years ago? Masaya ako na you became a better version of yourself! Masaya din ako na malaman na ikakasal kana , ang wish ko lang ay sana mahalin ka niya? Kasi karapat dapat kang mahalin eh? Siguro magsisinungaling ako kung sasabihin kung hindi ako nasasaktan na malaman yun pero masaya ako para sayo! Masayang masaya ako na makita kang masaya kagaya ngayon , Mahal kita ella! Ayan lang ang gustong gusto kong sabihin sayo ngayong araw kaso ngayon lang ako nagkalakas ng loob" nakayuko kong sabi sa kanya , pinipigilan kong pumatak ang namumuong luha ko sa aking mga mata ngayon.

Nalulungkot ako , nasasaktan na parang ewan but this is my lesson for life.

If nagawa kong mag pa suffer ng ibang tao? Then deserve ko ding amg suffer sa mga nagawa ko.

"Ayun lang ba ang sasabihin mo gabb? This past 2 years? Alam mo bang umasa ako na mangyari din itong nagaganap ngayon? Na masabi mo sa akin na mahal mo na din ako?" Napaangat naman ang ulo ko dahil sa sinabi niya , naluluha na siya ngayon na ipinagtaka ko , bakit siya naiiyak.

"What do you mean by that?" Tanong ko sa kanya at unti unti ko siyang nilapitan dahil gusto kong punasan ang mga luha niya kahit wala naman akong karapatang gawin yun.

"Gabb! Ang hirap mong kalimutan! Ang hirap mong hindi mahalin! Ang hirap sobra! Gusto kong ipaalam sayo na this past few days? weeks? years! Ikaw?! Ikaw pa rin itong nilalalaman ng puso ko! Alam mo ba na kahit walang kasiguraduhan na mamahalin mo din ako pabalik ay umasa ako! Nananatiling umaasa! Wala eh? Mahal kita eh!" Sabi niya na ikinagulat ko ngayon , mahal niya din ako? Ay hindi mahal niya pa din ako?

"Totoo ba tong naririnig ko? Mahal mo pa din ako ella? Kung gayun? Paano? Hindi na pwede ang salitang tayo kung ikakasal kana sa iba ella? Wala akong laban?" Sabi ko saka niyakap siya ng mahigpit , hinahaplos haplos ko yung likof niya ngayon.

Sobra ko siyang namiss na yakapin,. Yung amoy niya? Dalawang taon kong hinahanap iyun.

"Paano mo nga ba malalabanan? Kung mismong ikaw naman yung ikakasal sa akin gabb?" Saad niya nang kumalas siya sa pagkakayakap ko sa kanya , napatingin nalang ako sa gulat dahil hinid ako makapaniwala sa sinabi niya ngayon.

"Totoo ba??" Nag aalangang tanong ko sa kanya , napangiti nalang siya sa akin at binigyan ako ng isang halik.

Yung halik na mararamdaman mong may pananabik , yung halik ng tunay na pagmamahal na kay ella ko lang naramdaman at gustong maramdaman.











Don't forget to vote and feel free to comment down below your thoughts or anything 💕

SHE'S INTO HER (UNIPHANT)Where stories live. Discover now