PROLOGUE

10K 256 80
                                    

“Anong ginagawa mo rito?” Bumungad sa akin ang taong hindi ko inaasahan. 

Sa halip na gumaan ang aking pakiramdam ay mas lalo itong nadagdagan pa. 

Hindi ko inaasahan na sa isang taong iyon na nawala siya ay ngayon na lamang siya nagpakita pa. Sa isang taong iyon kung paano kami magkandarapa na hanapin siya, na kahit wala na dapat pa kaming pakialam pa dahil iyon naman ang kagustuhan niya. Ang lumayas at sumama sa lalaking kinababaliwan niya!

May halong galit at hinanakit ko siyang tinitigan. 

Ang kapal ng pagmumukha niyang magpakita pa rito! 

“Kamusta?” Natawa ako ng mapakla nang marinig ko iyon galing sa kanya. 

“Kamusta?” Hindi ko mapigilang matawa muli ngunit may sakit doon. “Ang kapal ng mukha mong mangamusta. Pagkatapos ng lahat lahat iyan lang itatanong mo sa akin?! Wow talaga! Hindi talaga ako makapaniwala sayo!”

Kagat ko ang pangibabang labi habang unti-unti nang tumutulo ang aking mga luha. Hindi ko ibinaba ang aking paningin sa kanya. Hinayaan kong lumandas nang lumandas ang aking mga luha habang nakatitig sa kanya. 

Hindi ko mapigilang ma kumo ang aking kamao ng wala man lang siyang pakialam doon. Hindi man lang nagbago ang kanyang tingin sa akin. Wala man lang siyang awa. 

Kailan pa ba siya nagkaroon ng pakialam sa akin? Sa amin? Wala ni katiting! Iniisip niya lang ang kanyang sarili.

Bumuntonghininga siya at nagiwas ng tingin. “Si mama? Kamusta?” 

Hindi ako makapaniwala sa kanya. Ngayon may pakialam na siya kay Mama. Nagawa niya pang kamustahin ito pagkatapos ng lahat lahat? Ang kapal talaga! 

“Bumalik ka lang ba rito para insultuhin kami? Kung iyan ang ibig mong sabihin, umalis ka na lang at huwag ka nang magpakita pa, tutal iyan naman ang gusto mo hindi ba? Ang lumayas at sumama sa lalaki mo!” Hindi ko mapigilang sigawan siya. 

Pumikit siya nang mariin, tila hindi nagustuhan sa aking sinabi. At wala akong pakialam doon. 

Napaka pride niya talaga. Lahat naman ng gusto niya binigay na ni Mama ngunit parang hindi pa sapat iyon sa kanya. Parang may kulang pa. 

Lahat naman tayo may kanya kanyang pangarap. Hindi naman basta basta iyon matutupad kung hindi pinaghihirapan. 

Ang mahirap lang sa kanya ay maka sarili siya. Siya pa ang galit kapag hindi natupad ang gusto niya. Sa kagustuhan niyang iyon, lumayas siya nang walang pasabi at sumama sa lalaki niya.

Tapos ngayon babalik siya para itanong kung kamusta kami? Tangina lang niya. 

“Kehlani, tinatanong ko si Mama kung kamusta na, hindi ko sinabi na bangitin mo pa ang lalaking iyon,” mariin niyang sabi kasabay iyon ng pag sama niya ng tingin sa akin. 

Walang emosyon ko siyang tinitigan. “Bakit hindi mo puntahan sa sementeryo.” Mariin kong pinunasan ang mga luhang  nagbabadya na namang dumaloy. Halu-halong emosyon siyang tumingin sa akin. Hindi ko pinansin ang kaguluhan sa kanyang mukha. “Umalis ka na, huwag ka nang bumalik pa rito.” 

Tatalikuran ko na sana siya nang hilahin niya ako pa harap muli. Inis ko naman winaksi ang kamay ko na hawak niya.

Huminga siya ng malalim. “Nakalimtan ko,” simula niya, na parang wala na naman pakialam sa pagkawala ng Ina namin. “Hindi ako nagpunta rito para bumalik. Gusto ko lang sabihin na. . . mamaya na ang flight ko patungong California, doon na ako namamalagi.”

“Anong pakialam ko? Eko-congrats kita? Magpapaputok ako ng fireworks? Swerte mo naman kung gagawin ko iyon. Lumayas ka kung gusto mo. Huwag ka nang bumalik pa rito.” 

Masama na kung masama ang pumatol sa mas matanda sa akin. Kumukulo ang dugo ko sa kanya. Wala siyang patawad. 

“May ihahabilin ako sayo.” Hindi niya pinansin ang aking sinabi. Naglakad siya patungo sa kotse na pinagsakyan niya kanina. Pansin ko na may kinuha siya roon at nagtungo muli sa akin. 

Inilahad niya iyon sa akin upang magulat ako. Nanlalaki ang aking mga mata nang matitigan ko siya. 

“A-ano. . .”

“Penike ko lahat ng mga papeles ko. Hindi ko kailangan ang batang ‘yan. Ikaw na ang bahala sa kanya,” walang pakialam niyang sabi. 

Gulat ako nakatitig sa kanya at sa bata. Kailan pa siya nagkaroon ng anak?

“Ate!” sigaw ko sa kanya. 

Tinaasan niya lamang ako ng kilay. “Wala namang silbi ‘yan sa akin. Masisira lang pangarap ko sa batang iyan kapag nalaman ng lahat na akin ang batang iyan.” Tinitigan niya ang relo niya at kunot nuong nagbuntonghininga. 

Hindi ako makapaniwala sa lumalabas sa bibig niya. Parang sa sinasabi niyang iyon ay kasalanan pa ng batang ito kung bakit isinilang siya sa mundong ito. 

‘Yan ang mahirap e, dumaan ka sa masasarap na kaligayahan ngunit nang may mabuo na talilikuran mo ang pagiging responsibilidad mong maging Ina.

“Lumayas ka sa bahay at sumama sa boyfriend mo tapos babalik ka rito na may bagong silang na bata. . . tapos hindi mo kayang panindigan?” natigilan ako at napatitig sa bata. “anong klase kang ina! Obligasyon mo ito, ate, anak mo ‘to e! Ikaw dapat ang mag-aalaga nito!”

“Sayo naman ako may tiwala, Kehlani. Alam kong maaalagaan mo siya nang maayos. Bahala ka na sa kanya.” 

“Ang dali lang talaga para sayo ‘no? Kapag obligasyon mo na tinatakbuhan mo.”

“Sabihin mo na kung anong sabihin mo, wala akong pakialam.” Umirap siya dahilan para mas lalo akong mainis.

Gusto ko siyang sampalin. Gusto kong iparamdam sa kanya kung gaano kasakit palagi ang sinusukli niya sa amin. 

“Hindi ka na ba magbabago, Ate? Hanggang kailan ka ba ganito?” may sakit na tanong ko rito.

Tinitigan niya lamang ako. Tila wala talaga siyang pakialam sa kahit na ano pa ang aking sabihin. 

Ibibigay ko na sana ang bata sa kanya nang umatras siya at nagmamadali siyang bumalik sa sasakyan na ‘yon. 

“Ate!” Hinabol ko ito. “Paano naman ako?! Paano ang pag-aaral ko?!” Lumuluha akong tila mawawalan ng lakas. 

Huminto ito nang makarating siya sa sasakyan, ngunit hindi humarap. “Tumigil ka na lang,” mahinang bulong niya ngunit dining ko iyon. Sumakay siya roon nang walang awa

Anong pinagsasabi niyang tumigil? Ang dali niyang sabihin iyon sa akin! 

“Ano?! Ayaw ko, ate! Please, naman oh!” Kinatok ko ang bintana ng sasakyan. “Ate, maawa ka!” Nagulat ako nang umandar na iyon. “Ate, bumalik ka! Hindi ko kayang magpalaki ng bata! Masyado pa akong bata. Hindi ko kaya. . .” Hindi ko mapigilang mapa hagulgol. 

Napa luhod na lamang ako nang unti-unti ng nawawala sa aking paningin ang sasakyan niya. Hindi ko maisip na mangyayari ito sa akin. 

“Ate,” huling sambit ko habang nakatitig sa sanggol na hawak ko. 

Sa mura kong edad, inakala ng ibang tao ay isa na akong Ina. Sa mura kung edad, marami akong narinig na masasakit na salita sa ibang tao. Sa mura kung edad, natigil ang aking pag-aaral at nagpaka nanay sa aking pamangkin. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 16 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Imperfect AcceptanceWhere stories live. Discover now