Silence 14: Beautiful On You

Začít od začátku
                                    

"Thank you ma'am! The best talaga kayo!" galak na galak ang kanyang boses.

Nang makabili sila ng token ay pinaghati hatian nila yon. Hindi na ako nakihati dahil hindi rin naman ako mahilig maglaro sa mga arcades. Hindi ko nga alam kung kailan ako huling nakapasok sa ganitong lugar.

"Punuan pre! Hintayin ko muna matapos yung iba," si Vincent na kababalik lamang galing doon sa may basketball. "Galing nung isa pre sunod sunod yung shoot."

"Sa dance central muna tayo! Walang nagamit oh," turo ni Sarah doon sa may malaking screen na nakapwesto sa tabi ng entrance.

"Oo nga pala. Tatalunin ko pa si Vincent. This is my redemption!" ani Gascon.

"Subukan mo lang nang subukan, mapapahiya ka lang at lagi kang talo," hagalpak ni Ralph. "Tanggapin mo na lang pre. Talagang matigas ang katawan mo."

"Nagkataon lang yon!" depensa ni Gascon at sinampahan ang likod ni Ralph at sinakal ang leeg ng kaibigan.

Wala akong nakikitang remote kaya hindi ko alam kung paano nila pagaganahin ang laro. Bakit ba naman kase naglalagay ang mga may ari rito ng laro ng wala manlang controls.

"Hinihingi pa ba yung remote nito?" tanong ko.

Sarah shook her head. "Hindi po ma'am. Magpapasok lang po ng token tapos parang yung kamay niyo po yung magsisilbing controls. Kapag iniswipe niyo ng left magleleft pag right up and down ganon din po."

Pinamulahan ako ng pisngi dahil hindi ko alam ang mga bagay na ito.

"Si ma'am si ma'am," dinig kong bulungan nila Vincent.

Bago ko pa maitanong sa kanila kung ano ang meron ay hinila na nila ako papunta roon sa harap ng screen .

I panicked .

"H-hala ayoko ayoko," sinubukan kong bumalik sa aking pwesto kanina ngunit ipinirmi nila ako sa kinatatayuan ko ngayon.

"Ma'am isa lang, promise! Ibawi mo naman ako kay Vincent," turo ni Gascon kay Vincent na nakatayo sa tabi ko.

Ipinaikot ko ang aking paningin sa buong Quantum. Paano kung mamaya habang sumasayaw ako ay makuha ko ang atensyon nila. Lahat sila titingin. Pagkatapos ay hindi ko pa alam ang itsura ko habang sumasayaw. Paano kung tawanan nila ako? Paano kung hindi naman kaaya aya yung pagsayaw ko? Ayaw ko ng ganoon. Masyadong maraming atensyon. Mas gusto kong manood kaysa ako ang pinapanood.

But then, kaya nga ako sumama sa kanila ay para makabonding sila. Kung hindi naman ako makikisama sa kanila ay para saan pa itong pagpunta ko?

Napalunok ako sa iniisip.

"N-nahihiya kase ako," mahigpit ang hawak ko sa aking bag.

"Hindi yan ma'am. Pag tumingin yang mga yan dito, sisitahin namin," sambit ni Lauren.

"Hindi rin ako magaling sumayaw," pangungumbinsi ko.

Nagthumbs up sa akin si April.

"Ayos lang yan ma'am katuwaan lang. Saka isipin mo na lang, ma'am, si Gascon nga na ubod ng tigas ng katawan ay pwede sumayaw, kayo pa kaya."

Dahan dahan kong inalis ang aking bag at ipinahawak kay Lauren. Ipinunas ko ang aking kamay sa damit dahil lamig na lamig ito.

Nang iinsert ni April ang token ay ginamit namin ang kamay namin upang pumili ng kanta at level of difficulty.

Ang dancer na napili ko yung babaeng nakablack leather jumpsuit at may curly orange na buhok. I think Aubrey was her name.

Nagkatinginan kami ni Vincent. He sent me a goodluck bago nagsimula ang dance battle. Mukha namang seryosong seryoso siya rito sa game na ito.

A Silence In The ChaosKde žijí příběhy. Začni objevovat