Chapter 2

24 4 3
                                    

The bell ring when I entered in the coffee shop, at nakita ko ang aking mga kaibigan na nag-aantay sa pag-dating ko. Nakita kong kumaway si Sai saakin at napatingin naman ang iba pa sa kinawayan niya kung nasaan ako.

I smiled while walking on their table. At lalo pang lumaki ang aking ngiti nang kumpleto silang lahat. Kumpleto ang mga kaibigan ko.

Syempre it's my day today.

"Yow Aea! " Ani Yerin. May pagka-lalaki ito kaya ganito kung magsalita.

"Aea girl why ngayon ka lang? " Ani Keilla.

"Sorry traffic eh, muntik na nga ma-late si Rix sa work niya. " Umupo ako sa tabi ni Yna na tahimik lang at nginitian ko.

"Happy birthday! Oh ito regalo ko, " Ani Luris sabay abot saakin ng isang paper bag. Tinignan ko siya ng may pang-aasar at tinaasan naman niya ako ng kilay. May pagka-maldita ang isang to.

"Happy birthday, ngayong time lang kami Aea, alam mo naman," Ani Yerin.

I understand them. They have a hectic schedule, laking pasasalamat ko nga at nakasingit sila ngayong special day ko. Kaya mahal na mahal ko itong mga kaibigan ko dahil hindi nila ako iniiwan.

Maya-maya pa ay may dumating na waiter na may dalang cake. Napangiti ako.

"Wow, nag order na pala kayo  " Aniko.

"Syempre naman noh," Ani Keilla.

"Blow the candle! "

"Wait let's sing a happy birthday! "

Sobrang saya. Napakasarap sa pakiramdam na may ganito kang kaibigan. Sa busy schedule nila ay nagawa pa nila akong samahan. Ang tanging hiling ko lang ay sana hanggang dulo, kami kami pa ring magkakasama.

"What's your wish girl? " Tanong ni Keilla.

"Wish nga eh bawal sabihin, baka mamaya 'di magka-totoo. " Sabi naman ni Yerin.

At iyon na nga ang umpisa ng bardagulan ng dalawa. Lagi silang ganyan nagbabatuhan ng salita. Minsan hinayaan nalang namin, wala namang makaka-awat sa kanila.

"Hindi mo man lang sinama si Wrix, Aea, " Ani Luris.

"May trabaho kasi siya ngayon, eh ayaw ko namang mag-absent siya. I told him na pagka-uwi niya nalang o celebrate ang birthday ko, since kami kami lang din naman. "

"Kain na. "

May mga dumating pang pagkain sa table namin. Ang dami naman yata ng inorder nila, grabe mukhang dadaigin ang magiging handa ko mamaya.

"Aea, nasabi mo na ba kay Wrix 'yong plano mo? " Tanong ni Yerin.

Oo nga pala iyong plano ko. Hindi ko pa nasasabi sa kaniya ang plano ko. Mayroon kasi saakin na wag muna sasabihin, baka kasi mabigla siya. Dalawang taon din akong mawawala.

"Hindi pa. " Sagot ko.

"Bakit hindi pa? Eh 'diba this 3rd week na ang alis mo?" Ani Keilla.

"Sasabihin ko na mamaya sa'kanya."

"Natatakot ka 'no? " Ani Sai.

"Hindi naman sa ganoon, baka kasi hindi niya ako payagan ganun, ayaw kasi niyang magkalayo kaming dala. "

"Kung talagang mahal ka niya, susuportahan ka niya sa mga pangarap mo, susuportahan ka niya hanggang sa maabot mo ito," Ani Yna.

Gulat ang reaksyon ng iba sa sinabi ni Yna saakin. Wow pati ako ay nagulat, minsan lang magsalita ang isang ito.

"Ay wow girl ang taray ni ate mo girl. " si Keilla.

"Pero totoo naman si Yna. " Si Yerin.

Matagal ko nang gustong sabihin kay Rix ito, pero dahil napapangunahan ako ng kaba, binabalewala ko. Hindi ko masabi kay Rix ang gusto ko.

Fooled by MistakeWhere stories live. Discover now