Chapter Fifteen

Start bij het begin
                                    

"Wag mo kasi sanayin 'yung tao na nand'yan ka palagi para sa kaniya tapos bigla ka rin naman palang mawawala," may hugot na sabi ni Kazuo, bakas sa kaniyang mga mata ang sakit na kaniyang nararamdaman. "Masyado na siyang nagiging dependent sa 'yo, Fourth, may sarili ka rin namang buhay."

"Sige nga, kung hindi ka tutuloy. . . Paano si Audrey?" Tanong ni Samuel.

"Your happiness is there, waiting for you," sabi ni Damon. "Wala dito sa Pinas, Bro."

"Hirap maging pogi," I sighed and laughed jokingly pero ang dami nang tumatakbo sa isipan ko. Masyadong marami.

Damon shook his head. "Nagawa pa talagang magbiro," dismayadong sabi niya pero tumawa rin naman siya kalaunan.

After the memories from the after-band practice confrontation that I had with my friends last week flashbacked, inalis ko ang pagkakayakap niya para matignan ko siya sa kaniyang mga mata. "Kaya mo, Tati," sabi ko.

"Hindi." Umiling-iling siya. "Hindi ko kaya. . ."

"Kaya mo," pag-ulit ko.

"Tatlong buwan kang mawawala, Sky, e," bulong niya habang nakatingin sa kaniyang mga paa. "H-hindi naman tayo naghihiwalay ng ganoon k-katagal. . ."

"Hindi naman ako dun titira. I'll continue my studies here, hmm?"

Umiling siya. "Kapag umalis ka ngayon. . . Sky, wag ka ng babalik," mariin na sabi niya.

I know that she only said those words because she's hurt. She didn't mean it. Sabi niya ako na lang ang mayroon siya, e. Wala naman siyang kapatid o kamag-anak. "Wag ka naman ganiyan, Tati. . ." Pagod na sabi ko.

"Ako o siya, Sky?" Inangat niya ang kaniyang ulo para tignan ako. "Pumili ka."

I shook my head.

"Ako o siya?!" Ulit niya.

"I don't need to choose between the two of you, Tatianna. You are like a sister to me. . . and she's not. Magkaiba kayo, okay? So, don't make me choose because there shouldn't be any choices in the first place," seryosong sabi ko, parang nawala bigla lahat ng iniingatan kong pasensya.

"Tanginang, you are like a sister to me na 'yan!" She laughed sarcastically. "Manhid ka ba? Ha? Lahat ng iyon, Sky. . . tangina, bilang kapatid pa rin?"

"Sinabi ko naman na sa iyo 'yun noon pa lang. . ."

She took a step backwards. "Sana. . . sana hindi mo na lang ako inalagaan," she whispered but I was still able to hear it.

"Come on, Tati, don't say that," I said while trying to reach her hand but she kept on moving backward, parang diring-diri siya sa akin.

"Sana hindi ka na lang pumunta sa tuwing tinatawagan kita. . . sana hindi mo na lang pinaramdam sa akin na may isang taong mananatili sa tabi ko kung aalis ka rin pala. . ."

"You know that I'm always here—"

"Pero aalis ka nga, e!" She cut me off. "Pupuntahan mo siya! Hindi ba?! Sinabi ko naman na sa 'yo na hindi ko kaya. . . hindi ko kaya 'yung tatlong buwan, Sky. . . Pero ano? Aalis ka pa rin, 'di ba? Buo na 'yung desisyon mo, e. . ."

I wasn't able to talk; tuloy-tuloy lang ang pagtulo ng luha ko.

A loud noise of a car honking enveloped us.

Tumingin ako sa pinanggagalingan ng ingay na 'yon at halos lumuwa na ang mata ka sa sobrang gulat nang mapagtantong tatamaan nito si Tatianna. I immediately ran towards her pero I was too late. . . masyadong mabilis ang pagpapatakbo ng driver ng kotse.

Hampas ng Alon (Puhon Series #2)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu