Chapter Twenty-Four

Börja om från början
                                    

"Kain na!" Sigaw ni Yuriko na kakatapos lang ayusin ang mga paper plates namin sa cottage na nirentahan nila Astrid.

Pagkatapos kasi naming kumuha ng mga litrato sa falls, sinubukan na namin iyong River Tubing na kailangan namin sakyan para makabalik sa aming pinanggalingan. Masaya naman iyon dahil malakas ang agos ng tubig at hindi naman siya gaanong nakakatakot.

Umahon agad kaming apat para pumasok na sa cottage kung nasaan sina Kazuo at Yuriko na parehong abala sa paghahanda ng aming kakainin. Marami silang putahe na inihanda kahit na wala naman kaming bitbit-bitbit papunta rito. Siguro ay inorder nila ito o pinadala ng lola ni Astrid para may makain kami.

"Saan na tayo after?" Tanong ko sa kanila.

Uminom muna ng tubig si Astrid bago ako sagutin. "Ukay-ukay na lang tayo bago umuwi. May laro rin kasi itong sina Andrei sa Plaza mamaya." Tinuro ni Astrid si Andrei na tahimik lang sa isang gilid ng cottage habang kumakain.

"Basketball?" Tanong ni Audrey.

"Ah, oo," maikling sagot ni Andrei habang tinitignan ang ngumunguyang si Astrid.

"Ayun pala, e! Tara manood tayo after natin sa ukay-ukay," pagaanyaya ko sa kanila.

"Aren't you tired, Tash?" Nag-aalalang tanong ni Drake na nakaupo ulit sa tabi ko.

"Hmm, hindi naman." Umiling ako. "Ikaw ba? Pagod na ba kayo?" Tanong ko sa kanya pero ang tingin ko ay inililibot ko sa kanilang lahat.

"Hindi pa, malamang," sagot ni Astrid.

"No rin." Audrey shook her head, too. "I can still watch," sagot niya.

"Kung saan kayo, doon na rin ako," sagot naman ni Yuriko.

Nginitian ko silang lahat bago tawagin si Andrei. "Andrei! Baka kailangan niyo pa ng players d'yan! Sama mo itong tatlong kumag na 'to!" Tinuro ko sina Kazuo, Fourthsky at Drake.

"Oo nga! Hindi naman ata makakapunta sina Castro, e!" Sabi ni Astrid.

"Sige ba! Basta sa Plaza mamaya," nakangiting sabi ni Andrei.

"Sino ba ang makakalaban niyo? Other school ba?" Tanong ko.

"Ah, hindi." Andrei shook his head. "Mga taga-LSPU rin kaming lahat, mga tourism students nga lang iyong kalaban," aniya.

Nagkwentuhan pa sila roon habang kami naman ni Audrey ang nagliligpit ng mga pinagkainan para hindi gaanong makalat itong cottage bago kami tumulak pauwi.

Kanina pa rin walang imik itong sina Drake, Kazuo at Fourthsky. Ni hindi nga sila nakikisama sa kwentuhan nina Astrid, Yuriko at Andrei, e.

"Okay ka lang ba?" Tanong ko kay Drake habang inaayos ang helmet ko.

Pauwi na kasi kami para mag ukay-ukay pero ni isang salita ay walang lumalabas sa bibig niya kaya pakiramdam ko ay may problema o may iniisip siyang hindi maganda.

"I'm fine. Hug me tight so you won't fall back."

"Sure ka? Gusto mo ba pagusapan?"

"I said I'm fine, Tash. Don't worry about me."

My lips parted but I was quick to my feet. "Luh? Pwede pala iyon? 'Yung 'di mag-alala sa 'yo? Sungit mo naman."

Sarado na iyong ukay-ukay na tinutukoy ni Astrid pagkarating namin. Ayon sa mga taga-rito ay maaga daw iyon nagsasara tuwing sabado at linggo. Wala na rin kaming nagawa kung hindi ang umalis doon para dumiretso naman sa tinagge malapit sa Plaza.

"Nakapag-ukay-ukay na ba kayong tatlo?" Tanong ni Astrid habang tinuturo ako, si Audrey at si Drake.

"Hindi, e,"maikling sagot ko.

Bawat Daan (Puhon Series #1)Där berättelser lever. Upptäck nu