Chapter Nine

75 13 2
                                    

#BD9 — Don't lie, Anastasia

"What took you so long?" Tanong ni Drake habang bahagyang binubuksan ang isang pintuan sa 2 doors ng bahay nila Kazuo.

Mukhang sila pa lang ni Fourthakt ang nandito dahil wala akong makitang Audrey at Astrid sa sala. Hindi ko pinansin ang tanong niya at diretso nang naglakad papalapit kay Fourthsky na umiinom ng juice. Nauuhaw na 'ko pakiramdam ko ay natuyo na naman ang laway ko.

"No, Cel! Hindi pwede! This is cold tapos kakanta ka mamaya baka mapaos ka niyan!" Ani Fourthsky habang inilalayo ang baso ng juice sa'kin.

"Konti lang naman, e! Dali na! Nauuhaw ako," pag pupumilit ko at pilit na inaabot ang baso at pitchel ng juice sa kanya.

"Tigas ng ulo, tss..." mahinang reklamo ni Kazuo.

Nilingon ko ito ng naka-kunot ang noo ko, dala-dala niya 'yong mga inorder namin na pagkain sa Shakey's kanina para habang nagprapractice, e, may pagkain na nakahanda—baka kasi may magutom sa'min.

Diretsong umakyat si Kazuo sa second floor ng bahay nila. Doon ata ang music room na gagamitin kung 'di ako nagkakamali. Sumunod na rin si Drake kay Kazuo habang kami ni Fourthsky ang naiwan dito sa sala na nakatayo pa rin.

"Go with them na, Cel. I'll wait for Audrey here," sabi ni Fourthsky habang sumesenyas na sundan ko na raw si Drake at si Kazuo sa taas.

Sinunod ko naman ang gusto niya, umakyat na ako sa pangalawang palapag ng bahay nila Kazuo kaso napagtanto kong hindi ko pala nakita kung pang ilang kwarto ang pinasukan nila. Ang damin pa namang pintuan at hindi ko naman sigurado alin talaga dito ang music room kaya nanatili akong nakatayo sa kinatatayuan ko.

Follow your heart, Celestine, alin sa mga pintuang ito?

Pinikit ko muna ang mga mata ko at huminga ng malalim bago ito buksan. Pakiramdam ko ito ang music room na 'yon. Iyung pintuan sa pinakadulo ng hallway dahil kulay itim ang pintuan nito at mukhang tinatambayan ng mga nagbabanda.

Nang pihitin ko ang busol ng pintuan, isang malaki na kwarto ang bumungad sa 'kin. Kulay itim ang pader nito at puro itim at gray lang rin ang kulay ng mga gamit doon. May computer table na mukhang sinadya pa para sa laki ng computer na nakapatong dito na halatang pang gaming talaga. Sa dalawang gilid ng malaking TV ay ang dalawang gitarang nakasabit na kulay itim at 'yung isa ay electric guitar naman.

Hindi ito ang music room. Kwarto ata ito ni Kazuo. Mapanlinlang ang puso, jusko. Music room ang hinahanap ko pero kwarto niya ang bumungad sa 'kin?

Isinara ko na uli ang pintuan sa kwarto niya at dahan-dahang naglakad papalayo rito. Napatalon ako sa gulat nang makita ko si Kazuo na nakahilig sa may pader ng hallway habang nakahalukipkip at nakatingin sa 'kin.

"What are you doing in my room, Miss?" He asked.

"Uh? I was lost... hindi ko alam saan 'yung music room niyo, sorry," mahinang sagot ko habang nakatingin sa sahig.

He giggled. "First door pag-akyat mo pa lang ng hagdan."

Bakit nga ba kasi sa dulong pintuan pa ko dinala ng mga paa ko? Sa gitnang pintuan lang pala! 'Yung unang pintuang bubungad sa 'yo pagakyat pa lang ng hagdan, jusmiyo!

Iniwan ko na lang siya doon at naglakad na papuntang music room kung saan inaayos na ni Drake ang gitara niya pati 'yong mga cables na kailangan namin gamitin.

Kulay itim rin ang kwartong ito pati ang mga sooundproof foam na nakadikit sa pader ay kulay itim rin, except the couch. The couch in this room is big—as in big talaga—kulay gray naman ito at grabe ang laki. Sigurado akong dito tumatambay si kuya pati na rin ang iba pang kaibigan ni Kazuo kaya pinalagyan niya ito ng malaking couch.

Bawat Daan (Puhon Series #1)Where stories live. Discover now