Chapter 19

66.6K 1.4K 259
                                    




Chapter 19
Lagnat


"Lolo!" nag takbuhan ang mga ito papalapit sa kama ni Tito Alex.

"Mga anak dahan dahan lang" paalala ko dahil hindi pa magaling si Tito Alex.

"It's ok Hija." sabi ni Tito sa akin at pinaupo sa kama niya ang tatlo.

Ibinigay ng mga bata ang bulaklak na binili nila kanina sa daan para daw sa Lolo nila.

"Ang aga niyo namang masyado anak baka pagod pa kayo" kinuha sa akin ni Mama ang dala kong pag kain at tsaka namin inihain yon sa maliit na lamesa.

"Hindi naman po Ma, Maaga ding nagising ang mga bata at nang sabihin kong papunta kami dito ay nag agad nag si paliguan ang tatlo" napatawa naman si mama ng sabihin ko iyon.

"Osiya tara na kumain na muna tayo mga apo" isa isang bumaba ng kama ang tatlong bata at umupo sa mahabang sofa.

Ipinag lagay ko sila ng kanin at ulam sa kaniya kaniyang plato. Marunong nanaman silang kumain mag isa kaya't hindi ko na sila sinusubuan pa.

"Nag enjoy ba kayo kahapon?" tanong ni Mama habang sinusuklay ng kamay ang buhok ni Kalil.

"Yes Lola. Sobrang dami pong rides kahapon" si Kalil.

"Opo tapos alam niyo po lola nanalo po si Kuya Kai sa isang game then nakuha niya po yung gusto kong malaking malaking teddy bear" imwinestra pa ni Kayla kung gaano kalaki ang teddy bear niya pero halos hindi na gaanong maintindihan ang sina sabi nito dahil puno ang bibig.

Kumuha ako ng tissue at pinunasan ang bibig nito.

"Anak diba sabi ni Mama don't talk when your mouth is full?" paalala ko sa kaniya.

"I'm sorry Mama" nginitian niya ako ng malaki at tsaka nag patuloy sa pag kain.

Nang matapos ang mga ito ay bumalik nanaman sila sa kama ni Tito Alex at nakipag kulitan doon.

Kalapit ko naman si Mama sa mahabang sofa na di naman kalayuan sa kama.

"Ayos ka lang ba? Parang kanina ko pa napapansing lagi kang tulala" tanong ni Mama sa akin.

Kanina ko pa iniisip ang triplets. Hangang ngayon ay hindi parin mawala sa isip ko ang pag kikita namin kahapon.

Nakita ni Callum ang mga bata.

"Ma...Kasi ho ano...n-nakita ko ho sila kahapon" pag kwekwento ko sa kaniya.

"Ang triplets?" nakataas kilay na tanong ni Mama.

"Oho,Nasa amusement park din ho sila kahapon at...nakita ho ni Callum ang mga bata. Ma anong gagawin ko? Hindi ko na ho alam pa ang gagawin" nanunubig ang matang tanong ko.

Hinawakan ni Mama ang kamay ko at hinaplos haplos.

"Ano bang gusto ng puso mo anak? Mahal mo parin ba talaga sila?"

Natigilan ako sa tanong ni Mama.

Mahal ko pa ba sila?

Sa tingin ko'y hindi naman nawala iyon.

Natatakot lang ako. Natatakot na baka masaktan nanaman ulit.

"Basta't sundin mo ang gusto ng puso mo anak. Kung talagang mahal mo pa sila bakit hindi mo subukang bigyan sila ng isa pang pag kakataon? May karapatan din naman silang makilala ang mga bata. Pero ikaw ang bahalang mag desisyson diyan anak" patuloy lang si Mama sa pag haplos ng mga kamay ko habang ako'y nakatingin sa kawalan at nag iisip.

Montemayor Series #1: The Triplets Obsession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon