Chapter 3

82.3K 1.7K 407
                                    




Chapter 3
Rayzel



Namomroblema ako ngayon dito sa guest room. Ngayon ko lang naalala na wala nga pala akong damit dahil ibinato ko ang bag ko.

"Hija?" boses ni Maam sa labas ng pintuan kaya agad ko itong binuksan.

"Maam?" tanong ko pag silip ko sa pinto.

"Eto" sabay abot sakin ng mga damit. "Yan muna ang gamitin mo ngayon habang hindi pa kayo nakakabili ng damit mo. Pag pasensyahan mo na yan at mga pinag liitan ko lang yan.Ibinilin ko sa mga anak ko na dalhin ka mamaya sa mall para ibili ng damit"

"Salamat po Maam" ngumiti ito at tsaka umalis.

Pag pasok ko tinignan ko ang damit na ibinigay niya sa akin.

Isang White polo blouse,skirt,underwear at sandals.

Pumasok ako sa baniyo para maligo.

"Grabe ang laki" sabi ko ng makita ang kabuuan ng baniyo.

Sobrang laki nito. May Shower at Bathtub? parang dati sa palabas lang ako nakakakita nito ah.

Binuksan ko ang glass door ng shower at pumasok doon.

"Ah!" daing ko ng bumagsak sa katawan ko ang mainit na tubig.

"Hala bakit ganito ang tubig sa kanila? Pinakulo ba to?" napakamot pa ako sa ulo ko at tsaka pinatay ang shower.

Nang bubuksan ko na ulit ito na pansin kong pupwede palang sa kabili iikot ito kaya doon ko siya pinihit.

"Ahhh ayun pala. Ang galing may pinakulong tubig at malamig" nakangiti ko pang pag kausap sa sarili ko ng malamig na tubig na ang bumuhos.

Itinuloy ko ang pag ligo at tsaka nag bihis pag ka tapos.

"Ang sikip" pilit ko inaayos ang polo blouse kong suot.

Maliit kasi ito sa akin kaya bumakat masyado ang mayayaman kong dibdib. Ang skirt naman ay saktong saktong lang sa akin pero maikli.

Hindi ako sanay sa mga ganitong suotin. Sanay akong naka malaking tshirt at mahabang shorts. Parang hindi ako makalakad masyado dahil dito sa skirt na ito.

"Hmm ok na nga to" umalis na ako sa pag kakaharap sa salamin ng baniyo at lumabas ng kwarto.

Pag baba ko ay mga katulong nalang ang nandon.

"Ate nakita niyo ho sila maam?"

"Ay jusko Arabella ikaw ba yan?" nagugulat na tanong ni Ate Isabelle,isa sa mga matagal ng katulog nila Gov.

"Oo naman ate." tumatawa kong sagot.

"Grabe hindi kita nakilala sa suot mo. Pero parang masyado atang maliit yang pang itaas mo" puna niya.

"Oo nga ate eh pinag liitan daw to ni maam pero ok lang naman maganda naman diba"

"Ay nako oo naman.Bagay na bagay sayo" pambobola pa nito "Tsaka nga pala sila maam at Gov nauna ng umalis at nag ka problema daw sa munisipyo. Ang triplets naman ay kanina ka pa inaantay sa labas"

"Ha? Hala teka mauna na ako ate. Nakakahiya pinag antay ko sila" dali dali kong sabi at tsaka lakad takbong lumabas ng pinto.

Parang tutulo ang laway ko ng makita ko ang mga ito na nakasandal sa kotse. Si Callum ay nasa hood ng kotse,Si Cullen ay nasa tabi nito habang umiihip ng sigarilyo at si Corey naman ay nag cecellphone habang naka sandal sa pinto ng passenger seat.

Montemayor Series #1: The Triplets Obsession Where stories live. Discover now