Chapter Twenty-Three

Start from the beginning
                                    

Narinig ko pa nga ang i-ilang tawag ng mga taga-rito kay Astrid habang abala kami sa pagbababa ng gamit. Ang ilan ay kinakausap niya habang 'yung iba naman ay hindi na nagbadyang lumapit pa sa kanya tuwing nahahagip ng paningin nila si Fourthsky na bitbit-bitbit ang mga bagahe ni Audrey.

Siguro nga ay sobrang maimpluwensiya ang pamilyang Ramirez kung kaya't hindi na sila nagabala pang lapitan si Astrid tuwing malapit siya kay Fourthsky o baka dahil hindi rin nila gaanong ka-close si Astrid at kakilala lang.

"Famous mo, teh," mapangasar na sabi ko habang sinasara ang pintuan ng van.

She smirked. "Kakilala lang ang iba roon, maliit lang din naman kasi itong bayan na 'to kaya magkakakilala talaga ang lahat."

Tumango-tango na lang ako bago sundan si Fourthsky at Audrey na naglalakad na papasok kina Astrid. Malaking itim na gate ang bumungad sa amin at nabigla rin ako sa laki ng bahay nila rito. Hindi pa naman ako nakakadalaw sa bahay nila sa Maynila pero hindi ko inaasahang ganito kalaki ang bahay nila rito.

"La! Andito na po kami!" Sigaw ni Astrid habang ibinababa ang kaniyang dala-dala sa upuan nila rito sa hardin ng kaniyang lola.

Malaki ang ngiti sa mukha ng lola ni Astrid. "Apo! Nako! Mabuti naman at naisipan mo'ng bumisita rito!" Masayang sabi ng kaniyang lola habang yakap-yakap siya nang mahigpit.

"Mga kaibigan ko po, La, sina Celestine, Audrey, Yuriko, Kazuo, Drake at si Fourthsky po," pagpapakilala ni Astrid sa amin.

"Mabuti naman at sinamahan ninyo ang apo ko umuwi rito!" Masayang sabi ng kaniyang lola. "Aba! Ito na ba ang kwinekwento ni ka-rudy? Ito baga ay anak ng mga Ramirez?"

Lahat kami ay napatingin bigla kay Fourthsky na napakamot na lang sa kaniyang ulo habang pilit na nginingitian si Lola.

"Opo, La, pasok na muna po tayo," sabi ni Astrid habang inaalalayan si Lola papasok ng kanilang bahay.

Isang mahaba at mukhang gawa sa matibay na kahoy ang kanilang lamesa rito kumpara sa amin na mukhang binili lang ng condo sa mall. Marami ring putahe na inihanda si lola para sa amin. Siya nga lang din ang halos nagsasalita, e. Lahat kasi kami ay panay tango at ngiti lang habang kumakain.

"You can't eat that, Tash," suway sa'kin ni Drake nang mahuli niya akong nakatitig sa Kare-Kareng hawak ni Kazuo na nakaupo sa harap ko.

"Konti lang naman, e," pangangatwiran ko.

Nagsalubong lang ang kaniyang kilay bago abutin ang lalagyan ng Kare-Kare kay Kazuo. Siya na ang naglagay ng Kare-Kare sa plato ko pero tulad na lamang nang inaasahan ko, kaonti lang talaga ang nilagay niya. Bilang na bilang ko nga kung ilang pirasong gulay iyon at kung gaano kaonti ang sabaw.

"Ikaw baga ay mahilig sa ganiyang ulam, Apo?" Nakangiting tanong sa akin ni Lola.

I forced a smile. "Ah, o-opo."

"Kung ganoon ay ba't hindi mo pa iyan damihan, Hijo?" Binaling ni Lola ang kaniyang atensiyon kay Drake na kakababa lang ng Kare-Kare sa lamesa. Lahat ng tingin nila ay napunta sa amin at halos mabilaukan pa ako dahil sa sarili kong laway nang mapagtantong na sa amin na nga talaga ang atensyon ng lahat.

"She's not allowed to eat Kare-Kare po kasi, La," pagpapaliwanag ni Drake.

Narinig ko namang bumulong si Audrey sa katabi niyang si Astrid. "She's allergic sa peanuts, Sis."

Namilog ang mata ni Astrid. "La, allergic po kasi sa peanuts si Celest."

"Ganoon ba?" Kumunot ang noo ni Lola. "Kaya ba kaonti lang ang inilagay mo sa kaniyang plato, Hiji?"

"Opo," tipid na sagot ni Drake na sinasalinan naman ng tubig ang baso ko.

Tumawa nang mahina si Lola. "Tunay nga namang masarap ang bawal," aniya.

Bawat Daan (Puhon Series #1)Where stories live. Discover now