CHAPTER FIVE

128 2 0
                                    



NAGDESISYON si Nikole na mag-celebrate dahil kahit paano nasimulan na niya ang plano. Magsisimula na siya sa susunod na linggo at tiyak na magiging madali na lang ang lahat kapag lagi silang nagkikita si Cross.

Tinungo niya ang isang kilalang bar sa syudad at taas noong naglakad. The ambience was nice, hindi gaanong maingay.

"A glass of Bloody Mary, please." aniya sa bartender.

"Yes, ma'am!" magiliw na wika ng lalaking bartender bago ito nagsimulang haluin ang naturang inumin.

Nilinga ng dalaga ang paligid. Pawang may mga sinabi sa buhay ang mga naroon habang marahang umiindak mula sa slow rock band na nagpe-perform sa stage. Ang iba naman ay mga grupo ng mga kabataan na nagsasaya.

Nikole heaved a sigh. Malaki ang potensyal na makakuha siya rito ng lalaking maaaring pumayag na maging miyembro ng kanyang harem. At a right price, of course. Wala naman siyang problema pagdating sa pera. Bukod sa pera ng daddy niya, marami rin siyang mga investments sa stock market at pati na rin savings galing sa mga high end paintings niya.

Ibinigay ng bartender ang inumin.

"Thanks," she lightly nodded. Malikot pa rin ang kanyang mga mata habang tinitingnan ang mga lalaking naayon sa kanyang panlasa. Lihim siyang napasimangot dahil halos lahat yata ng naroon ay mayroong kapareha at sweet sa isa't-isa.

Walang forever!

Ibinalik niya ang atensyon sa inumin at lumagok ng kaunti. Gumuhit sa kanyang lalamunan ang alcohol. Somehow it made her feel relaxed.

"Hi, miss! You're alone?" swabeng wika ng isang lalaki.

Awtomatikong umangat ang isang kilay ng dalaga, "Isn't obvious?"

"Whoa, I like your attitude." He winked.

Lalong nalukot ang mukha ni Nikole. But come to think of it, the man looked presentable. Mukhang alaga naman nito sa gym ang katawan at matangkad. Makinis ang mukha, it seemed he had some mixed ethnicity, singkit kasi ito at namumula ang kutis.

"I came here because you look sad." Muling tumingin ang lalaki at ngumiti. Sandaling itinuon nito ang atensyon sa bartender at nag-order ng inumin, "Two shots of Blow Job, please."

"Thanks, but I don't need a companion," mataray niyang wika.

"How about we spend this night... somewhere?" Tinungga nito ang alak at tiningnan siya mula ulo hanggang paa. Nag-angat uli ito ng tingin at napadako sa malulusog niyang dibdib na halos lumuwa na dahil sa suot niyang plunging neckline.

Akmang sasagutin sana niya ito nang pabalang pero bigla niyang naisip na baka puwede niya itong daanan sa matinong usapan. Mukha kasing tipsy na ito. Kung itsura lang din ang pagbabasehan, pasok ito sa kanyang criteria. Kaunting background check na lang ang gagawin niya.

She cleared her throat. "What you mean somewhere?"

Nahigit niya ang paghinga sa maaring sagot nito. Inaasahan na niyang kung saang private place ang sasabihin nito.

"Somewhere to catch some fresh air. This place is suffocating."

"A private place perhaps?"

Makahulugang ngumiti ang lalaki. "If that's what you prefer, it would be an honor."

Nikole giggled.

"No. I didn't come here to get laid." prangkang wika niya.

"Oh?" tila hindi kumbisidong anas ng lalaki. Muli itong tumungga ng alak mula sa bartender.

ETIQUETTETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon