I heard him chuckle so I creased my forehead and looked at him. "Is there something funny?" I asked him while looking at him.

"No, no, actually you got a point there, Alyanna. I am sorry for asking it..." tumayo na rin ito at tumingin sa akin. "I enjoyed talking to you," sabi nito sa akin.

Hindi naman ako nakapagsalita at nakatingin lang sa lalaki.

"See you around again?" he said before waving his hand and walked away from me.

Habang nakatingin sa lalaki ay napahinga naman ako ng malalim. I don't know what is happening to me and why I am affected like that.

I just met him, for Christ sake! Dapat yata ay tigilan ko na ang pang-aasar kina Cherinna dahil parang hindi na normal ang nararamdaman ko ngayon.

I just filled my lungs with air and walked towards the parking lot. Na-drain na rin ang battery ng cellphone ko at hindi ko naman din ugaling magdala ng sariling battery pack. Madalas na hinihiram ko lang ang kay Cherinna.

Nakita ko naman agad si Enzo na naglalakad papunta rin sa parking lot nang tawagin ko ito.

"Enzo!" malakas na sabi ko sa pangalan nito. Agad naman itong lumingon sa akin na kunot ang noo. Ngumiti ako sa kanya at tumakbo papalapit sa lalaki.

"Sabay na ako..." sabi ko sa kanya nang maabutan ko siya.

"Okay," tipid na sabi nito sa akin at hinayaan lang akong sabayan ang lakad nito. "I can charge my phone in your car, right? Na-dead batt kasi ako," sabi ko sa kanya habang naglalakad. Tumango lang ito sa akin.

"Nakapag-review ka na para sa exam?" tanong ko ulit sa kanya. Tumingin siya sa akin na para bang ipinagtataka nito ang tanong ko.

Napalabi ako at napairap. "Oo na, you don't have to do it."

"I didn't say that," he shrugged and opened his car for me.

"Yeah, yeah, whatever," sabi ko bago pumasok sa loob at isinaksak ang cellphone ko upang mag-charge ito. Gaya ng madalas na ginagawa ni Enzo, binuksan lang nito ang makina ng sasakyan nito upang mabuksan din ang airconditoner ng sasakyan nito.

Sumakay na rin ang lalaki at sumandal lang habang nakatingin sa labas. Nilingon ko naman ito. "Are you going somewhere? Sorry..." I bit my lower lip. "Uhm, can you just message Jahann instead? Para masundo niya na lang ako rito," sabi ko naman bago inalis ang cellphone ko sa pagkaka-charge at ibinalik iyon sa bag ko.

Maybe I'll just get a cab if he's not available.

"Thank you, Enzo!" I smiled at him and was about to open the door when he stopped me by holding my arm. Tinignan ko naman ang hawak niya sa akin at nilingon siya.

"Hmm? Why?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Wala akong sinabing aalis ako," sabi naman nito sa akin na nagbawi na ng kamay. "You can stay here, I am just resting, too," he added before turning his head away.

Pinagmasdan ko naman ito at nginitian ng maliit. "You promise it's okay?" I asked him again. Kung kay Keij ay kaya kong makipag-asaran, iba kasi kina Enzo, Kol at Jahann. Mga batang pinaglihi sa sama ng loob ang mga ito kaya naman napakahirap makipagbiruan sa mga ito o makipagkulitan.

Enzo can last a day without talking to any of us even if we are all together.

He cocked his head on the side and nodded his head. "I promise."

Tumango naman ako bago muling isinaksak sa charger ang phone ko. Sumandal lang din ako habang nagpapatugtog na naman si Enzo sa sasakyan nito. I have nothing against classical music but I am thanking the heavens that Enzo is playing some Coldplay songs again.

When I got enough battery, I immediately called Jahann to ask him to pick me up now.

"Hello, snob? Where are you?" I asked him while looking outside. Kumunot ang noo ko rito. "Ai's? Why? Wala ka namang schedule, ah?" tanong ko sa lalaki.

I sighed and leaned on my seat. "Yeah, I'm still here... magpapasundo sana ako, eh..." sabi ko nang alamin nito kung nasaan ako.

"I am with Enzo," sabi ko rito bago nilingon si Enzo na hindi naman kumikibo. "Why?" I rolled my eyes and looked at Enzo. "He wants to talk to you," sabi ko rito sabay abot ng phone ko sa kanya.

Kahit na nagtataka ay inabot naman ni Enzo iyon.

Nakatingin ako rito habang kausap si Jahann. Hindi naman ito masyadong sumasagot actually.

"Yeah, got it," Enzo said before ending the call. Tinitigan ko naman ito.

"What was that?" I said before charging my phone again.

"Are you hungry?" he asked me instead. Noon ko naramdaman ang pagkalam ng sikmura ko dahil hindi naman talaga ako nakakain ng lunch din kanina. Kumain ako sa bahay ng brunch dahil tanghali lang naman ang pasok ko ngayon at hindi na iyon nasundan maliban sa binigay ni Leo.

"Let's eat first, then, I will drive you home," he said before starting to drive. Hindi naman na rin ako tumanggi at isinuot ko na lang ang seatbelt ko.

Dinala naman ako ni Enzo sa isang restaurant at ito na rin ang umorder para sa aming dalawa. Marami ang tao roon kaya hindi naman nakakapagtaka na sa may malapit sa pader kami pumuwesto ni Enzo.

Hindi talaga ito sanay makihalubilo sa mga tao pero alam ko na kung si Enzo naman ang magmamana ng negosyo nila Tito Blue, magiging magaling talaga ito.

Enzo ordered kimchi fried rice, tomato soup and sweet potato fries. Hindi naman na ako nagdagdag dahil marami na iyon para sa aming dalawa.

"Why are you staring at me?" tanong nito nang marahil ay napansin na nakatitig ako sa kanya.

Umiling naman ako at itinukod pa ang siko sa mesa at sinalo ng palad ang baba. "I am just wondering, have you ever had a girlfriend?" tanong ko sa kanya. Mas lumalim naman ang kunot ng noo nito dahil sa tanong ko.

"Are you serious about your question?" he retorted.

I shrugged. "I am just curious since I think you won't bother telling us that," sabi ko naman bago uminom ng tubig. Iyon naman talaga ang palagay ko dahil kung may pagsasabihan si Enzo, ang kapatid at pinsan ko lang iyon.

"Why are you curious?" he asked me again, now he's staring at me. Ako naman ang nailang sa paraan nag pagtitig ni Enzo sa akin kaya nag-iwas ako ng tingin.

"Because... because I know that a lot of girls like you," sabi ko na lang sa kanya. Ito ang mahirap kapag kausap si Enzo, eh. Nawawalan na rin ako ng sasabihin dahil kung hindi sasagot ng mahaba, mambabara naman o kaya ay gigisahin ka.

"I don't like any of them," he shrugged.

Dumating na ang order namin kaya naman nahinto kaming dalawa sa pag-uusap. I just uttered a small thank you to the waiter and looked at the food.

I looked at Enzo who's still looking at me, I gave him a sweet smile. "Let's eat?" aya ko sa kanya bago tikman ang fries na naroon.

"Aren't you curious if I like someone?" pagpapatuloy nitong tanong sa akin. Natigilan naman ako sa pagkain habang hawak ko pa rin ang fries, tinignan ko siya.

Seryoso pa rin ang mukha niya habang nakatingin sa akin.

"Why? Do you like someone right now? Do I know her?" tanong ko sa lalaki.

He stared at me and smiled a little.

"That's for me to know and for me to find out," he replied and looked away.

Kumunot ang noo ko sa sinabi nito.

So may nagugustuhan na nga siya?

My Once In A LifetimeHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin