06

19.4K 730 142
                                        

This story has advanced chapters in Patreon.
You can also be a patron, visit my account.
patreon.com/vampiremims
You can use browser kapag hindi niyo po masearch ang account ko.

Subscription starts at 50 pesos per month.
Thank you!

☀️☀️☀️


Paulit-ulit naman ang naging routine namin nang malapit na mag-exam. Binawasan na rin muna namin ang paglabas pero kung nakakahanap kami ng either long weekend o kaya ay kapag gusto lang namin na magsama-sama, pinipilit namin na makapagbakasyon man lang kahit papaano para naman hindi kami ma-burnout sa pag-aaral.

Now that Cherinna is officially dating that Ian guy, kung minsan ay wala na akong makasama masyado. Maging si Lean din kasi ay hindi ko madalas mahagilap o kaya naman ay sinasabi nito na may gagawin ito. I am still teasing Jahann about Iris which pisses him off actually. Hindi ko naman tinatago ang kilig na nararamdaman ko kapag inaasar ko si Cherinna kay Ian dahil talaga namang bagay ang dalawang ito.

We usually just talk about them since all I can share is my work at Ai's and whenever we want to go shopping, but about my lovelife or anything? Wala. Wala naman din akong ikukwento sa mga ito.

Hindi ko na nga rin natanong si Lean tungkol kay Leo Saavedra na DJ sa Blue's Haven. Ilang araw ko ring inisip kung sino ba ang lalaking nakita ko noon sa may field at napagtanto ko na si Leo iyon.

Hindi ko naman na rin siya nakita ulit kaya hindi ko na binanggit sa mga pinsan ko at kaibigan ko.

Since I still have free time, I just walked towards the field to just do my projects there. May mga upuan naman doon at lamesa na pwedeng magamit para sa mga gustong maggawa ng assignment o kaya mag-snacks. Naisip kong magpunta sa library pero baka hindi pa nakaka-move on ang librarian sa naging pagtili ko noon kaya hindi na ako tumuloy. Isa pa, mas okay na rin naman doon dahil mahangin.

I placed my things on the table and sent a message to Cherinna in case she wants to go here and eat. Inilabas ko na rin mula sa bag ko ang binili na sketchpad ni Enzo. Nitong nakaraan ko lang ito nasimulang gamitin dahil na rin inuubos ko pa ang nakaraan na gamit ko.

I smiled when I found out that he made it personalized when I got home that day. Pinalagyan nito ng pangalan ko ang sketchpad na iyon kaya naman mas tumaba pa ang puso ko.

Naglabas na rin ako ng pencils na gagamitin ko at nagsimula na sa pagguhit. Nagsuot na rin ako ng earphone para makinig sa music habang may ginagawa. I just found it relaxing and of course, it makes me hyped up to do my thing more.

I was sitting there for almost twenty minutes when I saw someone occupy the vacant chair in front of me. Naglapag din ito ng iced coffee sa may gilid ko kaya naman nag-angat ako kaagad ng tingin.

Natigilan ako nang makita si Leo na nakatingin sa akin. He's wearing a black button down polo and he paired it with his beautiful smile. When I say it's a beautiful smile, it is a beautiful smile.

"Hi," he greeted me. "Long time no see," he added while still looking at me.

"Uhm... hi?" ngumiti ako ng alanganin dahil hindi ko naman talaga alam kung ano ba ang sasabihin sa lalaking ito. I mean, I actually don't know anything about him, I just know his name...

"Did I disturb you...? I'm sorry. I saw you alone and I thought I should say hi, and brought you iced coffee," muling sabi nito sa akin.

Umiling naman ako kaagad. "No, no. I'm just doing some things..." I shrugged and looked at my sketchpad. Maging ito naman ay tumingin doon at muling ngumiti sa akin. "That's actually good," papuri nito sa akin at hindi ko naman maintindihan kung bakit parang nag-init ang pisngi ko dahil sa sinabi nito.

My Once In A LifetimeWhere stories live. Discover now