12

17.4K 740 220
                                        

This story has advanced chapters in Patreon.
You can also be a patron, visit my account.
patreon.com/vampiremims

You can use browser kapag hindi niyo po masearch ang account ko.

Subscription starts at 50 pesos per month.
Thank you!

Comments are very much appreciated... ayaw niyo comment? :(

☀️☀️☀️

“Lean…” kinalabit ko si Lean habang naroon kami sa Sweet Desire. Somehow ay nagkakaroon na ng progress ang relasyon nito at ni Theon. Tinutulungan nila Jahann at Kol si Theon habang si Enzo naman ay nabawasan na rin ang galit at sa palagay ko ay mas naintindihan na rin nito ang sitwasyon ng kakambal nito.

Lumuingon naman siya sa akin. “I have a question,” I looked around to see if there were other customer near us. Nahihiya ako magtanong kay Lean pero hindi naman din kasi maalis sa isip ko ang bagay na ito simula nang nalaman namin na magkarelasyon silang dalawa.

Lalo pa at alam naman namin ang reputasyon ng pinsan ko.

Nakita ko si Cherinna na kunot na kunot din ang noo habang nakatingin sa akin. “What is it?” Lean asked me. I bit my lip and looked at her.

“Does it really hurt on the first time?” tanong ko sa kanya na halatang ikinagulat ng mga kasama ko sa lamesa. Well, I am curious and I should just ask her instead of googling it!

“Aly!” pinanlakihan niya ako ng mga mata na para bang napakalaking kasalana  na ang sagot sa tanong ko. I am just really curious! Of course, kapag si Keij at Theon ang tinanong ko na alam ko naman na parehong hindi na virgin, iba ang isasagot nila sa akin.

With Lean, I am quite sure she will answer me right.

I looked at her and shrugged. “What? I’m just asking since I know that you and Theon—“

“Alyanna!” hinampas naman ako ni Cherinna sa braso kaya napa-aray ako at hinawakan ang braso ko. Tinignan ko naman siya at sinimangutan. “What? I’m curious! And, twin, that’s Theon. Imposibleng wala pang nangyayari kaya sa kanilang dalawa…” nakasimangot kong sabi bago tumingin kay Lean. “Diba, Lean?”

I frowned at Cherinna while rubbing my arm. Maging si Ate Caryl naman ay nagtanong kay Lean.

“You shouldn’t ask her that, Alyanna,” sabi ni Cherinna sa akin. I rolled my eyes. Well, again, I was curious. Iba naman talaga ang mababasa sa books, mapapanuod at mararanasan. Lean experienced it.

Maybe I was nosy, but, heck, I was curious.

Hindi rin naman nasagot ang tanong ko dahil ayaw rin ni Lean magsalita. Hindi ko na lang din pinilit dahil baka nga masyadong personal ang tanong ko rito. I made a mental note to say sorry to Lean if ever I offended her with my question.

Dumating na rin naman ang mga pinsan ko at si Enzo bago pa man magtanghali. Umupo ito at sumandal. Napansin ko na parang pagod ito kaya naman hindi ko na lang din kinausap.

Ang mga pinsan ko naman ang kinausap ko na lang dahil may pinapasabi raw si Theon kay Lean. In all fairness to Keij, he’s really supportive. Sila yata talaga ni Theon ang magkapatid, e. Sila talagang dalawa ang mas naging close dahil pareho silang madaldal at makulit. Kaming tatlo ang madalas na maingay kapag magkakasama kaming lahat.

My Once In A LifetimeWhere stories live. Discover now