I am used to compliments, but why are his compliments making me blush?

"Thank you..." mahinang sabi ko naman bago muling nagyuko. Goodness, I want to strangle myself for being like this. I never acted like this to anyone, but why in front of him?

Hindi naman ito nagsalitang muli at hindi ko rin alam kung ano ba ang sasabihin dito kaya hindi na lang din muna ako nagsalita at ipinagpatuloy ko na lang ang ginagawa ko. Muli akong na-focus sa project ko at hindi ko na napansin na pinanunuod lang ako ni Leo sa ginagawa ko.

Nang matapos ako at mag-inat ay nakita kong titig na titig sa akin ang lalaki. Ngumiti siyang muli at marahang tinapik ang ulo ko. "Good work," muling papuri niya sa akin. Napaiwas naman ako ng ulo dito.

He looked at me and smiled a little. "I'm sorry, did I cross the line early?" he asked me.

I cleared my throat and looked at him. Marahan ko ring iniling ang ulo ko habang nakatingin sa kanya. "No, uhm... hindi lang ako sanay..." pag-amin ko naman dito. Ibinalik ko na lang sa loob ng bag ko ang gamit ko at tinignan ang lalaki.

"Are you also a student here?" tanong ko sa lalaki. Ngumiti naman siya sa akin at tumango. Ipinakita rin nito sa akin ang ID nito.

Elizeo Lucian Saavedra.

"IT?" I asked him again. Muli naman itong tumango sa akin. Well, maybe that's the reason why I don't usually see him. Hindi naman ako nakakarating sa building ng mga ito.

"And you're also a DJ?" I asked him again since I know I saw him at Blue's Haven before. He chuckled and damn, it made him look hot. I don't know why, but damn.

"Yeah, sometimes. I usually do it just for fun, my friend is a regular there, he's just asking me to join him every now and then," he replied. Tumango-tango ako. So, that means hindi siya palaging naroon.

Well, I know working and studying is hard. Ako nga na hindi naman talaga kailangan magtrabaho at ako lang ang namimilit maging model sa Ai's ay napapagod, paano pa kaya ang ibang tao? Kaya hindi ko rin hinahayaan na mawalan ako ng allowance at gumigising na ako ng mas maaga kaysa dati.

"You don't go there the past weeks, right?" he asked me again. I sipped on the iced coffee he gave me and it tasted good. Tumango ako sa kanya bilang sagot. Kapag nagka-cramming kami sa school at malapit na ang exam week, hindi ako pwedeng magpunta sa Blue's Haven. Tito Blue is actually banning us from there. Nalaman lang namin iyon nang nagpunta sina Theon doon noong nakaraan.

"Exams," tipid na dagdag ko pa na tila naman naintindihan nito.

Marami na rin ang naglalakd palabas ng school dahil may mga natapos ng klase ngayong hapon. Hihintayin ko na lang ang mga kasama ko para makauwi na rin ako dahil wala akong dalang sasakyan ngayon.

"Alyanna," he said my name in a sweet way. Well, I actually don't know if that was sweet or I was just imagining things.

I looked at him. "Yes?" tinignan ko ang mga mata nito na parang nangungusap sa akin. May kakaiba sa paraan ng pagtitig nito sa akin na nagiging dahilan kung bakit bumibilis ang tibok ng puso ko.

Is this even normal? I just met him!

Itinukod nito ang siko sa may lamesa at kinamot ang kilay habang nangingiti. "I know this may sound weird, but... I want to ask if it's possible to have your number so I can call you?" tanong nito sa akin habang nakatingin.

Huminga ako ng malalim at tumikhim.

"Uhm, Leo, thank you for the iced coffee, but, I am sorry... I don't usually give my phone number to someone I just met..." I said before I collected my things.

My Once In A LifetimeWhere stories live. Discover now