Chapter 35: You Again

ابدأ من البداية
                                    

"Mataas naman ako. Sa totoo lang nagulat nga ako dahil inaasahan ko na mababa ako sa kanya considering yung treatment niya sakin sa klase" pa consuelo ko na lang yung huling linyang sinabi ko. I should not feel guilty na mataas ang mga grades ko but then hindi ko naman alam kung paano magre react dito kay Alice na parang pinagsakluban ng langit at lupa

Nag pout lang si Alice at nagulat pa pagkakita kay Derick.

"Wow the mighty Derick Lusterio is standing in my front na parang ordinaryong tao lang. Ikaw ha! Nabasa ko yung tungkol sa inyo ni Cathy Hontiveros! How true that the of you are dating gayong girlfriend mo tong si Erica?" tanong niya na nakataas ang kilay

Natawa si Derick at napailing na lang. Obvious na hindi komportableng pag usapan yun lalo na nandito ako "Do not easily believe things on internet, for not all of them is real"

"Reliable source ang CelebrityBoo! Yung mga pinopost nilang news specifically sa mga nagd date na celebrities is sometimes a hundred and one percent true! Anyway, nakita mo na ba si Hannah? She's really mad you know! See, kasama siya mga bashers ni Cathy Hontiveros so she's not happy knowing na nali link ka dun"

The idea na ang classmate mo is fan ng boyfriend mo is totally an awkward joke. Hindi kami ganun ka close ni Hannah pero nai imagine ko yung reaksyon niya gaya nang sinasabi nito ni Alice. And wait, may mga bashers si Cathy? Huh ma search nga mamaya at makasali!

Sa bilis ng mga pangyayari hindi ko man lang na realize na may mga babae na lumapit samin and asking for Derick's photograph

"Im your fan, pwede ba pa picture?"

"I love you Derick!"

"Pa picture naman please!"

Hindi ko alam kung gaano sila kadami but they're enough to overpower us. Hahawakan sana ako ni Derick pero may babaeng bigla na lang sumulpot sa gitna namin kaya hindi niya yun nagawa. Hanggang sa mas dumami na yung mga lumapit sa kanya. Natulak pa nga ako na kung hindi ako nasalo ni Alice madadapa ako face first sa sahig.

"Umalis na muna tayo dito Erica, baka madurog tayo" magpoprotesta pa sana ako dahil ayokong iwan si Derick pero walang choice. Kung magtatagal pa kami dito baka nga madaganan kami.

Sabay na kaming nagpa verify ng ID ni Alice tapos binalikan si Derick. But this time mas madami na ang nakapaligid sa kanya kaya malabong malapitan siya.

"Itext mo na lang siya na pupunta tayo sa building natin" suggestion ni Alice na sinunod ko naman. Nararamdaman ko din kasi na hindi maganda kung nasa isang lugar kami ni Derick.

Nagpunta kami sa builiding namin kung saan madaming tao. May mga nakita akong familiar faces habang yung iba naman maybe transferees galing sa ibang school.

"Erica!" may sumigaw from somewhere at nang hanapin ko nakita ko si Hannah na papalapit samin na kumakaway. Nagulat ako nang makita ko yung T Shirt niya na ang design mukha ni Derick

Pagkalapit yumakap siya sakin kaagad "Totoo bang nandyan si Derick?" excited na tanong niya sakin

"Uhm oo nasa kabilang building. Ang dami ngang nagpapa picture sa kanya"

"Ganun? Sige see you later punta muna ako doon!" bago pa kami makapagreact ni Alice nakatakbo na siya palayo samin.

"Oh my Erica.. Hindi ko alam kung maiinggit ba ako sayo o maaawa. Ano bang pakiramdam na boyfriend mo ang isang idol?"

"Naku wag mo na tanungin. Stressful" naiiling na sabi ko at ginaya si Alice na umupo sa isa mga study tables na nandito sa lobby ng bulding namin kung saan pwede kami tumambay. May nakaupo pang babae katapat namin pero tulog naman

"Err, why?" naguguluhang tanong ni Alice na halatang hindi inaasahan yung sinabi ko

Huminga muna ako ng malalim at nag isip kung dapat ko bang i share kay Alice ang nararamdaman ko. Pero wala naman akong nakikitang masama

"Nakakainis kasi yung minsan na wala na siyang time sakin. Though naiintindihan ko naman syempre busy. But you know.. Yung news about sa kanila ni Cathy is breaking me. Kahit na sinabi niyang scripted lang yun still nasaktan pa din ako"

Kumunot ang noo niya at inilapit ang mukha sakin "Come again? Anong scripted?"

"Yung date nila ni Cathy. Wag ka na lang maingay na sinabi ko sayo pero sinadya daw talaga nila ang rumors na yun para mapagtakpan yung scandal nung co talent nila"

"You mean, Emilyn Tejada?"

"Oo yun nga"

"Tss.. I've been hearing things like that na commonly nangyayari sa showbiz industry but I never knew they're real. Oh Erica, it must be hard for you"

"Wala naman akong magagawa di ba?" hopeless kong tanong

"Anong wala? Meron! You know, a relationship is headed by girls, decisions are made by guys but choices are given by girls. Wag kang manahimik lang dyan tapos darating ang isang araw na sasabog ka na lang. Alam ba ni Derick na ganyan ang nararamdaman mo?"

"Oo. Nakapag usap naman na kami. It's just, hindi lang mawala sa isip ko.."

Napailing si Alice na parang awang awa talaga sa sitwasyon ko ngayon "I know this is unfair but then di ba pinayagan mo siya na pasukin ang pagkanta? Erica, kailangan mong laliman ang pag unawa. We both know what showbiz is like. Hindi maiiwasan na may mga babae na ili link talaga kay Derick especially na hindi niya ina acknowledge ang civil status niya. Fans will think syempre na single siya and there's no harm na i partner siya kung kanino. Sabi nga sakin ni Hannah minsan natutukso na siyang sabihin doon sa fans club nila na may gilrfriend si Derick eh"

Nanahimik na lang ako dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Napatingin ako sa kanya nang tumunog ang phone niya

"Ma naman kita mong nasa school ako!" salubong niya doon sa tumawag "Oo sige na pupunta na!"

"Erica, sorry kailangan kong puntahan si mama sa baba. Iwan muna kita ha?" humalik siya sa pisngi ko pagtapos ay nagtatatakbo na.

Babalikan ko na lang si Derick. By this time wala naman na nagpa picture sa kanya siguro noh? Kinuha ko na lang yung cellphone ko para tingnan kung nagreply na siya. Then suddenly I dropped my phone dahil may nabangga ako

"Sorry" hindi ko makita ang mukha niya dahil nakasuot siya ng mask na parang isinusuot sa ospital pero kulay itim yung kanya at mas stylish. Mabilis siyang yumuko at kinuha yung cellphone ko. Hindi ko maiwas ang tingin ko sa kanya dahil pakiramdam ko kilala ko siya

"Nice meeting you again, Erica" sabi niya pagkaabot sakin nung phone ko. "Tumingin ka palagi sa dinadaanan mo kapag naglalakad"

Iniwan niya na ako pero nakasunod pa din ang tingin ko sa kanya. Nung pag aralan ko ang tindig at lakad niya it finally hit me. Si Minho ang lalaking yun.

But wait, anong ginagawa niya dito sa educ building?

The Wicked Liar 2: The Lying Game [PUBLISHED BY POP FICTION]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن