"And I am guessing na masaya ka? Siguro nga ngayon hinihiling mo na na matuluyan siya para makasama mo na yung babae mo" nakangising sagot ko

Nanigas ako pagkakita sa reaksyon ni papa. I've never seen him angry like this. Namumula ang mukha niya at nanginginig siya. Natatakot ako na gusto kong magsorry but then dumapo sa mukha ko ang palad niya.

"Wag mo akong kausapin sa tono na parang alam mo na ang lahat, Erica! Alam ng Diyos na hindi ko gustong dumating ang mama mo sa ganun sitwasyon!" nanggagalaiting sabi niya habang nakaduro pa sakin. Hawak hawak ko lang yung pisngi ko na sinampal niya. Nag iinit yun at nararamdaman ko na parang nandun pa din ang kamay niya.

Instantly Derick came to my side at niyakap ko. As if shielding me from another assault na manggagaling kay papa but it didnt came.

Ipinikit ko ang mga mata ko at pilit pinipigilan yung mga luha na nagbabadya na tumulo. But then I am not that strong enough para gawin yun. With what's left in my pride hinarap ko si papa at pinanatag ang sarili ko.

"Oh yeah! Oo, hindi ko talaga alam ang lahat! Ni hindi ko nga alam na lumalala na si mama kung hindi ko lang sila mabubuking! Sige ngayon ipamukha mo pa sakin yung mga bagay na hindi ko alam!"

Hindi na siya sumagot. Hindi ko alam kung ilang minuto ba o oras ang lumipas na nakatingin lang kami sa isa't isa. Kahit na humihikbi na ako at medyo nahihirapan huminga, hindi ko inaalis ang mga mata ko sa kanya.

Siya ang naunang nag iwas ng tingin at tumalikod na. Nung nasa pintuan na siya huminto siya at lumingon sakin. At kung hindi ako dinadaya ng paningin ko well, he's crying too.

"Gusto ko lang malaman mo na minahal ko din ang mama mo sa paraan na alam ko" yun lang at lumabas na siya

I was left dumbfounded sa mga narinig ko. Ano ang ibig sabihin nun? Ano ba talaga ang nangyayari? Parang habang tumatagal the situation is becoming darker. May mga nakaraan ba ang magulang ko na hindi ko alam? Yung kwento nila na madalas ikwento sakin ni mama nun may pagkakataon kaya na hindi totoo?

"Babe, tahan na.." yakap yakap ako ni Derick at pinupunasan ng panyo ang mukha ko. Wala akong ginawa kung di isubsob ang mukha ko sa leeg niya at umiyak nang umiyak. Dahil ito na lang ang magagawa ko sa ngayon.

It took us another hour again para umayos na ang lahat. Kahit hindi ako marunong mag make up sinikap ko na medyo kapalan ang paglalagay nun sa mukha ko para matakpan yung mapula sa pisngi ko dulot ng sampal ni papa. Habang nasa sasakyan tahimik lang kaming dalawa na ipinagpapasalamat ko.

Hindi pa man kami nakakalabas ni Derick ng sasakyan alam kong marami ng nag aanticipate ng presence namin katunayan yung mag estudyante na hindi mapagkakailang kilala tong sasakyan ni Derick. Naunang bumaba si Derick sa sasakyan at pinagbuksan ako ng pintuan. We walked hand in hand na natatakot nga ako na baka may mag picture na naman samin. Sasabihin ko na sana sa kanya yun but the look on his face forbidded me. Kaya naglakad na lang kami dire diretso papunta ng main building.

"Erica!" napalingon ako sa tumawag sakin. Kaaakyat lang namin ni Derick dito sa third floor para ipa verify sa registrar ang mga ID namin when I saw Alice running towards me

"Hi, Lice" nakangiti kong salubong sa kanya sabay yakap.

"Have you seen your grades kay Ma'am V? Oh Erica, I barely passed! Halos kalahati sa mga klase natin katulad ko din na sabit lang ang grade. Ikaw ano ba nakuha mo sa kanya?"

Hindi ko alam kung magandang idea ba kung sasabihin ko na mataas ang nakuha ko dahil pakiramdam ko ang awkward. Pero hindi naman sensible kung magsisinungaling ako.

The Wicked Liar 2: The Lying Game [PUBLISHED BY POP FICTION]Where stories live. Discover now