Prologo

296 17 2
                                        

Sa ilalim ng nagliliwanag na bilog na buwan, hating gabi ng yaong araw lahat ng mga aswang ay nagbubunyi sapagkat nagapi na nila ang taong balakid sa kanila.

"Ano Albularyo? Kaya mo pang lumaban?" tanong ng isang aswang habang nakangiti ng malawak, kulang nalang mapunit ang bibig nito kung saan nakausli ang mga ngitin nitong matatalas na mahahalintulad sa isang aso. Ang buong katawan nito'y puno na ng langis at itim na likidong nakabalot sa kanya, halos matakpan na rin ng mga balahibo ang buong mukha patungo sa kanyang mga braso at dibdib.

"Ngayon matiktikman mo ang kamatayang hanggang sa kabilang buhay at maaalala mo parin!". Dugtong pa nito at kasabay nito ang paghahalakhak ng malakas, kaya humahalakhak narin ang kasama nitong pumapaikot sa Albularyong nakadapa sa lupa, halos makita na dito ang likurang buto resulta ng mga kalmot sa sobrang pakikipaglaban nito sa mga aswang.

"Ha..hahaha!". Mahinang tawa ng albularyo na para bang nasisiyahan pa ito. Natigilan naman bigla ang aswang ng makita nito ang pagtawa ng Albularyo. Pinilit paring magsalita ng matandan kahit na nahihirapan na ito, lumalabas na kasi ang ilang dugo sa bibig nito.

"Mag-sa-ya kayo han--ggat sa gu--sto ninyo..Nara-ram-daman kong.... papalapit na siya, ang  isang makapangyarihang nilalang na nagmula sa isang tribong kilalugdan ng isang nakapangyarihang diwata!". Pilit na bigkas ng matandang albularyo sabay taas ng tingin, at tiningnan nito ang pinuno ng mga aswang na may nagbabanta sa mga mata.

"Hahahah! Ang tinakda ba sinasabi mo?". Tanong ng pinuno ng mga aswang. "Matanda matagal ng patay ang batang itinakda ng buwan at araw". Sagot naman nito sa Albularyo na may mukhang nang-iinsulto. Biglang tumawa ng mahina ang matandang albularyo, tama lamang ang tawa nitong marinig ng lahat. Kaya muling umangil ang mga aswang dahil parang nainsulto ang mga ito.

"Hahaha, Alam kong hindi kayo mangmang na mga nilalang, sapagkat ang tinutukoy ko'y Taliwas sa taong sinasabi ninyo...Sapagkat sa sandaling ito nararamdaman ko na malakas nitong prisensya!". Aniya ng matandang albularyo.

"Kung iniisip ninyo napatay na ninyo ang itinakda pwes! Ang nilalang na ito ay lubhang panganib din!". Wika pa ng Albularyo, hanggang may inilabas ito ng anong bagay sa kanyang bulsa.

Biglang nagsibulasan naman ang mga Aswang nang masilayan nila ang maliit na boteng hawak ng matandang lalaking Albularyo. Biglang sumabog ang hawak na bote ng matanda at lima sa hanay ng mga aswang ang hindi nakaligtas  sa pagsabog.

"Supremo maniniwala ba kayo sa tinuran Albularyong yun?". Tanong ng isang aswang.

"Sa tingin mo maniniwala ako dun---".

Biglang natigilan ang supremo sa pagsasalita ng biglang nagpakita ang isang nakakatandang aswang sa kanilang hanay. Napakaputi ang kulubot nitong balat, halos sa edad nito parang hindi na ito nakakalakad ngunit sa estado nito kahit na pakurba na ang likod ay matulin parin ito sa paghakbang.

"Hindi dapat balewalain ang bigkas ng huling kamatayan, sapagkat ang nagbitaw nito ay hindi ordinaryong tao!". Wika ng matandang aswang.

"Supremo..Alam naman nating wala ni isa sa mga lakan ang nakapatay sa Itinakda, at yung sinabi ng matandang yun tungkol sa paparating na malakas na nilalang na nagmula sa isang tribong kinalugdan ng isang makapangyarihan diwata, ay hindi dapat nating baliwalain ang babalang iyon". Dugtong pa ng matandang aswang.

"Bakit tayo matatakot?..Marami na tayong napatay ng manggagamot ngayon ngang nakaya  nating patayin si Istoy!". Sabat ng supremo sabay tingin sa nasunog na katawan ng lalaking Albularyon.

"Ipapakita natin sa mga lakan na karapatdapat tayo mabilang sa hanay niya". Aniya pa ng supremo. "Kung sino man yang nilalang na yan, mapapatay ko siya sa aking mga kamay". Seryosong sambit ng Supremo at mabilis nagpalabas ng nakakatakot na alulong sa gabing yaon.

"Uunahan natin ang iba pang mga aswang sa pagpatay sa nilalang na'yun!". Huling wika ng supremo.

Hanggang nagdesisyon na ang mga ito na lumisan at iwanan ang mga katawang nasunog.

"Aswang Chronicles" BABAYLAN  "Ang Unang lakan" (on-hold)Stories to obsess over. Discover now