“Oh sahreh.” sabi ni Ay-Ay at nilampasan na ang babae.

Sahreh? Ano daw? Sorry ba yun? Napakamot ako ng ulo, kung ano anong lumalabas sa bibig nitong bakla na ito.

Napatingin ako sa babaeng nabangga ni Ay-Ay, nakatayo na siya at hindi ko alam kung bakit sigaw siya ng sigaw.

“Omg! Ikwekwento ko ito sa mga beh ko!” sigaw niya at tumakbo bigla.

Anong nangyari dun? Nabangga na nga siya pero parang ang saya saya niya ah. Umiling iling na lang ako at naglakad na. Hinanap ko si Ay-Ay pero wala na siya. Pumunta na lang ako sa building namin. Grabi naman, bakit ang laki ng university na ito? First-time!

Kumatok ako ng makarating ako sa pinto ng class ko. Bumungad sa akin ang isang babaeng nakasalamin na nakapamewang habang nakatingin sa akin. Ngumiti naman ako.

“You are late.” seryosong sabi nito.

“No, ma’am. I am Miracle Camino.” nakangiting sabi ko.

Rinig ko naman ang tawanan ng mga kaklase ko. Napakamot ako ng ulo, anong nakakatawa? Nakakatawa ba ang pangalan ko?

“Stupid.” rinig kung sabi ni ma’am, “Why are you late?” tanong pa niya ulit.

Napasimangot ako. Ano ba yan! Professor ba talaga 'to si Ma’am?

“Kasi late po.”

Again, narinig ko na naman ang tawanan nila. Habang si Ma’am ay hindi maipinta ang mukha na nakatingin sa akin.

“My ghad. Sit Down!” sigaw nito.

Naglakad ako sa vacant seat dito. Katakot naman ng professor namin. So, ang kinuha kung course ay Bachelor of Science.

Nakinig na lang ako sa mga tinuturo ng mga professors namin hanggang sa mga break time na. Inayos ko ang gamit ko at lumabas na.

Namangha pa ako sa pagpasok ko sa cafeteria dito. Ang laki at ang lawak naman dito tapos marami pang mga estudyante na nandito.

Bumili ako ng spaghetti at pizza. Uupo na sana ako ng biglang nahagip ng mata ko si Ay-Ay na mag isang nakaupo at kumakain. Napangiti ako at tumabi sa kanya.

Napaangat siya ng tingin sa akin at kumaway naman ako sa kanya.

“Pwede makisabay?” sabi ko

“Hindi, umalis ka germs.”

Napatigil ako sa pagkain at nakasimangot ko siyang tiningnan.

“Sino kaya ang germs sa ating dalawa?” tumaas ang kilay ko pero sabay, hindi ko kaya ang isa eh.

Nag salubong ang kilay niya. Ano ba yan! Kahit ganyan ang itsura niya ay ang gwapo niya pa rin.

“So, sinasabi mong germs din ako?” tanong niya.

Nameywang ako kahit nakaupo.

“Yes, mas germs ka! Kalalaki mong tao naging binabae germs ka!” tiningnan ko siya ng matalim.

May ibinulong siya pero hindi ko narinig. Bulong nga diba? Alangan namang marinig ko yun. Nagulat na lang ako ng tumayo siya at naglakad paalis.

“Hoy baklang germs! Yung food mo!” sigaw ko sa kanya pero hindi man lang siya lumingon o huminto.

Napatingin sa akin ang mga estudyante dito at nagbulungan na naman. Kinain ko na lang ang pagkain ko at yung pagkain na tira ni Ay-Ay. Pagkatapos kung kumain ay naglibot libot muna ako sa campus dahil wala daw kaming prof ngayon.

“Sigurado ka ba talaga na papakasalan mo yung si Ay-Ay, Miracle?” pagkakausap ko sa sarili ko.

Napaka sungit naman kasi yang si Ay-Ay eh. Paano na lang kung ibalibag niya ako sa magiging bahay namin noe? Tapos, paano na lang kung pahirapan ako niyun? Hayst, pero wala naman akong magagawa dahil ipinanganak akong masunurin na bata sa mga magulang.

My Husband is GayWhere stories live. Discover now