Chapter 21: Running away

Start from the beginning
                                    

----------

Isang kweba ang nakita ko, doon ako nagtago. Dito na lang siguro ako magpapalipas ng gabi, hindi ko naimagine na biglang lalaki ang problema. Noong una iniisip ko ang prinsipe ang papatay sa akin, tapos ngayon si Steven na pala. To think noong una siya ang gusto ko, akala ko mabait siya sa akin, na totoo lahat ng ipinapikita niya. Traydor pala siya sa huli, tama nga sila, marami ang namamatay sa maling akala. Heto ako ngayon, mamamatay sa maling akala.

At kapag minamalas ka nga naman, biglang lakas pa ng ulan. Konting lamig pa pakiramdam ko mahihimatay na ako, konti na lang bibigay na ang katawan ko.

"Unti-uti ng bumabalik ang alaala mo, " sabi ng matandang pangisingisi lang sa gilid at walang ginagawa para matulungan ako.

"Alam ko, may problema ba doon? " tanong ko.

"Hindi mo ba naaalala ang sinabi ko sa iyo noon? " tanong niya, hindi ako sumagot. Syempre naaalala ko pa, papaano ko naman iyon makakalimutan.

"Dahil unti-unti mo ng naaalala ang lahat ay unti-unti mo na ring makakalimutan ang dati mong buhay, maging ang mga pag-uusap natin. Maaari mo iyong maalala pero bilang isang panaginip na lang at hindi isang katotohanan, " paliwanag niya.

"Maging ikaw makakalimutan ko na rin? " tanong ko. Tumango naman ito, hindi ko alam pero bigla akong nalungkot. Nakakainis man siyang kausap malaki parin ang tulong niya sa akin.

"Huwag kang masyadong malungkot, andito lang naman ako palagi. Para sa mga kagaya niyon naliligaw ng landas, " natatawa niyang sabi.

"Hindi naman sa ganoon, nakakapanibago lang, " sagot ko.

"Hindi ka maninibago kung hindi mo naman ako maaalala, " nakangising sabi niya. Napabuntong-hininga ako at tumango, tama naman siya.

"Ito na talaga ang huli nating pagkikita, " ngumiti ito sa akin.

"Pumunta ka dito para magpaalam? " tanong ko, nakaramdam naman ako ng lungkot.

Tumango ito, " Hanggang dito na lang Ava, paalam. At alam mo naniniwala ako na mas mahaba ang buhay mo ngayon, at mas magiging masaya ka. Sana sa pagkakataong ito mas bigyan mo ng halaga ang buhay mo. Maging masaya ka at huwag mong kakalimutang lumaban. Paalam, " sabi nito at tuluyan ng naglaho.

"Paalam, " mahina kong sabi.

Ito na talaga ang huli naming pagkikita at iyon na rin siguro ang huling beses na maririnig ko ang dati kong pangalan. Huling beses, ang weird pala ng pakiramdam.

Naiwan ako sa kwebang mag-isa, lalo ko tuloy na-miss ang maingay na matandang iyon.

Napapikit ako, gusto na talagang magpahinga ng katawan ko. Pero mali naman atang matulog kapag may taong gustong pumatay sa iyo, baka hindi pa ako magising niyan.

Isang yapak ang narinig ko, bigla akong kinabahan.

"Andito ka lang pala, " walang emosyong sabi nito, hindi ako nakapag-salita.

Tumingin lang ako dito, para akong lalamunin ng buhay nito.

"Akala mo ba makakatakas ka sa akin, " may galit sa tono ng pananalita niya.

Hinila niya bigla ang aking kamay, sinubukan kong magpumiglas pero wala akong nagawa. Mas malakas at mas malaki siya kesa sa akin. At dahil sa nangyari kanina sigurado ako na hindi na niya iaalis ang tingin sa akin. Baka igapos niya pa ako.

"Don't kill me, " sabi ko na lang.

"Wala akong balak patayin ka, " walang emosyong sabi niya.
"Kung ganoon hayaan mo na lang ako, " pakiusap ko.

"Hayaan? Para bumalik ka kay Thoren ? Hindi ko gagawin iyon, dahil akin ka lang, " sabi niya ay mas hinigpitan ang hawak sa akin.

"Anong ibig mong sabihin? " tanong ko.

"Inagaw na niya sa akin ang lahat, hindi ko hahayaang maging ikaw ay maaagaw niya, " sagot nito.

Napabuntong hininga ako. Tama si Tandang Nagit, kailangan kong lumaban at dapat kong pahalagan ang buhay ko. Kailangan kong makatakas sa kanya pero dapat mag-isip ako ng plano.

Sa pagkakataong ito, mag-isa lang ako kaya dapat huwag akong umasa na may magliligtas sa akin. Pang female lead lang ang ganon, Villainess ako kaya dapat palaban ako.

"Ano bang balak mo sa akin? " tanong ko.

Hindi naman ito nagsalita, sumakay lang kami sa isang karwahe. Gusto ko sanang tumingin sa bintana pero baka magalit itong kasama ko at mapatay ako ng wala sa oras.

"Huwag kang mag-alala, walang mangyayaring masama sa iyo, " bigla siyang nagsalita.

"Sinasabi mo iyan pero hindi mo naman sinasabi sa akin kung anong balak mong gawin sa akin, " sabi ko naman, sinamaan niya lang ako ng tingin.

"Gusto mo ba talagang malaman ang mangyayari? " tanong niya, tumango naman ako.

"Ikakasal tayo, Aveonna. Nakahanda na ang lahat, ikaw na lang hinihintay, " nakangiting sabi niya.

"What?!" napatakip ako ng bibig sa sobrang gulat. Okay change of plan, medyo delulu na ata itong lalaking ito. Tatalon na lang kaya ako sa karwaheng ito.

Madilim na ang tinatahak naming lugar, magandang pagkakataon ito para makatakas.

Isa. Dalawa. Tatlo.

"Aveonna! " narinig kong sigaw niya nang tumalon alon.

Alam kong kakasabi lang ni Tandang Nagit na dapat kong pahalagan ang buhay ko, sabihin na lang natin na pinapahalagahan ko ang buhay ko kaya ko ito ginagawa.

Nagpagulong-gulong ako, bangin pa ang hinulugan ko. Sana hindi ako makita ng baliw na iyon.

Hindi ako tumayo, gumapang ako para hindi niya ako makita.

Hindi ako sigurado kung sinundan niya ako o kung hinayaan niya na lang akong mahulog sa bangin, wala akog balak alamin. Pinilit kong lumayo sa pinagbagsakan ko.

Nagdasal ako na sana makaligtas ako, umupo ako at pinagmasdan na lang ang mga bituin sa langit.

END OF CHAPTER 21


The Villainess is Me?!  | ✔Where stories live. Discover now