"Dana run! Susunod ako!" Muling sigaw ni Harper at sa isang iglap ay bigla na lamang niyang inapakan ng malakas ang paa ng lalake dahilan para mapasigaw ito sa sakit at mabitawan siya. "Go back to hell you son of a bitch!" Biglang inagaw ni Harper ang itak na hawak ni Dana na ngayo'y naiwan ng nakanganga dahil sa gulat. Si Harper na sana mismo ang tataga sa lalake ngunit laking gulat nila nang bigla na lamang tumama ang isang palakol sa ulo ng lalake dahilan para mahati ito sa gitna at magtalsikan ang napakaraming dugo at utak sa pagmumukha ni Harper at nakanganga paring si Dana.


Nang tuluyang bumagsak sa sahig ang wala ng buhay na katawan ng may edad ng lalake ay agad tumambad sa dalawa ang isang binata—Humahangos ito, tagaktak ang pawis at halos mag-kulay pula na ang kulay puti nitong damit na may bahid ng lupa at dugo.  May bitbit pang gitara sa kanyang likuran ang binata samantalang umaagos naman ang dugo mula sa hawak niyang palakol.


"H-hindi naman siguro ako makakasuhan dahil dito diba?" Walang emosyong sambit ng lalake habang hinahabol ang kanyang hininga.


Bigla na lamang nasuka sa gitna ng kalsada si Dana, "Oh my God! My mouth was open the whole time! I can taste his blood on my mouth! Eww!" Umiiyak at galit na galit na sambit ni Dana habang walang humpay na umuubo't dumuduwal.


"It's okay, at least we're alive." Giit na lamang ni Harper habang hinihimas ang likod ng kaibigan na para ng wala sa sarili sa labis na pandidiri.


"Atleast we're alive?! Harper I think his brain got inside my mouth! Do you really think I want to be alive with that memory on my mind?!" Giit ni Dana na kulang na lamang ay maglupasay sa sahig.


"Miss, alam kong diring-diri ka pa pero pwede bang ipaliwanag niyo muna sakin kung anong nangyayari dito sa lugar niyo?!"  Bigla na lamang bulyaw ng binata sabay sapo sa ulo niya gamit ang kamay na nanginginig pa. Binitawan na lamang ng binata ang hawak na palakol.


"Wait you're not from here too?" Tanong ni Harper habang nakakunot ang noo.

"Hinahanap ko lang yung babaeng may asul na scarf pero bigla nalang akong inatake nung paring may bali-baling mga kamay at paa! Kahit na ipinagtanggol ko lang ang sarili ko, pari parin yung napatay ko kaya pwede bang ipaliwanag niyo anong nangyayari?!" Paghihimutok pa ng lalake kaya nang marinig ito ay agad na nakunot ang noo ni Dana.


Tumayo ng maayos si Dana matapos maipahid ang palad sa kanyang labi. "Look, hindi rin namin sigurado—" Natigil sa pagsasalita si Dana nang makita ang pagmumukha ng lalakeng nasisinagan ng ilaw na nagmumula sa posteng nakasindi.

Kapwa naguluhan ang binata at maging si Harper sa biglang naging reaksyon ni Dana.


"Dana? You okay?" Tanong ni Harper pero nanatili lamang na nakatitig ang gulat na mga mata ni Dana sa mukha ng binata na para bang kinikilatis ang bawat anggulo nito.


"N-nakita na kita noon..." Nauutal na sambit ni Dana sa binatang lalong naguluhan.



4 years ago

 

"You're sketching again?" Kunot-noong sambit ni Dana nang lapitan si Cielo nakasilong sa puno ng mangga.

 

"You're bitching out again?" Pabirong sambit ni Cielo habang ginagaya ang pananalita ni Dana dahilan para bigyan siya nito ng napakatalim na tingin.

 

"I'm kidding! Calm your melons!" Bawi na lamang ng tumatawang si Cielo.

 

"Calm your Melons? Seriously Cielo? Seriously?!" Nakangiwing sambit ni Dana at tumabi na lamang kay Cielo sa kinauupuan.

 

"Sorry not sorry, nakakahawa kasi ang pananalita ni Wacky." Biro ulit ni Cielo na patuloy lamang sa pagguhit sa kanyang sketchpad.

 

"Ugh! 'Wag ka ngang makipag-usap dun! Baka mamaya ma-recruit ka niya sa KKAK! Itatakwil talaga kitang leche ka." Pabirong giit ni Dana.

 

"KKAK? Diba KKK lang yung kay Bonifacio? " Tanong ni Cielo na saglit na tumigil sa pagguhit.

 

"No dumbelina! KKAK stands for Kilusang Kalandian Ang Kailangan! It's that new cult they formed last week. Ugh, hindi mo pa alam kasi palibhasa di ka pa nabibiktima ng mga manyakis na 'yon kasi nga alam nilang may Raze na bubugbog sa kanila pag nagkataon." Napatingin si Dana sa sketchpad na hawak ni Dana at nakunot ang noo niya nang muli na namang makita ang imahen ng isang lalake, "Uhm, Cielo mind explaining me why you're sketching that cute dude again?" Tanong pa nito.

 

Napabuntong-hininga na lamang si Cielo at napatitig sa kanyang iginuhit, "The dreams came back Dana. Nakikita ko na naman siya sa mga panaginip ko."

 

"That's really creepy Cielo. Mga bata pa lang tayo napapanaginipan mo na siya, ba't bumalik na naman? Ano sabi ng mom mo? Hoy wag ipakita yan kay Raze ah, baka mamaya kung ano pang isipin nun." Nag-aalalang sambit ni Dana kaya napatitig na lamang si Cielo sa kawalan na para bang pilit na inaalala ang mga panaginip niya.

 

"I didn't tell my Mom, ikaw lang talaga ang nakakalaam nito so shush okay? Days after naging kami ni Raze, napanaginipan ko ulit siya. Hindi ko naalala ang buong mga nangyayari sa panaginip ko, pero may iilan akong naalala. Noon sa mga panaginip ko, hindi siya nagsasalita. Ngiti lang siya ng ngiti habang nakatayo sa harap ko. These past few days, nagbago. Nasa lawa kami, hindi ko alam anong ginagawa namin doon. May sinasabi siya—isang pangalan. Ako ang kausap niya pero iba ang pangalang tinatawag niya sakin." Naguguluhang paliwanag ni Cielo.

 

"Huh? Ano naman?" Tanong pa ni Dana.

 

"Amelia..." Mahinang sambit ni Cielo.


END OF CHAPTER V.

THANKS FOR READING!

VOTE AND COMMENT <3

Dispareo (PUBLISHED UNDER PSICOM)Where stories live. Discover now