Reset

20 2 0
                                    

Okay. Dedicated sa'yo ito Sis Mads. I know mahirap pero be strong. Kung siya talaga, kahit anong mangyari, kayo pa rin.

--

"Sabi ko naman kasi sayo diba? Iclear out mo na kung ano nga ba talagang meron sa inyo." Nag iwas na lang ako ng tingin. Last year na pala namin?

"Hindi ko alam. Natatakot naman akong magtanong. Parang clingy na ang labas ko nun. Ano yun? Nagdedemand na dapat may commitment?" Yun na lang ang sinagot ko. Ang hirap naman kasi ng sitwasyon eh.

Naranasan mo na ba yun?

Yung tipo ng tao na sobrang sweet sa'yo?  Yung ang turingan niyo eh parang  "kayo" pero wala naman talaga.

Ikaw naman, bilang gusto mo siya, lalong lumalala yung nararamdaman mo para sa kanya.

"Kaya ano? Mas pipiliin mong masaktan? Naman Meg eh! Matuto kang sumugal!" Napayuko na lang ako.

"Kaibigan ka namin. Ayaw kitang nakikitang nahihirapan! Babae ka hindi sundalo!"

"Tama na Haley." Narinig ko pang sabi ni Zoe. Kaibigan ko rin siya.

Nasa food court kasi kami ng school namin at itong dalawa ang kasama ko. Since silang dalawa lang naman ang nakakaalam sa problema ko.

It's something confidential and unbelievable.

"Seriously Megan. Oo Kuya natin siya pero once na maalis ka dyan sa safety zone mo, I'll talk to him and get rid of that feelings." I sighed.

It's not that easy. Maybe I really should talk to him.

"Bukas na yung Intercollegiate Volleyball Fest. Manunuod ka ba?" Tumango na lang ako kay Zoe. If you think na college na kami, mali.

High School Graduating students pa lang kami but nasa isang State University kami so may high school and college sa campus.

"Ang galing talaga ni Kuya Tyler no? Akalain mo yun? First year pa lang niya pero nakasama na agad sa varsity?"

"Malamang Zoe! Eh nung high school yun dito laging nasa court! Kalaro lagi ni ehem Meg ehem." Nagblush naman agad ako.

Nakakamiss din pala yung mga times na yun. Yung panahon na high school pa lang siya at free kaming maglaro sa volleyball court ng magkasama.

Yung times na ako pa lang ang pwedeng magkagusto sa kanya.

Ang selfish ko talaga. Tsk.

"Tara na nga." Sabi ko at umalis na nga kami.

--

"Grabe naman Meg! Akala ko crush mo? Wala ka man lang hinanda!" Napatakip naman agad ako sa tenga ko. Ngayon na kasi yung Volleyball Fest at maaga pa lang eh nasa venue na ako.

9AM ang simula ng games pero 8 ata eh nasa court na ako. Panigurado naman kasing maraming tao mamaya kaya kailangan nang makasecure ng pwesto.

"Earth to Meg! Kahit banner naman po gawan mo siya!" Tumakbo na lang ako papuntang canteen at bumili ng ang white cartolina.

Pwede naman siguro 'to diba? Tsaka ngayon ko lang kaya 'to magagawa.

"Oh ito na Seth!" Inabot ko yung cartolina at tinitigan niya lang ito. May pagkabakla pala gumalaw at manalita si Seth pero 100% naman na lalaki yan.

"Anong gagawin ko diyan? Hoy babae. Ikaw mag effort! Ako ba yung nagkacrush ng four years kay Kuya Ty---" Tinakpan ko agad yung bibig niya kasi ba naman! Sa dami ng fans nun baka sugurin nila ako bigla.

Simula kasi nung nagcollege siya eh dumami na ang fans niya. Though nung high school kami, tanging ako lang talaga ang may gusto sa kanya.

ResetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon