Guhit

24 0 0
                                    

Nagkagusto na ba kayo sa isang lalaki?
Alam niyo ba paano sila e-unlike?
Kasi ako gustong-gusto ko si Warren ang kaso hindi niya ata ako gusto kaya balak ko na syang e-unlike.

"Hoi babae tigtig na tigtig kana naman diyan sa classroom nila Warren wag kanang umasa dyan palagi ka namang busted." - Lyca kaibigan ko.

"Hayaan mo na si Hans, Lyca mapapagod din yan." tanggol sakin ni Ria.

"Sa bagay... Hehehe anong laman ng gift mo sa kanya kita ko paper bag na pinasok mo sa locker mo..."-Lyca

"Hehe drawing materials." proud kong sabi.

"Wow Hans baka ako gusto mong ligawan artist din tong kaibigan mo." Lyca

Pabirong binatukan ni Ria si Lyca.

"Ouch ha."

"Besh humingi ka sa parents mo may-ari kayo ng stationary shop."

"Oo nga pala no hmmm simula pa nong bata ako puro art materials regalo sakin napilitan tuloy ako maging artist."

Nagkatinginan kaming ni Ria saka sabay tinignan si Lyca tumagal iyon ng ilang segundo sabay namin pinakawalan ang malakas na tawanan.

Alam kasi naming tatlo maliban samin ni Hans lapis at papel lang ang nakakapagpasaya dito. Gusto na nga ipatapon ng mga magulang nito ang kagamitan pang guhit at pang-pinta dahil gusto nilang maging  Accountant ang anak at hindi Artist. Ngayon pa lang naaawa na ako sa mga magulang nito dahil si Lyca yong taong alam na alam ang gusto niya kabaliktaran sakin na si Warren lang ang gusto hehehe.

Natigil kami sa tawanan ng dumaan si Warren sa classroom namin kaya nag "Hi" ako dito. Tumigil ito sa harapan ko na halata ang inis sa mukha.

"Pwede ba tigilan mo na ng kakabigay ng regalo sakin , hindi ka ba nahihiya kung hindi pwes ako na ang mahihiya para sayo."

Halos matumba ako sa panginginig. Pinagtitinginan ako ng mga classmate ko at ibang classmate ni Warren. Sa lahat ng rejection niya ito ang pinaka tagos. Nakakahiya na ba talaga ang mga ginagawa ko sakanya. Nakakabingi ang mga salitang binitiwan niya napatakbo nalang ako paulit ulit kong naririnig ang boses niya na sinasabi na nakakahiya ako.

Huminto ako sa pag takbo saka napansing  na stock room na ako ng school namin bodega iyon ng mga kagamitan sa iba't ibang klase ng laro. Pansin ko ang paghihingalo ni Ria at Lyca.

"Babae ang bilis mo talagang tumakbo." reklamo ni Ria.  Pinahiran ko ang mga luha ko at humarap sakanila.

"Pssshh  sinabi ko bang habolin niyo ako?"

"Abay kong maka suplada ka ah parang hindi ka binusted ngayon-ngayon lang" Lyca

"Hehehe sabi ko naman sainyo last na yon ilang araw nalang gagraduate na tayo no kaya makaka move on na ako hehe"

"Dapat lang girl sa ginawa niya sayo saludo na ako sayo kung maghahabol ka pa." Ria

"Tsk.... Nakakalungkot nga lang hindi niya lang man binuksan or binasa ang regalo ko."  kasi kong binuksan niya sigurado akong hindi niya na ako gaganituhin.

"Hayaan mo na... Hindi ka niya deserve ok."Lyca

"Atsaka sa daming gusto nanliligaw sayo bigyan mo kaya ng chance ang iba. I'm sure may mas hihigit sakanya." Ria

Napangiti ako sa sinasabi ng mga kaibigan ko kung maka sabi ng madaming nanliligaw sakin eh dalawa pa palang naman.

"Anong ngiti-ngiti mo diyan baliw ka na ba?" Lyca

"Na realize ko lang kung gano ako ka swerte na sainyo hehe btw..." pinakita ko sakanila ang cellphone ko na naka display sa screen ang email ng University na papasokan nilang dalawa. Nakalagay sa email na tanggap ako sa University na iyon katunayan nauna pa akong makapasa sa kanila pero balak ko kasing sundan si Warren kaso kailangan ko atang limitahan na ang sarili ko.

L. O. V. E. Where stories live. Discover now