Chapter Nineteen

Magsimula sa umpisa
                                    

"Ayan din ang gusto kong ipaintindi kay Drake pero gustong-gusto niya pa rin basagin ang mukha ni Fourth dahil sa galit," sabi ko. "Audrey's pushing him away, e. Siguro... Ang mukha ni Fourth na niloloko ang kapatid niya ang unang pumasok sa isip ni Drake dahil sa mga pinagsasabi ni Audrey... Kaya ganoon ang naging reaksy—."

Naputol ang usapan namin dahil sa malakas na pagkakatulak ni Audrey sa kuya niya. Nasanggi ni Drake ang lamesang nasa gilid niya kaya tumilapon ang ibang bote ng alak doon at nabasag. Lahat kami'y napabaling ang tingin sa kanilang mag kapatid.

"D-don't..." ani Audrey.

"Quinn..." Drake sighed—he looked defeated. "Let's talk... Please?" Pagmamakaawa ni Drake.

"There's no need, Kuya," pagtanggi ni Audrey. "We don't need to talk about this."

Kumunot ang noo ni Drake at umigting ang panga niya dahil sa naging reaksyon ng kaniyang kapatid. Hindi siya nagpatinag kahit na kanina pa siya pinagtatabuyan ng kaniyang kapatid, nilapitan niya ito at kinulong sa kaniyang bisig.

"Shh... Quinn, calm down... Please? Let's talk calmly," Drake said.

Nagpatuloy pa rin si Audrey sa pagpupumiglas. "We don't need to talk, Kuya... You won."

"Quinn, calm down... What are you talking about?"

"She chose you! Panalo ka na, Kuya... I'm so fucking happy for the both of you!"

"W-what?" Drake asked out of confusion. "Is this about Celestine?"

Nang marinig ko ang pangalan ko galing sa bibig ni Drake, sinimulan ko na agad ang paglalakad papalapit sa kanilang dalawa. Sabay nila akong nilingon, Audrey scoffed while Drake's staring at me intently.

He's confused, I can see that through his eyes. They were bloodshot.

"What's going on?" I asked.

"Manhid," bulong ni Audrey.

Nilingon namin siya nang sabay ni Drake.

Fourthsky shook his head. "No... Drey..." Saway niya kay Audrey na para bang ayaw na niya itong magsalita pa.

"Audrey... Wag mo'ng ipilit kung hindi mo kaya," singit ni Astrid.

"I'm so done with all of these shits... I won't run away from it anymore." Kinuha niya iyong basong may laman ng alak, ininom niya iyon bago niya ako tignan.

"Addie... Ano ba 'to? Hindi ko maintindihan..." Naiiyak na sabi ko.

"Tash," ani Drake, may bahid ng pagaalala at takot ang boses niya.

"I need to do this for myself," mariin niyang sinabi ang huling pangungusap na 'yon.

"I don't know what's happening here," I uttered under my breathe.

"C'mon, Celest, I've been trying to make you realize that I have these shitty feelings for you but you're always so... so blinded by Kuya's love," sarkastikong sabi ni Audrey.

Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa dahil sa mga narinig ko sa kanya. Hindi ko alam na ganoon na pala ang tunay niyang nararamdaman para sa 'kin...

Kapatid ang turing ko sa kanya at hanggang doon lang talaga ang kaya kong ibigay.

Hindi ito tulad ng kay Drake na kahit sabay man kaming lumaki, mas matimbang pa rin ang pagmamahal na mayro'n ako para sa kanya bilang kaibigan niya at hindi bilang kapatid. Kaya kinaya ko'ng isugal ang kung ano naman ang mayro'n kami para bigyan siya ng pagkakataon mahalin ako nang higit pa sa pagiging magkaibigan.

I'm the only daughter of my family at si Audrey lang ang kailangan ko bilang kapatid. Siya lang. Bilang best friend, enemy, colleague o kahit ano pa 'yan. Si Audrey lang. Iba 'yung klase ng pagmamahal na mayro'n ako para sa kanya at para kay Drake.

Bawat Daan (Puhon Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon