Sheila PoV
Nakakashock ang mga nangyayari ngayon sa amin dito. Puro kababalaghan. Una, si Lanie, may nakita daw siya na multo sa attic. Pangalawa, sina John Paul, Gerick at Mikee may nangtrip sa kanila sa daan; may humataw daw sa kanila kaya nawalan sila ng malay. Tapos ito ang pinakaworst, si Manolo, nag-amok sa loob ng bahay. Tinangka pa nitong patayin si Chemae pero sa huli siya din ang nagpakamatay; sinaksak nito ang leeg gamit ang bubog.
Mabuti na lang at may kasama kami na Medicine Student, si Darryl. Siya na ang tumahi sa sugat ni Chemae. Kahit walang anesthesia tiniis na lang ng kaibigan namin ang sakit, magamot lang siya. Natutulog na ito sa taas kasama ni Mikee.
"This is not happening." Hagulgol ni Lanie. "Kailangan na nating umalis dito. May kababalaghan sa bahay na ito. I swear."
"Tigilan mo nga ang pag-iyak." Sabi ni Illonah. "Hindi yan makakatulong. All we need now is the authority."
Tumayo si Lanie. "Authority? Sige nga, paano tayo makakahanap ng mga pulis ngayon? Yung van natin." Itinuro nito ang labas. "Hayun, flat ang gulong. Tignan mo ang weather, bumabagyo."
"Exactly." Sabi ko sabay subo ng tinapay. "Wala tayong sasakyan at bumabagyo din. May cellphone nga tayo pero walang signal."
"Sheila is right." Sang-ayon ni Rachel. Kilala ko ang kapatid ko na ito, nagtatapang-tapangan lang yan pero deep inside, natatakot na.
Natahimik kaming lahat. Nagpapakiramdaman kami sa isa't isa. Alam ko na pinipilit lang ng mga kasama ko na kumalma; but deep inside, natatakot na. Sino naman ang hindi matatakot sa nangyari. Isa sa mga kaibigan namin ang nagpakamatay. That thought gives me creep lalo pa yung huling sinabi nito bago niya nilagutan ang sarili nito.
She's back. She will kill us all.
"I saw something." Basag ni John Paul sa katahimikan namin. Napatingin kami lahat sa kanya.
"Ano yun?" Intiresadong tanong ni Lanie. Naghihintay naman kami na sumagot ito.
"Babae. Duguan." Pumikit sa John Paul. "She said that we need to get out of here."
"Ano naniniwala na kayo sa akin? Hindi lang ako ang nakakita. Alam ko na may nakita din si Manolo bago siya magpakamatay." Sigaw ni Lanie.
"No need to shout." Pagpapakalma naman ni Rachel sa kanya. Sa mukha nito, naiinis na ito.
Napalunok ako. Lalo na namang nadagdagan ang takot na nararamdaman ko ngayon. I stay as cool as possible; ayaw ko na pagtawanan nila ako.
"May sinabi pa ang babae na yun sa akin." Sabi pa ni John Paul. Mataman lang akong nakikinig habang kumakain ng tinapay.
"I know that you are scared." May bumulong sa akin. Nilingon ko kung sino yun; it's Darren. Inabutan niya pa ako ng tinapay. Kinuha ko naman iyon at kinain; napapansin ko lately na nagiging matakaw na ako. Must be cause by stress.
"Thank you!" Bulong ko din dito.
"Hindi daw natin kilala ang nakatira dito." Napalingon kami ni Darren kay John Paul.
"So there is something inside this house?" I asked.
"Yun ang sabi sa akin ng kaluluwa na nakita ko." Sagot ni John Paul.
"This is not really happening." Tumayo na si Lanie. Umakyat na ito.
"Wait, Lanie." Pigil ni Gladys.
"Hayaan mo muna siya. Para na rin may kasama si Chemae sa kwarto nila." Nakita ko na maiiyak na si Gladys.
"Ano bang nangyayari sa atin? Si Mikee, hindi pa nagigising. Si Chemae, sugatan. Si Manolo." Gladys bit her lips. "Si...si Manolo..." Hindi na nito naituloy ang sasabihin kasi umiyak na ito. "Paano na ang bangkay niya? Maniniwala kaya ang mga pulis sa sasabihin natin?"
Tumayo si John Paul at niyakap si Gladys. "Guys, we need to eat. Kailangan natin yun." Sabi pa nito.
Matamlay na tumayo ang lahat. Paano pa kaya kami makakakain kapag ganito ang nangyayari sa amin. Pakiramdam ko pa may mga nakatitig sa akin, sa amin.
---
Gladys PoV
Natapos na kaming kumain. Natapos na rin kaming magligpit kaya nagyayaan na kami na pumunta sa mga sarili naming kwarto.
Kumuha ako ng tray ng pagkain para kina Chemae at Lanie. Dinagdagan ko na lang, baka sakali na gising na si Mikee.
Ako na lang ang nasa baba ng mga oras na ito. Nagsipag-akyatan na ang lahat. Patuloy pa rin ang malakas na ulan sa labas na sinabayan pa ng kulog at kidlat.
Bago ako umakyat ay lumapit muna ako sa may pinto. I checked it if its locked. Mabuti ng sigurado. Nag-aalala kami na baka pasukin kami habang mahimbing kaming natutulog.
Pero ang totoo, iniisip ko na baka hindi rin ako makakatulog. After what was happened. Nalagasan kami ng isa. May mga sugatan at may wala pa ring malay.
Bitbit ko ang tray na umakyat. Ng nasa taas na ako ay napatingin ako sa may veranda; nakabukas kasi ang pinto nun.
"Sinabi ng isara lahat, eh." Inilapag ko ang tray sa isang lamesa sa gilid saka naglakad papunta sa pinto. Isasara ko yun. "Pasaway naman sila."
Inabot ko ang pinto at aktong isasara ko na yun ng biglang kumidlat. I cursed silently. Nagulat kasi ako. Huminga ako ng malalim saka itinuloy na ang pagsara nun. Napatingin ako sa labas. Alas-siete pa lang pero napakadilim na; isama pa ang malakas na ulan.
Bigla akong nagulat ng kumidlat uli; pero hindi ako nagulat dahil sa kidlat, nagulat ako dahil may nakita akong bulto sa sulok ng veranda. Napalunok ako; binilisan ko na ang pagsasara ng pinto.
Ngayon na ako naniniwala ng lubos na meron ngang kababalaghan dito sa bahay na ito.
Villa Rosetta is indeed haunted. But I need to stay strong for myself and for my friends. Kung totoo man ang babala ng multo na yun kay John Paul, dapat na kaming umalis dito.
Mabilis na ako na umalis doon. Halos mahulog ko na nga yung tray sa kamamadali.
Kumatok muna ako sa kwarto nina Lanie. "Guys, nagdala ako ng pagkain." Pinihit ko na seradura at marahan na itinulak ang pinto. "Papasok na ako." Paalam ko pero walang sumagot. Madilim na kwarto lang ang bumungad sa akin.
"Wala sila dito." Isang malalim na boses ang nagsalita. Marahas akong napalingon sa paligid. Agad na tinakbo ko ang switch ng ilaw at binuksan yun; bumaha ang liwanag sa loob. Lumingon ulit ako sa buong paligid pero walang tao. Wala si Lanie. Wala din sina Chemae at Mikee.
Nasaan sila? Tanong ko sa sarili ko. Biglang bumundol ang kaba sa dibdib ko. Baka may nangyari na sa kanila.
Mabilis akong lumabas sa kwarto at kumatok sa katapat na kwarto. Bumukas yun at lumabas si Darren. "Sina Chemae, wala sila sa kwarto." Sabi ko sa kanya. Mabilis naman na tinungo ni Darren ang kwarto nina Chemae.
"Nasaan sila?" Tanong niya.
"Tinanong ko na din sa sarili ko yan." Sagot ko naman. Tumakbo ako papunta sa harap ng pinto nina Sheila. Lumabas naman ito na may hawak na Chiz-it sa kamay. "Sina Chemae?"
"Wala dito, girl." Sagot niya sa akin. Where on the earth are they?
"Anong nangyari, ate?" Tanong ni Gerick sa akin.
"Sina Chemae, nawawala sila." Imposible naman na makaalis sila ng ganun na lang. Mikee and Chemae is both injured.
Nag-umpukan na kaming lahat dito sa pasilyo. Lahat nagtatanong kung ano ang nangyari.
"They are missing." Anunsiyo ko.
---
ŞİMDİ OKUDUĞUN
The Evil Within
ParanormalThey thought it is a relaxing vacation but it turn out not. An Evil is planning to consume them all. One of them has the evil within him/her. One desicion to make to save them all. ---
