"sama ka sa room namin, sena girl!" hinila ako ni irene paakyat. kasama ko sila ni psyche sa isang room na may dalwang queen sized bed na kama. sakto lang kami. samantalang si oleya at si toni  ay sa ibang room daw.






"ang ganda dito" pumunta ako sa glass door na tanaw ang dagat, tumama tuloy sa mukha ko ang araw kaya medyo napapikit ako.






"this is owned by jake's family. every year nasanay na kaming nagce-celebrate ng ganitong event lang, kasama sila" umakbay sa akin si psyche at ngumiti sa akin.





"hindi nyo gusto na magkaroon kayo ng quality time na kayo lang dalwa kapag napunta kayo sa ganito?" i asked her, curious.





"magkasama na kami everyday e. pero yung makumpleto kami ng ganito.. bihira lang. yung quality time namin, yung kasama sila" i really felt how strong their friendship bond is.



kumain kami ng lunch na puro seafoods. after noon ay nag swimming kami sa private pool na nasa likod ng villa, at nag barbeque party.


nakiligo din ako sa kanila dahil gusto ko saka ayokong tawagin nila akong KJ no!




noong madilim na ay nagyaya sila na maginuman, syempre hindi ko naman tinanggihan. nagkaroon ng maliit at maiksing event para kay jake at psyche. doon nagbigay kami ng message kaya doon ko inabot ang regalo ko sa kanila. after noon, ay nagdiretso na kami sa inuman at kwentuhan.






maya-maya pa parang dinala na nila ang magnus dito dahil nagsasayawan na sila. 10PM na din kasi.






noong malowbatt ang bluetooth speaker na dala ni jay ay nagpasukan na sila sa loob. medyo tipsy lang ako kahit madami akong nainom dahil malakas naman ang alcohol tolerance ko, kaya ako ang nagligpit kasama si psyche na bumaba ka agad after nya ihatid si jake sa room nya, hindi sya umiinom kaya sya lang ata ang maayos ang lagay sa amin dito.





"ako na dyan sena, magpahinga ka na, bukas kailangan mag enjoy pa din tayo"



"okay lang naman ako, hindi pa din ako antok"




"may iniisip ka ba?" tanong nya sa akin. umiling ako. "wala naman" i lied. sa sobrang saya ko dito, bigla akong natakot umuwi. hindi ko alam kung ano na naman ba ang pagdadaanan ko doon.




noong matapos kami ni psyche ay nagpaalam sya sa akin na titignan nya si jake dahil ayaw daw nya sumakit ang ulo nito kinabukasan, aalagaan nya siguro. sumilip ako sa room namin pero nakita ko lang doon si toni na tulog na, si hoon ay ngumiti sa akin habang inaalam si irene na mukhang may kung ano-ano pa ang binubulong sa kanya.




"tutulog ka na ba?" sunghoon asked me. si irene kasi katabi ko sa kama. "no, bababa pa ako hindi pa naman ako antok" muli kong sinarado ang pinto.





wala ng tao dito sa first floor, pumunta ako sa kusina at kumuha ng isang bote ng alak saka ako lumabas para maglakad lakad sa may dalampasigan.




buti na lang may dala akong pambalot ko sa sarili dahil naka maong shorts lang ako at sando na croptop ngayon. naupo ako habang unti-unti na iniinom ang alak na dala ko.




bakit kaya sa ganitong oras lamang tahimik ang mundo.. ang sarap sa tenga kasi ang peaceful ng paligid, pero yung mga iniisip ko, yung problema ko patuloy pa din at mas nag iingay naman sa isip ko. wala din silbi ang tahimik na paligid dahil mas binibigyan nya mag rason na umingay at mas lalong mag-isip ng kung ano-ano yung isip ko.




wrong moveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon