"Nahihibang ka na ba?"

Biglang nagbago timpla ng mukha ko sa sinasabi sa akin ni Tin ngayon. Yuck! kung magkakagusto man ako sa mabuting lalaki na lang kaysa sa kanya!

"Wow ah! ang defensive mo masyado ate girl! tinatanong lang kita."napatawa siya ng mahina kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Di maganda yung tanong mo."I replied.

Makita ko pa nga lang pagmumukha niya naiinis na ako. parang gusto ko na lang siya sakalin bigla. Dahil alam ko din naman na inis na inis niya rin ako kapag nagkakatagpo kami ng landas. Baka nga ,gaganti pa siya sa akin dahil sa sapak na binigay ko sa kanya.

But ,I'm not scared kung gaganti man siya sa akin.

"Pero wag ka magsalita ng tapos Claudette Thalianna Santos."binanggit na naman niya ang full name ko!"Don't forget na may kasabihan tayo na the more you hate ,the more you love."

Napaawang ang labi ko sa sinabi niya sa akin. What? what did she say? naniniwala pa siya sa mga kasabihan na yun?

"At naniwala ka naman dun?"I sarcastically asked to her then she nodded fast.

"Yes ,of course."Tin exclaimed ,"Naniniwala pa rin ako dun lalo na't naeexperience mo na kay Garrett yun.mas lalong naniniwala ako na totoo yung kasabihan na yun!"

What the heck?

"Malabong malabo yang pinagsasabi mo."I told her ,"He's not my type."

"Sige ,sabi mo eh."pero sa tono ng pananalita niya ay parang di pa siya naniniwala. Bahala siya kung ayaw niya maniwala ,di ko naman siya pinilit na paniwalaan ako. Basta ako ,di ko type yung ganong lalaki.

Garrett is a jerk man I've ever met.

Hinding hindi ako magkakagusto sa kanya. itaga ko pa yan sa bato!

He's my greatest enemy.

Pagkatapos ng pananatili ko sa bahay ni Tin ay nagpaalam na rin ako kina Tita Kienna and Tito Patrick na uuwi ako. Hinalikan pa nga ako ni Tin sa pisngi at sinabing mag iingat ako sa daan dahil tanga pa naman daw ako.

"Oo na!"iritadong sabi ko sa kanya akmang aalis na ako pero hinawakan niya yung braso ko.

"Wait!"pigil ni Tin ,"Gusto mo bang ihatid na kitang pauwi? gabi na oh ,baka may mangyari pang masama sayo sa daan!"bakas sa mukha ni Tin na concerned siya sa akin.

Ngumiti ako sa kanya ,"Don't worry ,kaya ko sarili ko. wag mo na ako ihatid pauwi ,alas sais pa lang naman."

Kaya dahan dahan niya akong binitiwan at mukha namang nakumbinsido ko siya.

"Sure ka ah?"paniniguro pa niya at tumango na lang ako sa kanya para masigurong wag na siya mag alala ,"Sige ,mag ingat ka na lang. Itext mo na lang ako kapag nasa bahay ka na."

Kaya nauna na ako dahil subdivision ang house nila kaya paglabas ko ay binati ako ng guard na nagbabantay doon na mag ingat daw ako ,kaya ngumiti na lang ako ng tipid sa kanya.

Di rin nagtagal ay nakasakay na rin ako ng jeep. Mabuti na lang at di masyadong punuan sa jeep ,kasi kapag ganitong oras sobrang puno halos ang mga jeep kaya minsan 7:30 na ako nakakauwi sa amin. Kaya natuwa lang ako na walang masyadomg tao na di sumasakay.

Halos 20 minutes ay bumaba na ako sa kanto dahil malapit lapit naman dito yung bahay ko konting lakad lang nandoon na ako. Sa apartment kami umuupa ni Jaycee dahil doon tahimik.

Habang naglalakad ako ng tahimik dito ay nakaramdam ako na parang may tumatakbo kaya napahinto ako ng mariin. Nakita ko ang tumatakbo na hula ko ay hinahabol siya ,pero di ko namamalayan na tinatawag niya ako.

Together For A Day ✓Where stories live. Discover now