Chapter Eighteen

Começar do início
                                    

"Nice to meet you," nakangiting bati ko habang inaabot ang kamay na nilahad ni Chase.

Tinapik ni Drake iyong kamay ni Chase bago niya ito kamayan, "Drake Medina."

"Audrey Medina," bati ni Audrey.

"Kumain na muna kayo, Chase, bago kayo umalis ni Yra," utos ni Mommy. "Grabe naman 'yang daddy mo, Yra, wala ka pa nga'ng halos dalawang oras dito, pinapasundo ka na agad!" Natatawang dagdag niya.

"Kilala niyo naman po si Dad, Tita, ayaw no'n na hindi kami sabay-sabay naghahapunan," tumatawang sabi ni Ophyra.

"Siya ba ang sumundo sa'yo?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

She nodded, "Yes, it was Dad's idea though."

Tumango na lang rin ako at hindi na nagabalang magtanong pa uli tutal ay abala rin naman sila Mommy at Audrey sa pakikipagusap kina Ophyra at Chase. Hindi naman na siguro nila ako kailangan para i-entertain ang bisita.

"You done?" Tanong ni Drake jabang hinihimas ang likod ko.

"Yup, I'm full. Ikaw?"

"Yes, baby. Drink more water," utos niya na agad ko rin namang sinunod.

Umuwi na rin sina Chase at Ophyra pagkatapos namin kumain ng dinner. Hinihintay na rin daw kasi sila nina Tito at Tita para sa family dinner nila. Na-kwento rin ni Ophyra sa'min ang tungkol sa pagbalik nila rito sa Pilipinas.

Ayon sa kanya, dito raw kasi na-assign 'yung isa sa pinaka-malaking project ng daddy niya. Isa raw iyong agency building na pinapatayo rito at ang gusto raw ni Tito ay maging hands on sa proyektong ito kahit marami naman silang tauhan na engineer galing sa kompanya nila.

Galing sa family of Engineers at Architects si Ophyra kaya ang kurso rin na kinuha niya ay Civil Engineer. Ang buong akala ko ay sa ibang bansa na sila maninirahan, hindi ko nga mabilang ilang beses kaming nagiyakan noong nagdesisyon kaming dito sa Pilipinas mag kolehiyo habang siya ay mananatili sa America dahil nandoon ang pamilya niya at naroon na rin ang company nila.

Nang ibigay daw kasi kay Tito iyong project, agad din daw siyang pumayag sa offer ng magulang niya na umuwi muna rito sa Pilipinas habang ginagawa pa iyon. Ang sabi niya ay inaasikaso na rin daw ng magulang niya 'yung mga kailangan niya para makapagaral muna sa University of the Philippines, pansamantala.

"Tita Kath, una na po ako," paalam ni Drake kay Mommy.

Niyakap siya ni Mommy, "Mag ingat ka sa pagmamaneho, Anak."

"Yes po, Tita, thank you for the dinner po... I'll pick her up tomorrow morning po uli," aniya.

Tumango lang si Mommy bago ako ngitian. Hindi ko na siya pinansin pa dahil alam ko naman na aasarin lang niya ako tungkol sa kung ano'ng mayro'n sa'min ni Drake ngayon.

Imbes na ihatid pa si Drake sa parking lot, hinatid ko na lang siya sa may elevator ng floor namin. That is what he wants, hanggang elevator ko na lang daw siya ihatid dahil gabi na at hindi siya mapapanatag hanggat wala ako sa loob ng condo unit namin bago siya umuwi.

Dumausdos na naman ang mainit at malaki niyang palad sa bewang ko, "I'll see you tomorrow, hmm?"

"Wala naman tayong pasok bukas ah? Sabado bukas," sagot ko.

"Uh-huh but we'll have a date tomorrow," malanding sabi niya habang nakangiti at kitang-kita ko na naman ang dalawang malalim niyang dimples.

I wrapped my arms around his neck, "Alright. Good Night, drive safe, and thank you for today... Wag ka na mag-selos do'n, hmm?"

"Tss..."

He kissed the tip of my nose before entering the elevator in front of us. He smiled and waved at me before the elevator door closed. I walked slowly back to our unit while my right hand was still on my chest for support, I can feel my heart beating so fast for him.

Bawat Daan (Puhon Series #1)Onde histórias criam vida. Descubra agora