Chapter 2

1 0 0
                                    

Kinuha ng villager ang mga gamit at saka umalis. Ginamit Niya ang mga ginawang potions para protektahan ang sarili sa mga mobs. Nakarating na siya sa snowy biome, doon siya gumawa ng maliit na kubo, naglagay siya ng bed, furnace at redstone torch para sa ilaw at gumawa siya ng sikret basement sa ilalim ng lupa. Nilagyan niya ito ng ladder, trapdoor at tinakpan niya ng white carpets upang hindi madaling mahanap. Kumuha siya ng isang villager at isang zombie villager para i-trap sila sa kaniyang ginawang kulungan para sa kanila sa loob ng basement niya. Sa wakas, nakahanap siya ng lunas para sa zombie villager. Bumalik siya sa village upang ibalita ito sa mga ibang villager, dinala niya ang mga ito sa kaniyang kubo at ipinakita ang basement ngunit imbes na matuwa nagulat ang mga villagers sa kanilang nakita, isang zombie at villager nakakulong magkasama sa basement.
Bago pa mapakita ng chemist villager ang lunas, umalis na ang mga villagers at iniwan siyang mag-isa sa snowy biome. Nalulungot na pumunta sa village ang chemist para lang matagpo na galit na sa kaniya ang buong village at bigla siyang inatake ng iron golem. Bumalik siya sa basement, kinuha ang items at umalis. Lumayo siya sa village at nakapunta sa swamp biome, doon siya gumawa ng maliit na kubo at nagsilbing gumawa ng potions para sa sariling kaligtasan. Habang tumitingin sa paligid at hinahango ang itsura ng kaniyang bagong tagpong bahay, ang ngayon nang witch ay may nakitang itim na pusa, pinasok ito sa kaniyang kubo at naging kaibigan at alaga ng witch. Nakilala niya ang mga pillagers pero tumangging sumali sa kanila. Masama ang intensyon ng mga pillagers, gusto nilang sakupin ang village at ang naninirahan dito. Ang witch, kahit na hostile ay nagawa pa ring ipasgtanggol ang kaniyang village.

Story of WitchWhere stories live. Discover now